Chapter 19

5.2K 203 11
                                    


NAPAUNGOL ako nang makaramdam ako nang masakit sa aking bandang leeg. Unti-unti kong minulat ang mata ko. Bumungad sa paningin ko ang puting kisame at ang amoy na kahit kailan hindi ko nagustuhan.

"You're awake."

Napabaling ang tingin ko sa nagsalita. It was Andrei. He's crossing his legs so as his arms while sitting on the chair beside me. Walang emosyon ang mukha niya at mataman lang siyang nakatitig sa akin. I gulped hard as my heart beat fast with his stare. Mabilis akong nag-iwas ng tingin.

Narinig ko ang pagtayo niya at paglalakad papunta sa akin. I looked at him.

"A-anong nangyari?" I asked.

He didn't answer me.

"Andrei?"

Nanatili lang siyang nakatitig sa akin habang nasa loob ng bulsa ang kaniyang mga kamo. Akmang magsasalita ulit ako nang pumasok ang isang doktora sa loob. She was smiling ear to ear.

"How are you?" she asked. Lumayo naman si Andrei nang kaunti.

I sat up. "I-I'm good."

Ngumiti lang ang doktora at nilingon si Andrei na wala pa ring kahit anong emosyon na mababanaag sa kaniyang gwapong mukha. It seems like he is drown into deep thoughts.

Muling lumingon sa akin ang doktora. "Maya-maya ay p'wede ka ng ma-discharge. May mga ibibilin lang akong—"

Hindi natapos ang sinasabi ng doktor nang bigla siyang hablutin ni Andrei palayo sa akin. Nagtataka naman ako sa naging reaksiyon niya. He dragged the woman away from me until they reached the door and they left. Naiwan naman akong napanganga at litong-lito.

With my knees trembling, I went down from the bed and walked towards the door. Dinikit ko ang tenga ko sa pinto, nagbabakasaling may marinig kahit kaunting ingay mula sa kanila.

"She needs to know!"

Kumunot ang noo ko sa aking narinig. Anong ibig niyang sabihin?

"Shut up," sagot ni Andrei na kahit hindi ko nakikita ay alam kong nakatiim-bagang siya.

"Pero"

Hindi natapos ang sinasabi ng doktora. Patuloy ako sa pakikinig pero wala nang nagsalita sa kanilang dalawa. Huminga ako nang malalim at bumalik sa hospital bed at humiga roon. Their conversation makes me wonder. Alam kong ako ang pinag-uusapan nila at kailangan kong alamin kung bakit.

Bumukas ang pinto at bumungad si Andrei na diretsong tumungo sa akin. This time, his face was dark. Para siyang galit sa kadahilanang hindi ko alam.

"A-andrei—"

"Let's go." Hinawakan niya ako sa bewang at tinulungang tumayo. Inabot niya sa akin ang mga damit ko at dali-dali ko iyong kinuha mula sa kaniya.

Iginiya niya ako papunta sa banyo. "Get dress and we need to go home."

"May problema ba—"

"Stop asking, Eunice."

Tumango na lamang ako at kahit nanghihina ay pumasok ako sa loob ng banyo at nagbihis. Nang patapos ay lumabas na ako. Nakatalikod sa akin si Andrei kaya kitang-kita ako ang malalalim niyang buntong-hininga. Something is bothering him.

"Andrei?"

Lumingon siya sa akin. And without thinking twice, he grabs my waist and carry me. Nataranta akong kumapit sa leeg niya. Tinitigan ko ang mukha ni Andrei pero nakatiim-bagang siya at para bang may hindi gusto sa nangyayari.

As we reached the parking area, he put me inside his car. Tahimik lang siyang sumunod hanggang sa bumiyahe na kami. Kating-kati akong magtanong kung ano ba ang problema. I wasn't so sure, pero sa tingin ko, ako ang problema niya.

"Stop the car," I suddenly mumbled.

Hindi huminto ang sasakyan bagkus ay mas lalo lang iyong bumilis. Malakas ang kabog ng puso ko at pakiramdam ko masusuka ako sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon.

"I said, stop this goddamn car!" I burst out.

Marahas na huminto ang sasakyan. I heard Andrei swore. Nagmamadali naman akong tanggalin ang seatbelt habang pinipigil ang sariling hindi umiyak.

"What the hell, Eunice?!"

Sinulyapan ko lang siya nang masama at akmang bubuksan ang pinto pero ayaw niyong bumukas. It was locked.

"Unlock the door, Andrei."

"No."

Umigting ang panga ko. "Bubuksan mo 'to o sisigaw ako."

He clenched his jaw. "You can scream all you want, Babe. But I won't open this fucking door."

Tinitigan ko siya ng masama. I felt my eyes watered out of frustration. Lumambot ang mukha niya Andrei at nag-iwas ng tingin. Umupo siya ng maayos at muling pinaandar ang sasakyan. Kinuyom ko naman ang kamao ko.

"Itigil mo ang sasakyan, Andrei."

Hindi niya ako pinansin. Kaya sinuntok ko ang bintana banda sa akin. He stopped the car and he looked at me with disbelief. I throw furious punches against the tinted window.

"What the fuck?!" Nasulyapan ko ang pagtanggal niya ng seatbelt at lumapit sa akin. Pilit niyang inaabot ang kamay kong punong-puno na ng pasa.

"Open this door!" I cried.

He cursed, clicking a button to unlock the door. Nang bumukas iyon ay agad akong lumabas. Without thinking twice that I might get hit. I feel like I need to cry and cry.

Habang tumatakbo ay nakaramdam ako ng panghihina ng tuhod. My eyes went wide as I stumbled. Pinikit ko ang mata ko at inihanda ang sarili sa pagbagsak nang isang malakas na braso ang humablot sa akin. I gasped as I felt a strong arms wrapped around me.

"Fuck it!" Andrei cursed. Hinaplos niya ang pisngi ko. "Okay ka lang?"

Umiling ako at tinulak siya palayo sa akin. Tinitigan ko siya nang masama at tumalikod saka paika-ikang naglakad palayo. Muli akong napasinghap nang hawakan niya ang kamay ko.

"Bitawan mo ako!"

"Stop being immature, Eunice," aniya. His sweat rolled down to the side of his face.

I mocked. "Ako? Immature? Look who's talking."

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. I wiped my cheeks and took a very deep sighed. Hinawi ko ang buhok ko at tinaasan siya ng kilay.

"Ikaw ang immature, mister Stone. You're acting weird. I asked you what the hell is your problem but you keep on ignoring me? Kung napapagod kang makisali sa problema ko sa buhay, then leave me alone. I won't beg someone to stay beside me," saad ko at dinuro siya. "Oh, yes. Mahal nga kita, ay hindi. Mahal na mahal kita, but I'm not the damsel in distress who will let my knight shoulder all the problem. Kung pagod ka na, umalis ka na. I won't stop you."

Matapos ko iyong sabihin ay tumalikod na ako. Rinig ko ang sunod-sunod na mura niya. And the next thing, I felt is his hands, grabbing my arms. Hinila niya ako hanggang sa pumalibot ang mga braso niya sa aking katawan. The warmth of his body gave me the inexplicably feeling of contentment.

"Bitawan mo nga ako—"

"I won't let you go," aniya na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"A-anong—"

"..my child inside you needs me, Eunice. So, stop struggling."

--

Unedited.

-GatcheYonbe

Modern Robinhood [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon