CHAPTER 1

34.8K 730 5
                                        

CHAPTER 1

YESHA

Bar

Ano ba ang kadalasang dahilan kung bakit pumupunta ang isang tao sa bar.?

Para magpakasaya

Magpakalasing

Makalimot

Pero ako bakit ba ako nandito.?

In my 26 years of existence i never had been in this kind of place.

Ngayon lang.

Kasi may gusto akong gawin sa buhay ko.

Naging mabuting anak ako sa mga magulang ko.

Masunurin.

Mabait.

Magalang.

Tulad din kung papano ko iginalang ang sarili ko.

I am a perfect example of a good daughter, a good person and a respectable woman.

Pero ngayong gabi gusto kong bagohin ang sarili ko. Gusto kong sirain ang buhay ko, ang pagkatao ko.

Gusto ko bago matapos ang gabing ito ay wasak na wasak ako, Gusto ko pandirihan ako ng mga tao lalo na ng mga magulang ko.

Gusto kong magalit sila sa akin, kamuhian nila ako at itakwil.

Yun ang gusto ko.

Nakakailang shot pa lang ako ng hard drinks na inorder ko na hindi ko alam kung ano, pero umiikot na ang paningin ko.

Ngayon lang ako nakatikim ng alak. At hindi sya masarap yun ang natuklasan ko, para syang apoy na gumuguhit sa lalamunan, at nagpapawala sa katinuan.

Pero ayaw kong tumigil hindi ako titigil hanggat hindi ko nagagawa ang gusto ko.

Kanina pa ako dito umiinom ng magisa, at lasing na ako, pero wala pa ring lumalapit sa aking lalaki.

Ayon sa mga nabasa at napanood ko kapag daw ang isang babae ay uminom sa isang bar ng magisa ay maraming lalaki ang lalapit sa kanya at makikipaglandian.

Pero bakit sa akin wala man lang lumalapit.

Maganda naman ako.

Sinadya kong magpaganda para magtagumpay ang plano ko.

Nagsuot ako ng damit na halos kita na ang kaluluwa ko, para makapang akit ng lalaki.

Pero bakit wala man lang lumalapit sa akin kahit isa, at bakit para yatang sa halip na dumami ang tao sa bar na kinaroroonan ko ay pakunti ng pakunti ito.

Ang alam ko ang bar na pinasok ko ay ang isa sa pinaka sikat na bar sa Makati, lagi raw itong puno at halos lahat ng mga kilalang tao ay dito pumupunta, kaya nga ang mahal mahal ng alak sa bar na ito. Ngunit bakit wala yatang maraming tao ngayon. O baka naman lasing na talaga ako kaya nanlalabo na ang aking paningin.

Pwes kung walang lalaking lalapit sa akin ako ang lalapit sa kanila.

Tumayo ako mula sa kinauupuan kong stool sa bar counter.

Napakapit ako sa counter table dahil nanghihina na ang mga tuhod ko at muntik na akong matumba.

Mariin akong pumikit para sanayin ang sarili ko sa kakaibang pakiramdam na sumakop sa katawan ko.

At ng maramdaman ko ng kaya ko na ay pasuray suray akong naglakad papunta sa dance floor.

May nakita akong grupo ng mga lalaki na nakatingin sa akin at namumungay ang mga mata habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

I think sila ang magiging katuparan sa binabalak ko sa buhay ko.

Pinilit kong maglakad papalapit sa kanila.

At kitang kita ko kung papano malaglag ang panga nila sa kagandahan ko.

Sino bang hindi.

Nakasuot ako ng napakaiksing body hugging dress na backless at ang neckline ay hanggang sa ibaba ng dibdib ko.

Hindi ako nagsusuot ng ganitong klase ng damit, ngayon lang para sa plano ko.

May narinig akong mga pagsipol sa kabila ng malakas na togtog.

Binigyan ko sila ng mapangakit na ngiti.

Nakita kong tumayo ang isa sa mga lalaki at naglakad pasalubong sa akin.

Naghiyawan ang mga kasamahan nya.

Lalo kong ginandahan ang ngiti ko.

Tiningnan ko ang mukha nya, gusto kong makita ang mukha ng lalaking pagbibigyan ko ng katawan ko sa gabing ito.

Gwapo sya, Hindi na masama.

Kunti na lang ay makakalapit na sya sa akin ng biglang may humarang na malapad na dibdib sa harapan ko at niyakap ako ng mahigpit.

Lumapat ang mukha ko sa dibdib nya.

Itutulak ko sana sya ng bigla nya akong yakapin.

"Let me be the one." Mariing Bulong nya sa akin, dahilan para magtayuan ang mga balahibo ko, at lumakas ang kabog ng dibdib ko.

Narinig kong may naghiyawan sa malapit sa amin.

"Da moves bro.!!!" Na sinabayan ng malakas na tawanan.

Hindi ako nakakilos tila ba naparalisa ang buong katawan ko.

Marahil ay bunga yun ng kalasingan.

Pinilit kong iaangat ang mukha ko para makita ang mukha ng lalaking nakayakap sa akin.

Pero bago ko pa maaninag ang mukha nya ay may mainit na mga labing sumakop sa mga labi ko. Dahilan para lalong manghina ang aking mga tuhod.

His lips are so hot, yet so sweet it tastes like wine and mint.

This is my first kiss, kaya wala akong ideya kung papano ba mag react.

Lubhang makapangyarihan ang mga labing umaangkin sa mga labi ko kaya napapikit na lang ako tanda ng pag suko.

Sinundan ko na lang kung ano ang ginagawa nya, i answer his kiss with the same intensity as his. Napakapit na rin ako sa batok nya pakiramdam ko kasi handa ng bumigay ang mga tuhod ko.

Naramdaman kong lalong humigpit ang pagkakayakap nya sa akin. Ang isang bisig nya ay nasa beywang ko habang isa naman ay naka suporta sa batok ko.

Ilang sandali pa ay nagbago ang posisyon ng mga bisig nya na nakapulopot sa katawan ko.

Atunti unting umangat ang mga paa ko sa lupa. Binuhat nya ako at nagsimula syang maglakad papunta sa hindi ko alam kung saan habang magkahugpong an gaming mga labi.

Ng marinig ko ang pagtunog ng alarm ng isang sasakyan ay saka nya lang iniwan ang labi ko, idinikit nya ang mukha nya sa gilid ng ulo ko na para bang ayaw nyang makita ko iyon.

"Close youreyes My sweet Ayesha Kristine, close your eyes."

Napakalamig ng tinig nya na bumubulong sa akin, at para akong nahihipnotismo at nagging sunod sunuran ako sa lahat ng sinasabi nya.

"That's better." Paanas na sabi nya.

At muli nyang dinampian ng halik ang labi ko, bago nya ako dahandahang ibinaba sa upuan ng isang sasakyan, na hindi ko alam kung kanino at wala na akong pakialam.

"Don't open your eyes just relax and let me take care of you."

Tumatagos sa dibdib ko ang bawat katagang binibitiwan nya. At para akong robot na tumango at sinunod ang sinabi nya.

"Room 506 Manila Hotel." Sabi ko.

Yun ang hotel room kung saan ako naka check-in.

SUMMER AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon