ISANG linggo na simula nang iwan ako ni Andrei sa tribung ito. They treat me well. Ako na mismo ang nahihiya dahil sa sinabi ni Andrei sa kanila. When I get out from this mess, ibabalik ko ang tulong na binigay nila sa akin."Ate Eunice!" tawag sa akin ng batang may kulay kayummangging balat.
Ngumiti ako nang makalapit siya sa akin. Butil-butil ang pawis niya sa noo dahil sa mataas na sikat ng araw. At the very young age, these kids learned to work for their own needs. Hanga ako kay Drei dahil buhay na buhay ang tribung ito dahil sa kaniya.
"Bakit lena?" tanong ko.
"Tawag po kayo ni inay," aniya at tinuro ang malawak na hapag na nasa labas ng kubo. Punong-puno iyon ng pagkain na siyang pinagtaka ko.
Kunot-noo akong tumingin kay Lena. "Bakit daw?"
"May malaking pagtitipon dahil mag-iisang-dibdib si Kuya Roy at Ate Gia," sagot niya.
Nanlaki ang mata ko at lumapad ang ngiti sa akin labi. Hindi ko akalaing may ganitong event pala dito. Tumayo ako nang hawakan ako ni Lena sa kamay at patakbong kaming tumungo sa handaan.
A smiled appeared on my lips as I saw how the wedding happens smoothly. Hiyawan at kantahan ang naganap matapos ang nakakakilig na kasal ng dalawa. Apo Lilo was the one who tie their knot. Halos takip silim na nang magsimulang magkasiyahan ang mga tao dito. Hindi ko mapigilan matawa nang makita ko ang mga batang nag-aagawan sa pagkain.
"Gusto mo?" ani ng katabi kong babae. Halos kasing edad ko lang siya. Pulang-pula na ang kaniyang pisngi at mahahalata ang kalasingan.
"Ano 'yan?" tanong ko.
She smirked. "Lambanog. Isang uri ng matapang na lambanog—"
"Pina!" sigaw ng mas matandang babae na sa wari ko ay kaniyang ina.
The Pina girl just rolled her eyes. "Ano ba! Gusto ko lang naman—"
Hindi na natuloy ang sinasabi ng babae nang buhatin ito ng isang lalaking sa tingin ko ay nobyo niya. She's drunk, and she seems depressed. Ang ina niya naman ay lumapit sa akin bitbit ang isang bata. My forehead creases as I saw the kid's pair of eyes. It was gray, very unique.
"Pilo.."
"Po?"
The woman smiled at me. "Pilo ang pangalan ng batang tinitigan mo."
Ngumiti rin ako. "Kulay abo ang mga mata niya.."
"Namana niya sa kaniyang ama."
I nods. "Talaga po?"
Tumango lang siya at ngumiti sa akin. Hindi na ako nagtangkang magtanong pa. I'm not in the position to ask further. Isa lamang akong outsider sa lugar na ito at nirerespeto ko ang bawat tao dito.
Tumalikod ang babae at nagtungo sa kabilang bahagi ng lamesa. Tumayo naman ako at naglakad palayo. I missed my life outside this tribe, I miss my friend, my bed and I miss Andrei. Wala akong balita simula nang umalis siya.
Nakarating ako sa talon na dating pinaliguan namin ni Andrei. The water seems so calm and clear, the moon's reflection on the water looks so amazing. Nilibot ko ang mga mata ko at pinagmasdan ko ang paligid.
"Nag-iisa ka.."
Napalingon ako nang makarinig ng boses. I smiled as I saw an old woman, she's Lola Juanita. Isa siya sa pinakamatanda sa tribo at siya rin ang nagsilbing tagapayo. Umupo siya sa tabi ko. She took something from her pocket, a hair comb.
"'La, gabi na po," saad ko. Pumuwesto siya sa aking likuran at sinimulang suklayan ang aking buhok.
"Ang ganda-ganda ng buwan," aniya at humagikhik. "Kanina, habang tinititigan kita, para akong nakakita ng dyosa sa talon na 'to."
I giggled. "Dyosa? Hindi naman po."
"Alam mo bang paboritong lugar ni Andrei dito," wika niya at tinuro ang tubig. "Mahilig siyang maligo dahil iniisip niyang kayang linisin ng talon na ito ang nagawa niya kasalanan."
Kumunot ang noo ko. "Kasalanan?"
Napahinto siya sa pagsuklay at tumabi sa akin. Salubong naman ang kilay kong nakatitig sa kaniya. I'm waiting for her to tell me more about Andrei. Huminga muna siya nang malalim at ngumiti sa kawalan.
"May kapatid si Andrei," paninimula niya. "Roxanne Hannah ang pangalan. Napakaganda niyang bata, napakabait at higit sa lahat, napakamasayahin."
Napalunok ako at tumango. "Nasaan na po siya—"
"Wala na siya," she mumbled. Her eyes looks so sad. "Pinatay siya."
"A-ano po?" nauutal na tanong ko.
"Si Andrei at Hannah, ay ampon lamang ng mag-asawang Stone. Ngunit ang mag-asawang iyon ay hindi naging mabuti sa kanila. Binubogbog si Andrei at ang pinakamasaklap ay nagawang gahasain ng kanilang amahin si Hannah,."
Napasinghap ako sa sinabi ni Lola. Parang nanikip ang aking dibdib dahil nasasaktan ako para kay Andrei. The pain that Andrei felt is inexplicable. Naramdaman ko ang unti-unting pamumuo ng luha sa gilid ng aking mga mata. I'm hurting for Andrei.
"Kaya nang naglayas si Andrie at Hannah ay natagpuan nila ang tribung ito. Kinupkop at inalagaan silang dalawa," she said but her voice suddenly saddened. "hanggang sa muli silang matagpuan ng mag-asawang stone."
Dinala ko ang palad ko sa aking dibdib dahil nasasaktan ako para kay Andrei. Hindi ako nagsalita at patuloy lamang na nakinig sa kwento ni Lola Juanita.
"Ngunit saglit lamang ang buhay ni Hannah sa puder ng mga Stone," anito at kitang-kita ko ang pagkuyom ng kaniyang kamao dahil sa galit.
Inabot ko ang kamay niya. "Lola, okay lang po ba kayo?"
She didn't answer me. Lumingon siya sa akin at kita ko ang pagtulo ng luha sa mga mata niya. Parang piniga ang puso ko dahil doon.
"Pinatay si Hannah," aniya habang walang tigil sa pag-iyak. "Dahil sa lalaking pumatay kay Hannah at sa mag-asawang Stone ay naging demonyo ang batang inalagaan ko!"
I gasped as she started to howl as if she lost someone she love the most. Niyakap ko siya at pinakalma. Tumulo na rin ang aking luha dahil sa kaniyang mga sinasabi.
"Nilagay ni Andrei ang batas sa kaniyang kamay, kumitil siya ng buhay para sa kaniyang kapatid, naging mamatay tao ang batang inalagaan ko," she cried at me. Suminghot-singhot ako at pilit pinapahinto ang mga luhang nagunahan sa pagpatak.
"'La tama na po," sabi ko habang hinahaplos ang kaniyang likuran.
"Hindi ko akalain sa sobrang galit ni Andrei sa mundo ay nagawa niya iyon," she whispered.
Akmang magsasalita ako nang isang babae ang sumulpot sa aming likuran.
"Lola! Kanina ka pa namin hinahanap!" anito at pumalatak nang makitang namumugto ang mata ni Lola.
Tinayo ko siya at agad naman siyang inalalayan ng bagong dating. Tumango sa akin ang babae at ngumiti. Nagpasalamat naman ako at ngumiti bilang ganti. Pinunasan ko ang aking pisngi at tumingi sa talon.
I decided to take off my shirt and short. Hindi naman masamang maligo kahit saglit. Lola Juanita just told me the story of the man I loved. Una kong sinawsaw ang aking paa at napangiti nang maramdamang hindi gaanong malamig.
"What do you think you're doing?"
Napaigtad ako sa gulat nang marinig ang baritonong boses na iyon. Marahas akong lumingon at agad bumungad sa aking paningin ang lalaking nagmamay-ari ng puso ko. A smiled appeared on my lips as I saw the man I longing for almost one week. He is standing in front of me, crossing his arms over his chest while partly leaning on the tree beside him.
Inilang hakbang ko ang pagitan namin ay basta na lamang siyang niyakap. I feel like he needs my hug so as me. Humigpit ang yakap ko nang maalala ang kwento ni Lola Juanita sa akin.
"You missed me that much, eh?" aniya na yumakap sa bewang ko. Hindi ko alintana ang itsura ko sa harapan niya.
I smiled. "I missed you, Andrei."
I felt his hands wrapped even tighter.
"I missed you too, Eunice. I fucking missed you too."
--
BINABASA MO ANG
Modern Robinhood [COMPLETED]
General FictionYbañez Side Story She's a receiver He's a thief She's a giver Three hearts with one destiny. A battle of acceptance and love. Who will win? And who will go home lose? Eunice Dela Vega is the happy go lucky rich woman. She love disguising and experim...