At inangkin nya ang labi ko ng walang pasabi. napatulala na ako, hindi ako makakilos dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.
" As my wife tungkulin mong tugunan ang mga halik ko. " bulong nya sa tainga ko.
At muli ay inangkin nya ang mga labi ko at ginawa ko nga tinugunan ko ang halik nya hindi dahil sa sinabi nya kundi dahil sa yun ang gusto ko.
Ang isip ko galit sa kanya, pero ang katawan ko iba ang sinasabi awtomatiko nitong sinabayan ang ritmo ng halik na ibinibigay sa akin ni Dale.
He is a very good kisser ang galing maglaro ng labi nya. Naramdaman ko ang pagpasok ng kanyang dila sa bibig ko na nagpainit sa pakiramdam ko familiar sa akin ang pakiramdam na yun kaya napapikit ako, pilit kong ikinumpara ang halik na yun sa nauna at sa mas nauna pa. Doon ako natigilan.
Ng maramdaman nya ang ang pagtigil ko sa pagtugun sa mga halik nya ay tumigil na rin sya . Tiningnan nya ako sa mga mata.
Nakaramdam ako ng guilt kaya nagiwas ako ng tingin.
Bahagya ring nanginig ang katawan ko.
Lumayo sya sa akin.
" Bumalik ka na sa silid natin." Malamig na Sabi nya at tinalikuran nya na ako.
Naiwan akong nakatulala at iniisip pa rin ang nangyari.
Lasing ako ng gabing yun, pero naalala ko pa rin kung papano nagreact ang katawan ko sa estrangherong lalaking yun at hindi ako pweding magkamali na ganun din ang naging reaksiyon ng katawan ko sa halik ni Dale kanina at yung paraan ng paghalik nya ay pareho dun sa estranherong lalaki co-incedence lang ba yun o ganun talaga humalik ang lahat ng lalaki. Wala akong mapagkukumaparahan kasi pangalawa pa lang si Dale na lalaking nakahalik sa akin.
At sya rin ang Pangalawang pagbibigyan ko ng katawan ko, sa ayaw at sa gusto ko. Tungkulin ko yun na kailangang gampanan sa kanya sa loob ng isang taon at ngayon nga ang simula ng ganap na pagiging Mrs. Dale Miller ko.
Hindi tulad ng mga nakaraang umaga nagising ako na nakahiga pa rin si Dale sa kabilang side ng kama kung saan ako nakahiga.
Hindi ko naramdaman ang paghiga nya roon kagabi.
Dahan dahan akong bumangon, para oumasok sa banyo.
Nakita kong nagkalat ang mga hinubad nyang damit sa sahig, ang polo at ang pantalon nya. Yun ang unang pagkakataon na iniwan nyang nakakalat ang hinubad nyang damit. Sa isang lunggong pagsasama namin sa loob ng iisang silid nakita kong malinis syang tao hindi lang sa kantaean kundi maging sa kanyang mga gamit ay masinop din sya.
Nahihiya nga ako kasi sya minsan ang taga ligpit ng mga gamit ko na nakakalimutan kong iligpit. Tulad ng aklat na binabasa ko na iniiwan ko lang kung saan kasama ng reading glass ko. Ang mga hinubad ko na minsan ay naiiwan ko sa banyo na nasa ibabaw ng lababo ay sya ang naglalagay sa laundry bin at ang balat ng pinagkainan ko ng mga junk foods habang nanonood ng Tv na nakakalimutan kong itapon sa basurahan ay sya ang taga tapon. Mabuti na lang at may Cabin crew na naka assign personaly sa cabin namin na syang naghuhugas at naglilinis ng silid namin dahil kung wala baka sya pa rin ang gumawa noon para sa akin.
Lumaki ako na maraming katulong at may yayayang nakasunod sa bawat kilos ko kaya nasanay ako na may taga gawa ng mga bagaybagay para sa akin sa loob ng bahay kaya kung minsan nakakalimutan ko na may asawa na nga pala ako at ako na dapat ang gumagawa ng mga bagay na yun.
Pinulot ko ang mga damit nya nagkalat sa sahig ilalagay ko na sana yun sa laundry bin ng may mapansin ako sa kwelyo ng damit nya red lipstick.
Biglang naginit ang mukha ko kasabay ng pagkirot ng dibdib ko. Inamoy ko ang hinubad nyang damit amoy alak iyon na hinaluan ng hindi pamilyar na amoy ng isang pabango at ayon sa amoy alam kong pambabae iyon. Isang linggo na kaming magkasama kaya pamilyar na ako sa amoy ng pabango nya kaya alan kong hindi sa kanya yun.
Napahigpit ang hawak ko sa longsleve nya at itseneck ko pa kung meron pang ibang marka na naiwan roon at meron pa nga sa may unang botones.
Ewan ko ba pero biglang umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo.
Linapitan ko ang natutulog na si Dale gusto ko sanang ihampas sa kanya ang damit na hinubad nya pero mas lalaong naginit ang ulo ko ng makita ko ang pisngi at leeg nya puno ng lipstick.
Nakadapa sya at isang parte lang ng mukha nya ang nakikita ko at yun pa talagang parte na may lipstick ang nakaharap sa akin.
Hindi ko na alam kung ano ang sumapi sa akin. Kinuha ko ang malaking unan at pinaghahampas ko iyon sa kanya.
" Walanghiya ka... ang gago mo.!" sigaw ko.
Bigla namang napabangon si Dale at hindi nya malaman kung papano sasalagin ang paghampas ko sa kanya ng unan.
" Ah..wait..Ayesha...stop it."
Natigil lang ako sa paghampas sa kanya ng maagaw nya ang unan na hawak ko. Pero ang kamay ko naman ang ipinag hahampas ko sa kanya.
" Ang kapal ng mukha mo ni hindi pa nga tayo nagsisimula ginagago mo na ako... ito ba ang sinasabi mo na susubukan nating i work out ang pagiging magasawa natin ha...hindi pa nga niloloko mo na ako...walanghiya ka." Kahit saang parte na ng mukha at katawan nya tumatama ang kamay ko.
" ah..shit!... Ayesha stop... ano bang pinagsasabi mo... aray!...ah.."
Doon na ako tumigil dahil hinihingal na rin ako.
Galit na galit na ibinato ko sa kanya ang hinubad nyang damit na may mga lipstick.
" I hate you.!" sigaw ko bago ako ng martsa palabas ng silid namin.
Pagkalabas ko ng silid doon ko lang narealize saan naman ako pupunta. Nakita ko ang katabi naming silid ang silid ni Renmer.
Marahas ko iyong kinatok ng walang nagbubukas ay nalala ko ang sinabi nito na fingerlrint namin ni Dale ang master key sa lahat ng pinto roon.
Masubukan nga.
Inilagay ko ang hintuturo ko sa security sensor nag click ang lock ibig sabihin bumukas iyon. Marahas kong binuksan ang pinto dahil narinig ko na ang pagtawag ni Dale sa pangalan ko.
Agad ko iyong isinara pagkapasok ko kasabay ng magkakasabay na pagsinghap ng mga lalaki sa likuran ko.
Pagharap ko nakita ko ang anim na kaibigan ni Dale mga naka boxers lang at halatang mga bagong gising at hindi lang sila ang nasa loob ng silid may mga babae rin silang kasama.
Ngayon alam ko na.
BINABASA MO ANG
SUMMER AFFAIR
RomanceSi Ayedha Kristine isang dalaga na itinakdang ipakasal ng kanyang mga magulang sa lalaking hindi nya kilala, tulad ng karamihang napasok sa ganiyong sitwasyon, nagrebelde sya ibinagay nya ang kanyang sarili sa lalaking hindi nya kilala, para isakatu...
