"M-MADAM, s-seryoso na p-po b-ba k-kayo?" Utal-utal na tanong ni Jared sa akin habang inilalagay niya sa isang jeep wrangler ang mga gamit namin."Oo," sagot ko at nameywang sa harap niya.
Inayos nito ang sout na salamin at tumango na para bang nag-aalinlangan. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang pagiging balisa niya. What is happening to him? Pumayag lang naman akong sumama kay Stone na umakyat ng bundok para puntahan ang isang tribo roon at tulungan.
"May problema ba Jared?"
Napa-iling siya at nilingon sina Stone at Samara na nag-uusap ilang dipa ang layo sa amin. "K-kakayanin n-niya po b-ba?"
"Siguro."
Nilingon ko ang tinutukoy niya na si Samara. She's wearing a short and a hoody jacket with a rubber shoes on his feet. I admit, Samara is sexier than me. Bumalik ang tingin ko kay Jared na hindi mapuknat ang titig kay Samara.
"Hoy! Jared. May boyfriend na 'yan," ani ko at hinila siya palapit sa dalawa.
Napalingon ang kasama namin at sabay silang dumako ang mata sa kamay kong nasa braso ni Jared. I saw how Samara forced to look away while Stone was lifting his brow. Binitawan ko si Jared at hinawi ang aking buhok.
"Ano na? Tara na!" Hindi ko maitago ang excitement na nararamdaman ko. Hiking is one of my frustration in life. As a princess, I never experience to climb a mountain. Siguro kasi takot din ako na baka maulit ang nangyari.
Naunang naglakad si Stone papunta sa sasakyan nitong Jeep wrangler. Sumunod naman si Samara at sumakay sa front seat. Ngumiti ako nang malapad at sumakay sa likod samantalang todo alalay naman si Jared sa akin.
"P'wede bang magtanong?"
Sumulyap si Stone sa rearview mirror at nagtaas ng kilay. Bakla ba 'tong bato na 'to? Lagi akong tinataasan ng kilay eh.
"Spill, Miss Dela Vega," anito.
"M-may mga..mga hunter ba doon?" Tanong ko at sinulyapan si Jared na nag-aalala ang mga mata.
Kumunot ang noo ni Stone sa tanong ko samantalang si Samara naman ay tuluyan ng lumingon sa akin. Ngumiti siya at umiling.
"Walang hunter doon," saad ni Samara.
Tumango ako. "Okay."
Ilang minuto ang lumipas nang huminto ang sasakyan. Bumaba kaming lahat at napanganga ako nang makita ang signage na 'No Trespassing'
"Hoy! Saan ka pupunta?!" Nagtatakang tanong ko nang magsimulang hawiin ni Stone ang mga sanga na nakaharang.
He looked at me with his bored eyes. "Can you just shut up and walk?"
"Aba't-"
"Okay lang 'yan Eunice. People here put this signage to make their life quiet." Sumunod si Samara.
Ngumuso ako at akmang susunod nang nauna si Jared at hinawi ang mga sanga. Dumako ang tingin ko sa kaniya na.walang emosyon ang mga mata.
"Salamat Butler," pasalamat ko at naglakad.
"Always, Princess."
Bitbit ang mga bag namin ay patuloy kami sa paglakad hanggang sa marating namin ang isang parang baryo. Napasinghap ako nang makita ang katahimikan ng tribong ito. Lahat sila ay may kaniya-kaniyang ginagawa, may nagtatakbuhang mga bata, nagsasampay, nagluluto at kung ano-ano pa.
Isang malakas na tikhim ang ginawa ni Stone para maagaw ang atensyon ng mga tao roon. As the people's attention caught by Stone's noise, the kids abruptly ran towards him.
BINABASA MO ANG
Modern Robinhood [COMPLETED]
Fiksi UmumYbañez Side Story She's a receiver He's a thief She's a giver Three hearts with one destiny. A battle of acceptance and love. Who will win? And who will go home lose? Eunice Dela Vega is the happy go lucky rich woman. She love disguising and experim...