"JARED, kailangan na nating umalis dito," I said, biting my nails. Lumapit sa akin si Jared at nag-abot ng tubig.After my conversation with Arthur last week, I immediately went back to my mansion. We need to leave this country as soon as possible. Hindi maaaring malaman ng mga tauhan ni Arthur ang kinaroroonan ko.
"M-madam, s-saan n-naman tayo p-pupunta?" utal-utal na sabi ni Jared.
I looked at him, lingering my eyes on his face. Kumunot ang noo ko nang mapansing ang bahid ng pula sa kwelyo niya. Tumayo ako at lumapit sa kaniya.
His head jolted back. "M-madam, b-bakit po?"
Naningkit ang mata ko. "Sabihin mo nga.."
"A-ano po?"
"Bakit may lipstick sa kwelyo mo?" pang-uusisa ko.
However, if Jared has a girlfriend it's not a big deal to me. He deserves to be happy since he's been working with me for so many years. Namula ang pisngi ni Jared at nag-iwas ng tingin.
"W-wala—"
"It's okay," ani ko at ngumiti. "You don't have to go with me. May sarili kang buhay, Jared kaya hinahayaan kitang gawin ang—"
"I won't leave you."
My face suddenly lifted up. His face was full of determination. Hindi siya nautal kaya napangiti ako at hinawakan siya sa balikat. I know Jared won't leave me.
"Until the end?"
He nods. "Until the end, Madam."
I smirked. "You didn't stutter. Amazing, isn't it?"
He smiled shyly. "N-nasa tabi m-mo lang ako p-parati, p-prinsesa. H-hindi k-kita i-iiwan."
My heart melted out upon hearing him. Kahit na uutal-utal itong si Jared ay siya naman ang pinaka-inaasahang tao ko sa lahat. He would chase death just for me, and I don't regret keeping him as one of my trusted men.
"Your loyalty is mine, Am I right?"
Muli siyang tumango. "As always, Princess Aaliyah." He looked at me. "I am yours."
Nginitian ko siya. Tumayo na ako papunta sa aking kwarto nang tumunog ang aking cellphone. It was my secretary. Sinagot ko iyon habang naglalakad.
"Yes?"
"Ma'am. Tumawag na po ako sa accounting ng Stone's child house."
Tumango ako kahit alam ko namang hindi niya nakikita. Stone's child house is an orphanage owned by Andrei. Bilib din ako sa lalaking iyon dahil kahit ganoon kagaspang ang ugali niya, kabaligtaran naman ng lambot ng puso niya. I don't blame Samarah to fell in love with him.
"Nabigay mo na ba?"
"Opo Ma'am. Si Ma'am Samarah po ang nag-recieved ng binigay niyo."
I smiled. "Okay, salamat."
Matapos iyon ay pinatay ko na ang tawag. Akmang bubuksan ko ang pinto ng kwarto ko nang muling tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko iyon at inipit sa pagitan ng tenga at balikat ko habang binubuksan ang pinto at pumasok sa loob.
"Yes, Hello?"
"Hi, Eunice. This is Samarah," aniya sa malambing na boses.
"Oh, Samarah napatawag ka?" Dinampot ko ang bag ko at hinalungkat iyon. Hinahanap ko kasi ang flashdrive na may nilalamang files.
"Can I invite you for a coffee? Gusto ko lang magpasalamat ng personal sa binigay mo para sa orphanage."
BINABASA MO ANG
Modern Robinhood [COMPLETED]
General FictionYbañez Side Story She's a receiver He's a thief She's a giver Three hearts with one destiny. A battle of acceptance and love. Who will win? And who will go home lose? Eunice Dela Vega is the happy go lucky rich woman. She love disguising and experim...