Chapter 31

5K 142 5
                                    

WALANG tigil sa malakas na pagkabog ang dibdib ko habang papalapit nang papalit sa sasakyan. Lumingon ako sa aking bandang kanan kung saan prenteng nakatayo sina Hideo, Jon at Andrei.

Hideo told me that we're getting married, pero ang totoo ay kasal na talaga ako at sa taong hindi ko kilala. Paanong nangyari iyon? Wala akong matandaan na kahit anong papel na pinirmahan ko. Gulong-gulo na ako.

"Are you ready?" Louie asked me.

Tumango ako at inilipat ang tingin sa sasakyan na ngayon ay nasa harapan ko na. Before entering, I shifted my gaze to Andrei. Seryoso siyang nakatingin sa akin at walang bahid ng emosyon ang kaniyang mga mata. Hindi ba siya nalulungkot?

"Eunice, the time is running. Kailangan nating makapunta ng airport bago pa mapansin ng mga tauhan ni Walton at Arthur ang plano namin," Louie told me.

I sighed. I smiled to Andrei and mouthed the three magic words to him. I love him so much and I can't living my life without him.

At last, he smiled.

Tuluyan na akong pumasok ng sasakyan at pinikit ang aking mga mata. I feel exhausted this past few days. Napahawak ako sa aking sinapupunan at marahang hinaplos iyon. I won't let my child see how cruel the world is, pero hindi naman pwede iyon. It is part of being alive, ang ma-witness kung gaano ka gago ang mundo. But I know, malapit na maging okay ang lahat. I trust Andrei so much.

Few minutes passes by, we reached our destination. Mabilis kaming bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob ng airport. But to our surprise, the whole place was guarded. Mapapansin iyon dahil sa halos magkakatabing nakatayong lalaki mula sa entrance hanggang sa loob.

"What the hell?" Gilleon said, scratching his nape.

"Anong nangyayari?" tanong ko sa kaniya.

Louie cursed. "Ang daming bantay."

My heart is starting to pound hard. Ang ibig bang sabihin nito ay hindi ako makakasama sa flight?

Louie took off his phone and dialled someone's number. Nakatitig lang ako sa kaniya habang naghihintay ng sasagot sa tawag. His forehead creased. Mukhang hindi sumasagot kung sino man ang tinatawagan niya. He dialled again.

"Tangina? Bakit ayaw sumagot?" kunot-noong sabi niya.

"Bakit?" Lumapit si Gilleon sa amin. "Hindi mo makontak—"

"Hindi sinasagot," he replied immediately.

"Sino ba ang tinatawagan mo?" tanong ko at hinawakan siya sa braso.

He looked at me. "Si Andrei."

"Si Andrei? Bakit? Louie, anong nangyayari?" My voice risen as I felt the sudden panic.

Lumapit sa akin si Gilleon. "Calm down, Eunice."

Huminga nang malalim si Louie at tinanguan si Gilleon. Hinawakan niya ako sa braso at inalalayan. We walked towards the exit. Kailangan naming makaalis dito bago pa matunugan na paalis ako ng bansang ito.

Few steps away to the exit, we saw a familiar face, a demonic one. He's taking walking towards us, smirking like an idiot.

Si Arthur..

"L-louie.." I stammered.

Gilleon snatched my waist, pressing my forehead against his chest, while Louie step forward, covering me. Bahagya akong lumingon sa kinaroroonan ni Arthur na ngayon ay nakangisi.

"You can't runaway from me, Aaliyah."

Nanindig ang balahibo ko sa mga salitang binitawan niya. Is this my end game?

Modern Robinhood [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon