-- BETCHAY'S POV --
'' May boyfriend ka na ba ulit?''
Did I hear that right?! Ako?
Talaga bang manhid na siya o gusto niya lang mawalan ako ng pasensya sa mga nangyayari sa amin? Ang awkward na nga tapos sa lahat ba naman ng tanong na tatanungin niya.. BAKIT ABOUT SA LOVELIFE KO PA?! Malamang wala,Marco! Sabi ko sa isipan ko. Gusto ko sana isigaw sa kanya. Can't he see? Kung mayroon man akong boyfriend edi sana dinala ko dito sa lintik na reunion na ito. Lintik laaaaang! Kung hindi lang mabait si Tanya, hindi talaga ako sasama. At saka kaibigan ko pa rin naman sina Troy. Ayoko naman na isipin nila na parang hindi na ako nakaget over kay Maki.
So I just smiled and got up on my chair and told them na hindi ako nagpaalam kay Mama. Baka nag-aalala na siya sa akin. '' Una na ako guys. Thank you ha. Marco, Tanya.. Happy Anniversary. Best of luck!'' Masakit man, pero kailangan kong tanggapin na masaya na sila. Ang ex at ang kaibigan ko. Super inlove sila eh. At ako? Oo na momove on na talaga ako.
Nung akmang pipigilan ako ni Troy na wag muna umalis, saka ko nakasalubong ang kaklase ko sa medschool.
Si GINO OLIVARES. Ang resident heartthrob and nagmimistulang The Bachelor of the Philippines. Hihi~Pogi, may pagkasingkit, makapal ang kilay, mapupulang labi, maayos na pananamit (laging branded mga ateyyy!) , masayahin,mabit, matipuno and the list goes on! Basta ang importante dito HE IS SINGLE. I don't even know kung may nililigawan siya o tinatago lang niya girlfriend niya.
'' Bettina? Uy Bettina ikaw nga. '' He gave me a smile and welcomed me by his hug. Ang bango!!
'' Gino. Musta?'' I said
'' Been cramming lately. Hahaha! Oh bakit ka nandito? I mean, mukhang may party kang inattend-an dito ha.''
'' Second anniversary ng mga kaibigan ko.'' Lumingon ako sa gawi nina Troy at dinescribe sina Marco at Tanya. '' Yung babaeng nakaputing dress na may pink sa dulo at yung guy na nakablack. Sila yung couple.''
'' Ohhh. Eh bakit mukhang mauuna ka na?''
Sasabihin ko ba kay Gino?
Hay bahala na!
'' Ex ko yung boyfriend niya.'' Bakas sa mukha ni Gino ang pagkagulat at the same time, he smiled at me and tinapik ang likod ko.
''Whoa. The situation was super awkward at hindi mo na kinaya? But I adore your guts to be here with them ha.'' Gino
'' His girlfriend, who is my friend, invited me. Tatanggi sana ako kaso nakakahiya. Baka sabihin hindi na ako nakapagmove-on. How about you? Ano meron?''
'' Apparently, katatapos lang ng family dinner namin. Sabi ko hindi muna ako uuwi ng bahay. Alam mo na, schoolworks. Hahahaha!'' Gino '' So may gagawin ka pa ba aside from getting out of here?''
Umiling ako. '' Wala na. Uuwi na lang ako.''
'''Then come with me...''
BINABASA MO ANG
Chasing My Princess
Teen FictionMarco Akira Bryans and Bettina Lorraine Uy were bestfriends during their childhood days. Hanggang sa pag-aralin si Marco sa Australia nang hindi nalalaman ni Bettina. After 10 years, bumalik si Marco sa Pilipinas bilang isa sa pinakasikat na transfe...