MALAKAS ang kabog ng puso ko habang nakatitig sa natutupok na gusali. Nang nagpasyang tumungo sina Drei at Samara dito ay hindi ako nagdalawang isip na sumama. Kitang-kita ko ang takot ng mga bata at iyakan nila sa tuwing may maliliit na pagsabog ang nangyayari."Papasok ako," ani Drei na nakasout ng hoodie at nagbuhos ng isang timbang tubig sa katawan.
Samara stopped him. "No! The fire is too big—"
He smirked. "Don't worry Anwood, I'll be fine."
Bago pa man makasagot si Samara ay tumakbo na si Andrei sa loob ng nasusunog na orphanage. Samara looked tensed, so I tried to talked to her but she is too occupied with her thoughts. Nilingon ko si Jared na matamang nakatitig sa umaapoy na gusali. Kinalabit ko siya at pinalapit sa akin.
"Y-yes, M-madam?"
"Magpadala ka ng relief goods, clothes and anything that could the children," utos ko na agad sinunod ni Jared.
I was about to walk towards my car to get my phone when a rushing kid pulled my bag. Napayuko ako at tinitigan ang batang babae na punong-puno ng luha ang mga mata. My heart suddenly melt. Lumuhod ako at dinukot ang aking panyo saka siya pinunasan.
"Hey, bakit ka umiiyak?" Masuyong tanong ko at hinawi ang magulo niyang buhok.
She sobbed. "Si..si Dandan po kasi nasa loob ng basement." Turo niya sa umaapoy na gusali.
"Basement?" Takang tanong ko.
Tumango siya at suminghot. "Naglalaro po kasi kami ng tagu-taguan tapos..tapos naiwan siya doon sa loob."
Kumunot ang noo ko at agad napatayo. "Dito ka lang—"
"Ililigtas niyo po ba si Dandan?"Inosenteng tanong niya sa akin. Her eyes was hopeful and I'm not that bad to disappoint this little girl.
I nods. "Oo. Just stay here."
Matapos ko iyon sabihin ay nilapitan ko ang isang madre na nagdadasal at may hawak-hawak na rosaryo.
"Sister? Nasaan po ang basement ng orphanage?" Tanong ko.
"Pagkapasok mo sa loob, kumanan ka at makikita mo roon ang hagdan pababa. Sa dulo niyon ay may pintuan. Iyon ang basement, Hija. Maaari ko bang matanong kung bakit?" Sagot ng madre.
Ngumiti ako at imbes na sagutin siya ay walang pagdadalawang isip kong tinakbo ang nasusunog na gusali. Malinaw ko pang narinig ang tawag ng mga tao sa aking pangalan. Ngunit sa halip na huminto ay nagpatuloy ako hanggang sa mapasok ko ang loob ng bahay-ampunan na ito.
The heat pricks my skin and it was painful. Katulad ng sinabi ng madre ay tumungo ako sa lugar na sinabi niya at hindi naman ako nabigo dahil agad kong natagpuan ang pintuan na sinasabi niya. I was about to stepped further when the walls beside me began to fire extremely. Tinakip ko ang aking braso sa aking mukha upang hindi ako tamaan ng piraso ng pader na sumabog.
I coughed badly because of the smoke. Putting my hand on my nose, I walked again until I reached the door. Pinihit ko ang seradura ngunit naka-lock iyon. Malakas kong kinatok ang pinto, nagbabakasaling marinig ang boses ng batang nasa loob.
"Dandan!" Tawag ko sa pangalan.
Napasinghap ako nang marinig ang sagot ng bata mula sa kabilang pinto.
"Tulong! Tulungan niyo po ako!"
Lumingon-lingon ako para mag-hanap ng maaring gamitin pang bukas nang may braso ang pumulupot sa aking bewang at inilayo ako sa pinto. Napalingon ako sa may gawa niyon at tumambad sa akin ang gwapong mukha ni Andrei na seryosong nakatitig sa pinto. I don't why the sudden fast heartbeat came from while looking intently to his serious face.
BINABASA MO ANG
Modern Robinhood [COMPLETED]
Художественная прозаYbañez Side Story She's a receiver He's a thief She's a giver Three hearts with one destiny. A battle of acceptance and love. Who will win? And who will go home lose? Eunice Dela Vega is the happy go lucky rich woman. She love disguising and experim...