Sya ang unang pumutol sa halik.
“If we don’t stop now baka makalimutan kong nanghihina ka at lalo kang manghihina sa tumatakbo sa isip ko ngayon na gusto kong gawin sayo.”
Hindi pantay ang paghingang sabi
nya.
Ako man ay yun din ang tumatakbo sa isip ko ngayon, pero tama sya nanghihina ako ng husto
at ayaw kong makipagsapalaran dahil alam kong hindi makukontento si Dale sa isang round lang lagi ng may kasunod pa iyon.
Ng makabawi ako ng lakas ay magkasama kami ni Dale na pumunta sa isang OB-gyne.
Magkahawak kamay kami habang nakikinig sa mga bilin ng doctor.
Mommy ang tawag sa akin ng doctor at daddy naman kay Dale.
Recommended ng mommy ni Dale ang Doctor, nasabi na sa kanila ni Dale ang tungkol sa pagbubutis ko, hindi ko alam kung anong paliwanag ang sinabi nya sa mga ito kaya napaniwala nya ang mga ito na anak nya angipinagbubuntis ko, maging sa mga magulang ko ay sya rin ang nakipagusap.
Lahat ay excited at tuwang tuwa sa pagbubuntis ko, kahit si Dale ay hindi ko kinakitaan ng pagkukunwari sa kaligayahan na ipinapakita nya sa akin dahil sa pagbubuntis ko.
Lagi ko syang kasama sa mga pre-natal check-up ko lagi syang maraming tanong sa doctor, kung papano ako aalagaan at ang baby sa sinapupunan ko. At lagi nya ring itinatanong kung
pwede pa ba kaming mag… alam nyo na yun.
At dahil sa sabi ng doctor na okey lang at safe pa ang love making, ayun gabi gabi walang palya kung minsan may salisi pa yan sa umaga.
Paminsan minsan na lang sya kung pumasok sa opisina, kadalasang ay sa bahay na lang sya nagtatrabaho para daw nababantayan nya ako.
Napakabait, napakamaalalahanin at mapagmahal nyang asawa…. Oo naniniwala na ako ngayon na mahal nya nga ako, kasi lagi nyang ipinararamdam yun sa akin.
Ako alam kong mahal ko rin sya, pero hindi ko pa yun inaamin sa kanya, ayaw ko kasing isipin nya na kaya ko sya minahal ay dahil sa pinanagutan nya ang anak ko.
Limang buwan na ang tiyan ko at apat na buwan na mula ng ikasal kami.
Hindi ko pa rin sinasabing mahal ko rin sya sa salita pero ipinararamdam ko iyon sa kanya sa tuwing may pagkakataon.
Tulad ngayon.
Kumatok ako ng marahan sa nakabukas na pinto ng opisina nya sa bahay namin.
Umangat sya ng tingin mula sa binabasa nyang papeles.
Ngumiti sya ng napakatamis yung klase ng ngiti na nagpapabilis pa rin ng pagtibok ng puso ko hanggang ngayon.
“Coffee… “ nakangiting sabi ko, at inilapag ko sa ibabaw ng mesa nya ang dala dala kong tasa na may lamang umuusok na kape.
“Iniutos mo na lang sana sa katulong para hindi ka na nahirapan.”
“Okey lang kaya ko pa naman.”
Umupo ako sa visitors chair na nasa harap ng mesa nya.
Tumayo sya at naglakad papunta sa harapa ko, yumuko sya at hinalikan ako sa noo, tapos saka nya iniluhod ang isang tuhod nya para halikan naman ang medyo maumbok ko ng tiyan.
“Kumusta ang baby ko.?” Tanong nya habang hihimas himas ang tiyan ko.
“nararamdaman ko na ng madalas ang pagalaw nya.” Nakangiting sabi ko at hinimas ko rin ang tiyan ko tulad ng ginagawa nya.
“Talaga…? Gusto ko rin yung maramdaman.” Lumuhod sya sa harap ko at idinikit ang tainga sa tiyan ko.
“Hey baby, daddy’s here paramdam ka naman.” Pakikipagusap nya sa batang nasa tiyan ko na para bang maririnig sya.
At para namang nakaintindi ito, biglang gumalaw ang tiyan ko.
Nakita ko kung papano nanlaki ang mga mata at umawang ang bibig ni Dale ng maramdaman nya iyon.
“Oh my God… did you feel that honey.”
Tuwang tuwang sabi nya.
Ngumiti ako at hinawakn sya sa magkabilang pisngi, at dinampian ko sya ng halik sa labi.
“Thank you.”
Hindi ko na napigilan ang pag patak ng luha ko.
Alam kong hindi sapat ang salitang salamat para ipaalam sa kanya kung gaano ako kapalad na nakilala ko sya at naging asawa, nagsimula man kami sa mali alam ko pwede pa naming iatama
ang lahat, at amarahil ay hindi ko kailangang ang isang taon para malaman kung magwowork nga ang relasyon namin, ngayon pa lang ay alam ko na I can spend the rest of my life with dale.
During my eight months of my pregnancy ay hindi na ako pinayagan ni Dale na maglalabas ng bahay na hindi sya kasama, kaya ng mag karoon ng problema ang isa sa dalawang cruise ship nya I mean namin, yes dalawa na ang cruise ship namin dahil anim na buwan na mula ng maglayag sa karagatan ang Ayesha Kristine a bagong bagong cruise ship na pagaari namin ni Dale na ipinangalan nya after me, at ngayon pa lang ay may ipinagagwa na naman syang isa
pa na papangalanang Kristian Daryl, yun ang pangalan ng magiging baby boy namin.
Hindi ko makakalimutan yung ekspresyon ng mukha ni Dale nung sabihin ng OB ko na “It’s a
boy” napatalon sya sa sobrang tuwa at niyakap nya ako ng napakahigpit. Doon ko naramdaman na hindi sya nagkukunwari na totoong inari nya ng tunay na anak ang batang nasa sinapupunan ko, at sa buong duration ng paglilihi ko ay lagi syang naandiyan para sundin lahat ng gusto ko
at ibigay lahat ng naisin ko. Kahit ang imposible ay ginagawa nyang imposible with the help of his wealth anf friends, na suportadong suportado kami ni Dale sa pagbubuntis ko.
Tatlong araw ng wala si Dale dahil nga sa may inaayos itong problema sa isa sa mga cruise ship, at dahiol tatlong araw na syang wala tatlong araw na rin akong hindi nakakalabas ng bahay, kaya naman bored na bored na ako.
At dahil sa wala akong magawa naisipan kong pumasok sa opisina nya at makigamit ng computer nya para mag internet at makapang video call na rin sa kanya, tinatamad na kasi
akong umakyat sa kwarto namin kung saan naroroon ang laptop ko na ginagamit sa pakikipagusap sa kanya.
Masisi nyo ba ako kung tamarin akong umakyat, eh ang laki laki na kaya ng tiyan ko, at nahihirapan na akong magkikilos.
BINABASA MO ANG
SUMMER AFFAIR
RomansaSi Ayedha Kristine isang dalaga na itinakdang ipakasal ng kanyang mga magulang sa lalaking hindi nya kilala, tulad ng karamihang napasok sa ganiyong sitwasyon, nagrebelde sya ibinagay nya ang kanyang sarili sa lalaking hindi nya kilala, para isakatu...
