Chapter 15

5.5K 210 8
                                    


NAGSALUBONG ang kilay ko nang makita ang pagkunot ng noo ni Drei habang may kausap sa cellphone. Kanina nang lumabas ako ng coffee shop ay sumunod siya sa akin at basta na lamang akong kinaladkad at isinakay sa kaniyang sasakyan.

And we're on our way to somewhere when someone called him. Humigpit ang hawak niya sa manibela at kinabig ito pabalik. He's still on his phone while driving fast.

"Anong nangyari?" tanong ko nang hindi makatiis. Mahigpit akong humawak sa seatbelt ko dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya.

He glanced at me. "Samarah needs me."

I don't know why my heart tightened as I heard the panic on his voice. Siguro nga si Samarah talaga ang babae para sa kaniya. And I'm just the other woman who admire him a lot.

"Ibaba mo na lang ako diyan sa may kanto," sabi ko.

Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy sa pagpapatakbo. I gritted my teeth and took a deep inhalation. Hinarap ko siya pero agad umurong ang lakas ng loob ko nang makita ang madilim na mukha ni Drei. He's gritting his teeth and the way he grips the steering wheel shows anger.

"Drei.." I mumbled. Umupo ako nang maayos at nanahimik. Ilang minuto nang nakalipas, habang nakatitig sa labas ay may napansin akong isang sasakyan na pamilyar sa akin.

It was Jared's car..

Huminto ang sasakyan namin at mabilis na lumabas si Andrei at lumapit sa nakahintong sasakyan. Sumunod naman ako at nagtatakang lumapit sa kanila.

Samarah came out from the car. She's trembling and crying at the same time. She ran towards Drei and bury her face against his chest. Kinagat ko ang aking ibabang labi dahil hindi ko mapigilang makaramdam ng panibugho. This is not right.

"Anong nangyari?" tanong ko nang makalapit. Andrei calmed Samarah by caressing her back slowly.

Samarah looked at me. "S-si Jared.. Binaril si Jared.."

My eyes went wide and my heart beat as fast as the lightning bolt. Kumuyom ang kamay ko at hinablot si Samarah mula kay Andrei. Hinawakan naman ako ni Andrei para pigilin pero hindi ako nagpatinag.

"Nasaan si Jared?" I asked.

She sobbed. "A-at my apartment. I-iniwan ko siya—"

"Bakit mo siya iniwan?!" I burst out.

Samarah cried. "Because he tells me to."

"But it doesn't mean you have too—,"

"If she didn't, Samarah will get hurt," putol ni Andrei sa sinasabi ko. Nag-sink in naman sa isip ko ang bagay na iyon. Andrei grabs my arms.

"Nag-iisip ka ba, Eunice? If Samarah didn't leave him and stay there instead, do you think she can call for help?" he added.

Huminga ako nang malalim at bumitaw sa hawak ni Andrei. Nag-iwas ako ng tingin at kinuyom ang aking kamao. Jared must be in danger. Hindi ko kakayanin mag-isa, lalo na ngayong palapit na nang palapit ang pagbabalik ko bilang prinsesa.

Akmang babalik ako sa sasakyan nang pigilin ako ni Andrei. Nang magtama ang mata namin ay mababanaag ko ang pagtutol mula roon.

"Bitawan mo ako."

"Don't risk it, Eunice. Mapapahamak ka sa ginagawa—"

"Hindi ko hiningi ang opinyon mo Roux Andrei," wika ko at iwinaksi ang hawak niya.

"You're being unreasonable. Huwag kang padalos-dalos," sagot niya sa akin.

Lumapit si Samarah at humawak sa braso ni Andrei. Bumaba ang tingin ko roon at na-realize kong, walang ibang tutulong sa akin kung hindi ang sarili ko lang. I looked at his eyes and smirk.

Modern Robinhood [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon