''Bilisan mo , Betchay! Hindi ka dapat magpahuli!'' Sabi ko sa sarili ko habang nag-aayos ng buhok. Lipstick at lipgloss na lang. Okay na ako dito.
Pink and black dress.
Black heels.
Mahabang buhok with curls sa dulo.
Glittery headband.
Glittery pouch.
Ayos!
'' Bettina yung cellphone mo naman at driver's license! Anak naman oh! Pag ikaw nahuli ng MMDA!'' Ay shoot! Yun pa ang makakalimutan ko, hassle naman. Agad kong kinuha yung inaabot sa akin ni Mama at kiniss na siya sa pisngi.
'' Ma, una na po ako. Late na ako sa reunion! Bye love you!'' Nagwave ako kay Mama at pumasok na sa kotse ko. Tumakbo pa siya at humabol ng sasabihin, '' Pakikamusta ako kayna Elena at Maru ha! Miss ko na sila sa bahay natin.'' Tumango ako at nagmano na kay Mama.
30 minutes pa naman. Wew. Makakaabot pa ako!
Pero kamalasan nga naman! Umulan pa at natraffic pa ako kasi may ginagawang kalsada. Hayyy!
'' Maru, baka malate ako ha. May ginagawang kalsada dito sa nadaanan ko.'' Sabi ko kay Maru na kasalukuyan na yatang nakikipagtsismisan sa kabilang linya.
''Hay nako Betchay! Kahit kalian talaga! oo na. Bilisan mo!'' Maru
'' Eto na lilipad na! Hahahaha!'' Sabi ko habang naghahanap ng ibang shortcut.
'' Loka! Osiya see ya. Ingats ka ha! Mwa!'' And the line went dead. Hayyyy! Ang babagal naman kasi ng mga gumagawa at saka why now di ba? Minsan na nga lang kami magkitaan ng barkada mauudlot pa yata o malelate pa ako.
3 taon na ang lumipas pagkatapos naming makagraduate ng college sa Vanderbilt University. Nagpahinga ako ng isang taon after ko grumaduate at saka nag entrance exams sa Medschool kasama sina Maru. Luckily, nakapasa kami ngayon and now, medschool students na kami. Balak ko sana kumuha ng Pediatrics at Cardiology as a doctor para naman matulungan ko yung mga batang nangangailangan ng transplant o kaya may mga sakit sa puso na mahihirap. Si Maru balak magPedia at si Elena naman OB-Gyne. Nasa iisang school naman kami kaso dahil nga magkakaiba kami ng schedules at kung may free time man kami, ay nag-aaral kami o nagreresearch (walang katapusang research! hanubeyerrn! Hahahaha!)
So yun, basically, once o thrice a month lang kami nagkikita-kita, minsan nga hindi na talaga kami nagkakausap o nagkikita. Kapag nagkakasalubong nalang kami sa school kami nagkakabatian. Hayyy! Haggard kaya maging medical student!
Aral dyan. Review dito.
Laging may test o surpise quizzes.
Kailangan talaga magsunog ng kilay! Wooo!
At dahil nga dyan, nakalimutan ko na ang nakaraan. Yung nakaraan na sobrang sakit at pait. Yung mga araw na ginugugol ko ang sarili ko sa kakaisip kung bakit umalis siya at iniwan na naman ako. Yung mga times na nagseself pity ako at sinisisi ko ang sarili ko kung saan ako nagkulang.
Oh well, hindi na ako ganoon ngayon.
Masasabi ko na I HAVE CHANGED. Hindi na ako yung dating Bettina na iyakin at lagging naiiwan. Ayaw ko na rin balikan ang nakaraang iyon.
Bahala na siya sa buhay nya, kung nasaan man siya.
After 18268261965372736 years, nakarating na rin ako sa coffee shop. Pagkapasok ko pa lang, nakita ko na sina Maru na kumakaway sa akin.
'' Naks. Libre mo ito Maru?'' Sabi ko habang papaupo pa lang at kinukuha ang frappe na binibigay niya sa akin.
'' Oo naman! Hahaha! Kumikitang kabuhayan!'' Maru
''Anyare? Ano sideline mo at nagiging donya ka na?''
'' Gumagawa ako ng projects ng mga bata o kaya nagmumural sa mga walls. Minsan nagpiprint din ako ng customize shirts! Hahahaha!'' Sabi ni Maru na self-proclaimed artist/ medschool student.
'' Wow! Talagang pinursue mo yan atey ha! Nice one Maru! Minsan pala dapat magpagawa ako sayo ng shirts noh? Nauubusan na ako ng bagong damit na susuotin pag lumuluwas!'' Sabi ko habang napapangiti.
''Sure Chay! May discount pa!'' Nag-thumbs up siya.
''So kamusta ang pag-aaral? Hahaha!'' Sabi ni Elena. Huminga ako ng malalim at natawa.
''HELL. HAHAHAHAHA! HAGGARD! Grabe!'' Sabi ko habang idinudukdok sa mesa ang mukha ko. '' Ilang araw na akong di nakakatulog dahil sa mga tests at researches. Anytime mahihimatay na ako! I swear!''
'' Ako din! Haaay! Ano ba itong napasukan kong gulo?'' Natawa na lang kami kay Maru habang iniikot ang straw sa frappe niya.
Matagal din kaming nagka-catch up sa coffeeshop. At dahil may super rest day namin bukas, naisipan na naming magpaalamanan para makatulog ng mas maaga. Hindi yung laging 4am o 5am na nakakatulog.
" Mag-ingat ka pauwi Chay! Kitakits sa school'' Sumabay si Elena kay Maru sa kotse.
'' Bye Chay! Mwamwaaa!'' Nagflying kiss pa si Maru bago inistart ang kotse niya.
''Ingats!'' Sabi ko habang nakatayo katabi ng kotse ko.
Papasok na sana ako nang biglang humabol si Maru ng sasabihin sa akin..
Nakatingin siya sa cellphone niya at nanlalaki ang mata..
'' Oy Maru! What happened?'' Sabi ko
''Come here! You won't believe this Chay!'' Tumakbo ako papunta kayna Maru at tinanong kung bakit ganoon na lang ang pagkaguat nila sa text. Pinabasa niya sa akin ang text galing kay Troy.
Halos malaglag puso ko sa pagkabasa ko..
From: Troy
He's back.
BINABASA MO ANG
Chasing My Princess
Novela JuvenilMarco Akira Bryans and Bettina Lorraine Uy were bestfriends during their childhood days. Hanggang sa pag-aralin si Marco sa Australia nang hindi nalalaman ni Bettina. After 10 years, bumalik si Marco sa Pilipinas bilang isa sa pinakasikat na transfe...