Chapter 20

5.4K 179 4
                                    

"CONGRATULATIONS, you're three weeks pregnant," sabi ng babaeng doktor na tumingin sa akin. Nilingon ko si Andrei na blanko ang ekspresyon sa mukha. Muli kaming bumalik sa ospital dahil sa hindi ako nakakaramdam ng morning sickness.

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil nagbunga ang pagmamahal ko sa kaniya, o hindi dahil natatakot ako na baka walang kahahantungan ang kinabukasan ng batang nasa sinapupunan ko.

Nang matapos ang doktora sa pagbibigay ng mga dapat kong tandaan ay tumayo na ako at nagpaalam. Naunang lumabas si Andrei at inalalayan ako hanggang marating namin ang sasakyan. Akmang bubuksan niya ang pinto nang magsalita ako.

"Andrei."

He looked at me. "What?"

"S-sorry," nakayukong sabi ko.

"Sorry? Sorry for what?"

Nag-angat ako ng tingin. "Sorry kung nabuntis ako—"

"You don't have to apologize because you bear my child, Eunice." Nagtaas siya ng kilay. "Bearing my child is not a sin."

Napanganga ako sa sinabi niya. Bumuka-buka ang bibig ko pero hindi ako makabigkas ng kahit anong salita. Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. I know Andrei as a man who never want to be committed. He is a free man. Pero dahil sa pagbubuntis ko, malamang ay iniisip niyang nakakulong na siya sa akin.

"Get in, Eunice. I have something to do," aniya na nagpaigtad sa akin.

Tumango ako at sumakay na. Tahimik ang boung biyahe namin. Walang may balak na magsalita, and it feels really awkward. As much as possible, I don't want him to feel responsible about my pregnancy. Kasalanan ko rin ito.

"Can we go to Aira's house? I wanna see her," ani ko. It took only ten minutes to reached the Ybañez mansion.

"Eunice."

Napalingon ako sa kaniya na nakatitig sa akin ng mataman. Nasa harap na pala kami ng bahay ni Aira. Ngumiti ako at akmang baba nang pigilin niya ako.

"Bakit?" tanong ko na napakunot-noo.

Andrei grab my nape and kissed me not on the lips but on my forehead. Napaawang ang labi ko at hindi ko mapigilang pamulahan ng pisngi. My heart keeps on drumming so hard.

"You take care, okay?" aniya na hinaplos ang pisngi ko. "Susunduin kita mamaya."

Tumango ako at lumabas ng sasakyan niya. Aira's been waiting for me in front of their mansion. Nakataas ang kilay nito lalo na nang makita akong bumaba ng sasakyan ni Andrei. Inihanda ko ang aking sarili at ngumiti saka naglakad palapit sa kaniya. Andrei left too.

"Hi beshy! Kamusta?" bati ko at humalik sa pisngi niya. Buti na lang at hinayaan ako ni Andrei na bisitahin si Aira ngayong araw.

"'Wag mo akong bine-beshy-beshy Eunice. Bakit hindi mo sinabi sa akin na jinowa mo si Bato?"

Nawalan ako ng sasabihin kaya sa halip na sumagot ay niyaya ko muna siya sa loob ng bahay nila. Nang makapasok kami ay naabutan ko si Nico na nanonood ng tv kandong-kandong ang anak nilang si Alexus.

"Oh! Hi there, Eunice," bati niya sa akin at kumaway. I did the same and sit on the single sitter couch.

"Nico doon nga kayo ni Alexus sa kwarto at mag-uusap kami ni Eunice," ani Aira sa asawa. Ngumuso lang ang lalaki at tumango saka umalis.

I can't stop myself from smiling. Hindi ko maisip na nagawa kong pagtaksilan ang bestfriend ko. I regret the time I seduced Nico that one night, and called him the next morning to say my thank you. Na sinakto kong si Aira ang sumagot. I almost break them but they're just too strong and I'm proud to these two amazing person.

Nang maiwan kami ay agad nagsalita si Aira.

"Buntis ka?"

Nanlaki ang mata ko. "Papaanong—"

"Nakita kayo ni Nico nang nakaraang araw," aniya at tumalim ang tingin sa akin.

"Aira, I'm sorry—"

"Jusko naman Eunice! Sa dinami-dami ng lalaki sa mundo bakit si Andrei?!"

Hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang hindi niya pagsang-ayon sa amin ni Andrei. I mean, she's the wife of Andrei's best friend.

"Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo—"

"Eunice.."

Sabay kaming napalingon sa baritonong boses na iyon. Lumapit sa akin si Andrei at hinawakan ako sa braso. He pulled me closer to him as if I am something he don't want to lose. Sakto ring bumaba si Nico na kunot na kunot ang noo at lumapit sa asawa nitong galit na nakatingin kay Andrei.

"What's happening here?" tanong ni Nico na pilit pinapakalma ang asawa.

"Let's go," ani Andrei at hinila ako palabas. "It's not a good idea to let you stay here—"

"Hindi sasama si Eunice sa'yo, Andrei," singit ni Aira na nakahawak na sa braso ko.

"Aira.." pabaling-baling ang tingin ko sa kanila.

Aira's face turned red out of anger. "Paano ko masisigurong ligtas sa'yo si Eunice, Andrei? Nakita ko na kung paano ka magalit at doon mo nasabi sa akin na pinatay mo mismo ang mga magulang mo! Sige nga, paano—"

Napasinghap ako nang bitawan ako ni Andrei at inilang hakbang si Aira. Buti na lamang at humarang si Nico na nakatiim-bagang.

"Don't you dare touch my wife," ani ni Nico.

"Then tell your wife to shut her damn mouth," ganti ni Drei.

Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ni Aira. Does Andrei really kill his parents? Pero bakit? Anong dahilan niya? It's a big mystery to me now and I want to know the truth.

Bumitaw ako kay Aira at kay Andrei. Saka tumalikod sa kanila at lumabas ng bahay. Naabutan agad ako ni Andrei na ngayon ay nakahawak sa kamay ko.

"P-pinatay mo ba talaga—"

"Yes."

The extreme nervousness strikes in me. Hindi ko nga talaga kilala ang totoong Andrei. Napalunok ako at unti-unting humarap sa kaniya.

"B-bakit?"

He took a step towards me but I step back. Pain across through his eyes and I know that I saw it. Nang muli siyang lumapit ay hindi na ako umatras. I can't bear seeing him in pain.

I bit my lower lip as he cupped my cheeks. "You don't have to believe them. Ako lang ang pagkakatiwalaan mo, naintindihan mo ba?"

"Pero bakit mo ginawa 'yon!"

"Because I have to, Eunice! Kung hindi baka ako ang pinatay nila and worst is, baka hindi kita nakilala!"

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. "A-andrei.."

"Yes, Eunice Dela Vega or Aaliyah or whatever your fucking name really is," he said, gritting his teeth. "I'm starting to get there."

"A-ano?" nauutal na tanong ko.

"..and I won't let my past ruin what we have right now."

His arms wrapped around my waist and hugged me tight. Rinig ko ang malakas na kabog ng puso niya at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.

"I will tell everything to you, Eunice." He sighed. "..not now. Maybe soon."

Ngumiti ako. At least he considered the idea of sharing his story to me. It's a big thing and I thanked him for that. I hugged him back. 

"I will wait."

Naramdaman ko ang halik niya aking buhok.

"You're not gonna wait long."

--

Modern Robinhood [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon