-- MAKI'S POV --
''... So siya pa rin pala Akira.''
And my heart suddenly stopped. Kilala ko kung kaninong boses ang nasa likod ko. Unti-unting naiyak ang boses na yun pero hindi lumalayo sa likod ko. Nakasteady lang siya. Halos maramdaman ko ang hinga niya habang papalapit nang papalapit siya sa akin. And now I can smell her perfume.. I knew it.
STEPHANIE.
Hindi na nakapagsalita si Troy at tuluyan nang pumasok ulit sa recpetion. There is no choice for me but to face her. And when I faced her..
*PAAAAAK!*
Isang malutong na sampal. Sa ilang taon nang pagsasama namin, ngayon lang niya ako sinampal. Hard and heavy slap. Halos bumakat ang kamay niya sa pisngi ko. Mararamdaman mo talaga ang disappointment, gulat, sakit at kalungkutan niya sa pagsampal niya.
''Steph..'' I faced her and stopped her from sobbing.
'' You are such a jerk. How could you do this to me?! Inintindi ko na ex mo si Bettina. TINANGGAP KO YUN AKIRA! But now... engaged na tayo! Ano ba ang ginagawa mo? Hindi naman ako laruan ha! Bakit ba ganyan ka sa akin?! Ano bang ginawa ko sayo para gawin mo ito sa akin.. Minahal naman kita! Alam mo yan!''
'' Let me explain. I love you Steph at papakasalan kita. Kahit masakit sa akin ang nangyayari kay Bettina, right infront of my very eyes, tatanggapin ko pa rin. I love you. Papakasalan kita kasi mahal kita!''
Pulang pula na ang mukha ni Steph sa kakaiyak. Huminga siya nang malalim at pinunasan ang mga luha niya. Hindi siya nagsasalita.
Ayaw ko nang ganito. Silent Therapy.
'' Please Steph. Magsalita ka naman. Murahin mo ako. Magalit ka sa akin, wag ganito. Steph!'' I shook her shoulders, pero di pa rin siya nagsasalita. Nakapirmi lang ang mga mata niya sa mga kotse na nakapark sa labas ng Palazzio. '' Stephanie..''
'' I'll cancel the engagement. So please, get out of my way. Babalik ako sa party. '' Tinulak niya ako at nagmamadaling pumasok sa Palazzio.
Pucha naman!
Hinabol ko siya papasok pero huli na ako. Kinuha niya ang mic at pinatigil ang party music na kasalukuyang pinapatugtog sa tent.
'' Sorry guys, but I will cancel this engagement with Akira. I hope you understand.'' Biglang napanganga at natulala ang mga guests namin. Napatigil sila sa pagsayaw at unti-unti nang nagbulungan.
'' What?! Why princess?'' Sabi ni Boss Rafa kay Steph.
'' Daddy, he loves somebody else....''
Then tumingin siya sa side ni Bettina at naiyak. Hindi na niya sinabi ang pangalan ni Bettina para di na makadagdag sa kaguluhan. Bigla naman akong sinugod ni Boss Rafa at hinablot ang kwelyo ng tuxedo ko.
'' Is that true?!'' Boss Rafa
'' I love Steph.'' I said nervously.
''Then why is she cancelling this engagement?! EXPLAIN THAT TO ME MARCO!'' Galit na talaga si Boss. Namumula na ang mukha niya at humihipit pa lalo ang hawak niya sa kwelyo ko. Hindi na rin siya mapigilan ng mga body guards at kabarkada ko.
Tumingin ako kay Mama na kasalukuyang may worried face, kayna Troy. CJ. Ken at Baste na naghihintay din ng sagot ko, kay Steph na patuloy na umiiyak at kayna Bettina at Gino na nakatingin lang sa akin..
'' I love someone else. More than I love your daughter, sir.''
Lumipad ang isang malakas at matigas na suntok sa mukha ko. Napaupo ako sa sahig at napahawak ako sa ilong at bibig ko na unti-unti nang dumudugo.
'' GET OUT! BE A MAN MARCO UMALIS KA NA HANGGA'T DI PA NAGDIDILIM PANINGIN KO SA'YO! GET OOOOOOUT!'' Buong lakas na sigaw ni Boss Rafa sa akin. Tumayo ako at tumingin kay Steph..
'' I'm really sorry, Steph.'' Then lumabas na ako ng Palazzio at pinaandar na ang Audi R8 ko.
Huling beses ko na ito na magpapaiyak ng babae.
Tama na. Wala na akong kwentang lalake.
BINABASA MO ANG
Chasing My Princess
Teen FictionMarco Akira Bryans and Bettina Lorraine Uy were bestfriends during their childhood days. Hanggang sa pag-aralin si Marco sa Australia nang hindi nalalaman ni Bettina. After 10 years, bumalik si Marco sa Pilipinas bilang isa sa pinakasikat na transfe...