-- TROY'S POV --
Nanlaki ang mga mata naming sa nakita naming milagro. Ayputek! Ano bang nangyayari sa mundo ngayon? Bakit dito pa? Bakit sa public place pa?
''Aypu...'' Hindi na naituloy ni Baste ang sinasabi niya nang Makita niya na si Marco pala talaga ang lalakeng ka-make out ni Cherry. Napatakip siya ng bibig at nakita ko sina Ken at CJ na nakatulala at nakatitig lang sa kanila.
Sa sobrang inis ko, sinugod ko kaagad si Marco kahit isinusuot pa lang niya yung pantalon niya. ''Gago ka talaga!'' Sinuntok ko siya sa mukha at kinorner sa may sulok ng kwarto. Tumakbo papunta sa amin sina CJ at pilit na pinipigilan kaming dalawa na magclash ni Marco.
''Ano bang iniisip mo at ginagawa mo ito kay Bettina?! Ha Marco!'' Hindi sumasagot si Marco. Basta nakayuko lang siya at nagbubutones ng pantalon. '' Sumagot ka kung hindi malilintikan ka sakin hayop ka! Pinsan pa man din kita!''
Nanlisik ang mga mata ni Marco.
Parang hindi na siya ang masayhing Marco na pinsan ko. Iba ang aura nya.
Napaurong sina CJ nang hatakin ako ni Marco papalabas ng Tattoo Shop at itulak ako sa may gutter ng kalsada. Yung mga taong nakapaligid sa amin napatigil sa paglalakad.
"Bakit ba napaka-pakialamero mo Troy?!'' Sigaw niya sa akin. '' Pinsan lang naman kita ha! Wala kang pakialam kung ano ang gusto kong gawin sa buhay ko!''
'' Wala?! Oo na! Wala akong pakialam kung wala kang nasasaktang iba. Pero mukhang may nakakalimutan ka yata sa relasyon mong iyan kasama si Cherry..'' Tumingin ako kay Cherry at sinabi sa tapat nya '' May hindi ka alam Cherry!''
Nagtaka ang mukha niya habang pinipigilan si Marco na sumugod sa akin. Tumayo ako at pinagpag ang pantalon at damit ko. '' Gusto mo banag malaman niya ang maliit mong sikreto?'' Hindi ko na kaya pang marinig ang pagmamakaawa ni Marco sa akin. Kahit pinsan ko siya, hindi ko pa rin kukunsintahin ang mga ginagawa niya. ''GUSTO NIYO BANG MALAMAN?!'' Tiningnan ko ang mga kaibigan naming at silang dalawa.
'' Pwes. Ayaw niyo sumagot? Osige. Cherry, I don't mean to hurt you sa sasabihin ko ha. Pero yang si Marco na kinahuhumalingan mo ay may girlfriend na!'' Kitang kita ko nagulat ang expression ni Cherry at napatingin siya kay Marco.
''Totoo ba ang sinasabi ni Troy,Maki?'' Ayaw sumagot ni Marco kaya itinuloy ko pa ang sasabihin ko,
'' Sampung taon niyang hinahanap at hinihintay ang babaeng yun at ngayon ay nasira na nang dahil sa pagka-inlove niya sayo.''
''S-so you mean, kayo nga ni Cherry?'' Sabi ni Ken. Ngayon, tumango na si Marco.
Halos magbreakdown na si Cherry kakaiyak sa harap ng tattoo shop at napasugod si Ken kay Marco sabay suntok sa kanya na ikinatumba nito. '' Siraulo ka talaga! Ano ba yang ginagawa mo Marco?! Alam mo namang bawal yan eh! Ano ba ha! Napakasiraulo mo! Hayyyy! Putek!'' Sabi ni Ken habang tinatadyakan si Marco. Hindi nga titigil si Ken pero buti pinigilan siya nina Baste.
Habang ako, eto, nagpupunas ng dugo sa ilong at umiiling. '' Nakipagbreak ka nang dahil dito. Sa tingin mo ba mapapatawad ka ni Bettina? Sa tingin mo ba babalik ang tiwala niya sayo, Marco? Tskkk.''
Simula ngayon, hindi na ako makikialam.
Simula ngayon, bahala na siya sa buhay niya.Pinindot ko na ang susi ng kotse at papasok na sana nang tumayo si Marco at nagsalita..
'' Mahal mo ba si Bettina?''
Tumango ako habang nakatalikod sa kanya.
''Matagal na,Marco. Pinaubaya ko lang siya sa'yo. ''
Pagkasabi ko nun, natawa nang bahagya si Marco at naglakad papunta sa kotse niya sabay lingon sa akin.
'' You're one hell of a traitor, don't you know that?''
Hindi na ako nakasagot pa dahil pumasok na siya sa kotse at pinaandar ito nang napakabilis.
BINABASA MO ANG
Chasing My Princess
Teen FictionMarco Akira Bryans and Bettina Lorraine Uy were bestfriends during their childhood days. Hanggang sa pag-aralin si Marco sa Australia nang hindi nalalaman ni Bettina. After 10 years, bumalik si Marco sa Pilipinas bilang isa sa pinakasikat na transfe...