Chapter 2

7.7K 229 6
                                    


PABAGSAK akong humiga sa malaki kong kama at tinitigan ang transparent kong bubong kung saan kitang-kita ko ang mga bituin na malayang nakakalat sa kalangitan. I missed everyone. My hometown, my family and the old me.

I used to disguised and discover how to fit in a different kind of people. College na ako nang nagawa kong makipagsabayan sa buhay sa pilipinas at kailangan ko pa ng panahon. I sighed.

Napasimangot ako nang maalala kung sino nga ba talaga ako. Tinatago ko ang totoo kong pagkatao sa pangalang Eunice Dela Vega upang protektahan ang kung anong meron ako. Nobody can blame for it's the only thing to protect myself. I need to trick those who wants to take all my family's treasure. Hindi nila ako kayang isahan.

Nag-ring ang cellphone ko at agad ko iyong sinagot.

"Hello?"

"Eunice! Pumunta ka sa bahay. Please!" Boses ni Aira ang bumungad sa akin. Napa-iling na lang ako at bumangon.

"Ano bang mayroon?" Tanong ko at pumasok sa loob ng aking walk-in closet at pumili ng susuotin.

"Heler! Birthday ni Nico, kaya ikaw, pumunta ka na!"

I rolled my eyes and nods my head as if she can see me. "Fine, fine. Magbibihis lang ako at dadaan sa—"

"'Wag na. Bilisan mo ah, babye! See you!"

Matapos niya iyon sabihin ay binaba niya agad ang tawag. Napa-iling na lang ulit ako at agad nag-bihis. Nang maayos na ang lahat sa akin ay agad akong lumabas ng kwarto at bumaba sa malaki at malawak naming hagdan. It was like a royal stairs, where newly crowned princess took her steps.

"Madam!" Tawag ng butler na humahangos sa kakatakbo. Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.

Butler Jared is just a twenty five year old guy who dedicated his life with our family. Ang ama niya ang naunang butler dito at siya ang nagmana niyon.

"S-saan p-po kayo p-pupunta?" Nauutal na saad niya. This guy have a speaking problem.

"Not your problem, butler Jared." Sagot ko at akmang tatalikuran siya ng humarang ang kaniyang katawan sa dinaraanan ko.

I must admit, Jared have a well-toned body, and a handsome face behind those weird glasses. Kahawig niya si clark kent dahil sa sout niyang salamin at postura ng kaniyang buhok na animo'y pinasadahan ng dila ng kalabaw. Inayos nito ang sout na necktie at naglahad ng kamay na para bang isang kawal.

"S-sasamahan k-ko n-na po k-kayo, M-madam," he stuttered. Tumakbo siya patungo sa sasakyan at binuksan ang backseat niyon.

Nagkibit-balikat na lamang ako at naglakad patungo sa sasakyan at mabilisang sumakay sa driver's seat. Nanlaki ang mata ni Jared at nagmamadaling sumakay ng passenger's seat. Nang minaobra ko ang sasakyan ay agad kong pinaharurot iyon ng mabilis.

"M-madam! M-mag s-seatbelt p-po kayo!" Sigaw niya na mahigpit ang hawak sa dashboard ng sasakyan.

I laughed upon seeing how this man's face turned into white. Namumutla siya at butil-butil na ang pawis sa noo kaya napagdesisyonan kong bagalan ang takbo.

"Okay ka lang Butler?" I asked him. He swallowed a lump hardly and nods his head. Inayos pa niya ang kaniyang salamin.

Napangiti na lang ako at inihinto ang sasakyan sa harap ng isang malaking mansiyon kung saan nagdiriwang ng kaarawan ni Nico. I crinkle my nose and pouted my lips frustratingly.

Lex Nicolai Ybañez.

Ang natatanging Ybañez na nagpapatibok ng puso ko. Nang malaman ko ang relasiyon nila ng aking kaibigan ay halos manlumo ako sa sobrang lungkot. But I have to accept the fact that Lex is never going to love me or even give me a single glance.

Modern Robinhood [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon