Nagising ako dahil sa marahang paghaplos na naramdaman ko sa ulo ko kasabay ng mainit na labi na dumadampi sa noo ko.
Nakatulog ako habang nakadapa sa ibabaw ni Dale at nakaunan ako malapad nyang dibdib.
Kahit ang posiyong iyon ay pamilyar sa akin.
Magkadikit ang mga hubad naming katawan at ramdam ko ang matigas na bagay na nasa pagitan ng mga hita ko.
Naginit ang mukha ko ng maisip ko kung ano iyon.
Aalis sana ako sa iababaw nya pero bigla nya akong niyakap ng mahigpit.
"Where do you think youre going Mrs. Miller.?"
"Mabigat ako, baba lang ako sa kama."
"No, okey lang mas gusto kong naandiyan ka." Unti unting nagiging husky na naman ang boses nya.
"Pero baka mahirapan ka."
"kayang kaya.... Pero kung gusto mo talagang bumababa sa kama okey lang as long as ako naman ang papatong sayo."
Tiningala ko sya para tingnan kung seryoso ba sya. At Nakita ko ang pilyong ngiti sa labi nya.
Noon ko lang naintidihan ang ibig nyang sabihin, kaya naginit na naman ang mukha ko.
"Ready for second round my sweet Kristine.?"
Madilim na sa labas ng maisipan namin ni Dale na lumabas ng kanyang personal sanctuary, yun ang tawag ko sa silid nayun na kinaroronan namin na puro salamin ang bubong at dingding,
Ilang ulit akong inangkin ng asawa ko sa silid na yun. Ng humingi sya ng second round ay tumangi ako kasi pagtingin ko sa paligid narealize ko na puro pala salamin ang bubong at dingding ng silid , nagalala ako na baka may nakakita sa amin. Pero siniguro nya sa akin na walang makakakita sa amin kasi nasa pinaka itaas na part kami ng Cruise ship at restricted area ang bahaging iyun ng ship at hindi naman daw kita sa labas ang loob ng silid kahit salamin pa ito. Pero sa loob napakalinaw mong makikita ang labas.
Naniwala namanako sa kanya kasi mukhang kakaiba nga ang ginamit na salamin sa silid na yun kasi kahit tirik ang araw ay hindi mo mararamdaman ang init sa loob at hindi ka rin masisilaw sa liwanag ng araw,
Kaya yung second round ay nasundan pa ng isa pa at hihirit pa sana sya ng isa pa, kung hindi lang ako nagreklamo na nagugutom na ako. Sino ba naman ang hindi magugutom hindi kami nagalmusal at nakalimutan na naming magtanghalian at ngayon nga ay maghahapunan na naman, tapos pinagod nya pa ako.
Tumayo sya mula sa pagkakahiga sa tabi ko at naglakad ng naka hubad papunta sa banyo. Naginit ng husto ang mukha ko sa ginawa nya, pero mas nadoble iyon ng pabalik na sya at may dalang wet wipes mula sa banyo.
His big buddy between his legs is standing proud just like him.
Umupo sya sa gilid ng kama malapit sa akin, kumuha sya ng wet wipes at iniangat ang kumot na ginagamit kong pantakip sa hubad kong katawan.
"Wait, anong gagawin mo.? "saway ko sa kanya ng ilapit nya ang kamay nyang may hawak na wipes sa may hita ko.
"Pupunasan lang kita, bago ka magbihis, alam kong nanlalagkit ka na."
Napa igtad ako ng maramdaman ko ang pagdampi ng malamig na bagay sa pagitan ng hita ko.
Ganun na lang ang hiyang naramdaman ko ng magsimula syang linisin ang magkabilang hita ko at ang nasa pagitan niyon.
Kinukuha ko sana sa kanya ang wipes para ako na lang ang gumawa niyon pero hindi sya pumayag.
"Ako ang nagkalat kaya ako ang maglilinis." Malambing at nakangiting sabi nya.
Ayaw ko sanang ibukas ang mga hita ko kasi sobrang nahihiya ako sa kanya pero mapilit sya at ng gamitan nya ako ng kanyang authoritative tone wala akong nagawa kundi sundin ang lahat ng gusto nya.
Pagkatapas nya akong linisan ay binihisan nya rin ako, tinulungan nya akong isuot ang panty ko, bra at damit. Then sya naman ang nagbihis.
Magkahawak kaming lumabas sa sanctuary nya at kahit sa loob ng elevator ay hindi nya ako binitiwan.
Sa Cabin namin muna kami dumiretso, para maligo at magbihis, gusto nya sanang sumabay sa akin sa paliligo pero hndi ako pumayag alam ko kasi na hindi lang paliligo ang gagawin namin kapag nagsabay kami.
Sa resto bar ni JR kami pumunta para kumain, kasabay naming kumain ang mga kaibigan nya, nalaman kong umalis na pala ang parents nya at si daddy pati na rin ang mga member ng board, sinundo ito ng chopper na naghatid sa kanila sa ship.
Napansin ko na kakaiba ang tingin na ibinibigay nila kay Dale, para bang inaasar nila ito ng palihim. Si dale naman panay lang ang mga pasimpleng ngiti na kung minsan ay sinasabayan nya ng dirty finger.
"Ano Dale, siguro naman magpapainom ka na ngayon ng unlimited." Tudyo sa kanya ni Matthew.
"Inoman na." sigaw naman ni Renmark.
"kayo na lang." Sabi ni Dale habang mahigpit na hawak ang kamy ko.
"Sagot mo.?" Si Jr.
"okey." Sagot nya na sinabayan ng pagkibit ng balikat.
"Whoaa..." sabay sabay na sabi ng magkakaibigan.
"Samantalahin habang lutang pa ang CEO. "Masayang hiyaw ni Renmer at nag high five sa isat isa ang magkakaibigan.
"what's the limit.?" Si Matthew.
"Sky is the limit...ubusin nyo lahat ng alak sa mundo kung gusto nyo magpakalasing kayo tapos tumalon kayo sa dagat at magpakain sa mga pating para bukas pagising ko wala na
akong sakit ng ulo."
"Kami sakit ng ulo. Hey baka nakakalimutan mo na kami ang taga salo ng init ng ulo mo..."Protesta ni Renmark.
"May reklamo kayo.?" Nakakunoit ang noong Tanong nya sa mga kaibigan.
"Wala..." Magkakasabay na sagot ng mga ito.
"Idiotic Morons..."
Bigla akong napatingin kay Dale dahil sa sinabi nya. Pinisil ko ang kamay nya.
"Hey saan mo natutunan ang salitang yan.?" Ang alam ko kasi ako lang ang mhilig gumamit ng salitang yun sa tuwing nagagalit ako.
"From you."
"What.?'
"Tinawag mo akong Idiotic Moron nung engagement party natin... remember.?"
At nalala ko nga ng tawagin ko syang ganun ng galit na galit akong nakikipagusap sa mga magulang ko. Hindi ko akalaing narinig nya pala yun at natandaan nya pa talaga.
"Sorry about that."
"Its okey, pwede mo naman talaga akong tawaging ganun dahil sa ginawa ko sayo."
BINABASA MO ANG
SUMMER AFFAIR
Любовные романыSi Ayedha Kristine isang dalaga na itinakdang ipakasal ng kanyang mga magulang sa lalaking hindi nya kilala, tulad ng karamihang napasok sa ganiyong sitwasyon, nagrebelde sya ibinagay nya ang kanyang sarili sa lalaking hindi nya kilala, para isakatu...
