14: Sophie

1.5K 42 0
                                    

-- TROY'S POV --

Nagdismiss ng maaga ang prof kaya agad akong pumunta sa tamabayan kasama si Marco. Pagdating naming sa tambayan, laking gulat ko na may isang malaking box na pinagpepyestahan ang mga kaibigan ko. May mga laman na Guess, Nike, Aeropostale, Zoo York at kung anu-ano pang gamit na stateside.

Isa lang ang ibig sabihin nito.

Dumating na si Sophie.

Tiningnan ko si Marco na kasalukuyang nakanganga.

''Mapasukan yan ng langaw insan. Hahaha!'' Natawa na lang kami sa pagkatulala niya. Alam kong mas gugulo pa ang buhay naming ngayong nandito na si Sophie.

Ang ex girlfriend ko.

Kung nagtataka kayo kung paano kami nagging 'kami', iyon ay dahil bago siya pumunta sa New York, dito siya nag-highschool sa Pilipinas. Pagka-graduate naming ng highschool, saka siya umalis at may pangakong babalik. Kasabay ng pangakong iyon ay ang pakikipagbreak naming sa isa t isa.

Alam ko naming nasaktan ko siya.

Alam ko din na disente naman ang pagkakabreak namin. Alam naman kasi namin na kapag lumipat na siya sa New York, magiging busy na siya. Mas mahihirapan lang siya kung iisipin pa niya na may boyfriend siyang naiwan sa Pilipinas.

So I let her go.

Ganoon naman ako. Kapag alam kong hindi niya deserve ang inooffer kong effort at love, mas mabuti pang pakawalan na lang siya.

Pero sa tingin ko, nagkamali ako ng pagpapakawala sa kanya.

Makalipas ang 2 taon niyang paninirahan sa NY , eto na siya ngayon.

Mukhang mas matapang at mas mature nang tingnan.

Tumambad sa akin ang mala-porselana niyang kutis, singkit na mata at mahabang buhok.

'' Hi, Troy. It's been two years..'' Halata sa boses niya na nagtatapang tapangan lang siya. Alam ko ang tono niyang nyan. Paiyak na yan.

'' Hi, Sophie.'' I hugged her and kissed her cheek to greet her.

''It's been awhile since I left. Ganyan pa rin kayo ha. Makukulit. Haha!'' Sabay tingin niya kayna Ken, CJ at Baste na naghahalungkat ng mga goodies.

'' Syempre naman,Sophie! Hahaha! So, what happened to you sa New York? Anong course ang kinukuha mo?'' Baste

'' Hmm. Well, I tried getting a two year course there. For the fun of it lang naman, then here I am. Alive and kicking. '' Tiningnan niya ako at ngumiti. '' I'll be studying here for this year.''

Tumingin sa akin ang apat na pugo at nanahimik.

Anong ibig sabihin niya ng 'here'? As in here in Vanderbilt?

Chasing My PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon