Matapos kumain ay may pinindot syang button sa ibabaw ng working table nya at agad na bumukas ang pinto at may pumasok na Babaing FA at syang nagligpit ng pinakainan namin. Nakayuko lang sya habang ginagawa ang trabaho at halata ang takot nya sa lalaking kasama ko sa silid.
"Gusto mo ng kape.?" Tanong nya sa akin.
"I prefered wine."
" No... Hindi ka iinom ng kahit na anong uri ng alak hanggat hindi ko nasisigurong safe ka."
Nagsalubong ang kilay ko.
"Safe saan.?"
Nakita kong namula ang mukha nya o baka imagination ko lang. Nagiwas sya ng tingin.
" Basta hindi ka iinom ng alak." Yun na naman ang tono nyang yun.
"Bring in a cup of black coffee for me and a cup of decaffeinated coffee with cream for my wife." Utos nya sa FA.
Kumabog na naman ang dibdib ko pagkarinig ko ng salitang wife.
"No i want my coffe black and no sugar at ayaw ko ng Decaf."
Nagangat ng tingin ang FA.
"No..kung ayaw mo ng Decaf eh di gatas ang inomin mo. "
"Ano bang problema mo at pati kape ko pinakikialaman mo.?" Hindi ko na napigilan ang inis na nararamdaman mo.
"Bacause youre my wife and i want whats good for you." Seryoso syang nakatingin sa akin. Pagdakay Binalingan nya ang FA.
"Get out." Mahinahon ngunit mariing sabi nya rito.
Nagkukumahog namang lumabas ang kawawang babae na kulang na lang yata ay maiyak sa takot.
Pagkalabas ng FA ay tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa at nilapitan ko sya. Itinukod ko ang aking dalawang kamay sa ibabaw ng mesa nya at bahagya kong iniyuko ang ulo ko palapit sa kanya.
" Who do you think you are, at kung ituring mo ang mga taong nakapaligid sayo ay para lang silang mga tao tauhan mo na kaya mong pasunurin sa lahat ng gusto mo." Nanggigil na sabi ko sa kanya.
" Will they be. Mga tauhan ko sila at ako ang boss nila, kaya kailangan nilang sundun ang lahat ng ipinaguutos ko para hindi masayang ang ipanapasweldo ko sa kanila." Puno ng kompyansang sagot nya.
" And I'm not one of them, kaya wag mong iisipin na susundin ko ang lahat ng sinasabi mo."
" I'm not expecting you to. But i have my way Mrs Ayesha Kristine Miller. And i promise you, you will willingly oblige on my every demand soon."
Taas noong sabi nya na hindi man lang kumukurap habang nakatingin sa mga mata ko.
" Ang yabang mo. Hindi mangyayari yan kahit kaylan" Sinalubong ko rin ang mga titig nya.
" Wanna bet.? " dahan dahan nyang inilapit ang mukha nya sa akin.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Ipinilig ko ang ulo, kaya ang kabilang pisngi ko ang nakaharap sa mukha nya. Nagpatuloy sya sa pag lapit hanggang sa maramdaman ko ang hininga nya sa aking punong tainga.
Nakatukod na rin ang kanyang mga kamay sa gilid ng mesa, magkapareho na kami ng posisyon.
Bumigat ang aking paghinga.
" Kapag nangyari yun, you will make love to me anytime, and anywere I want." Pabulong ngunit may buong linaw na sabi nya.
Naginit ng husto ang mukha ko, gusto ko syang sampalin pero nawalan ako ng lakas para kumilos.
Naramdaman ko ang pagdampi ng labi nya sa akong punong tainga. Binalot ng kakaibang kilabot ang aking buong katawan.
Isang katok sa pinto ang pumutol sa tagpong iyon.
Bigla akong umayos ng tayo. Sya naman ay dahan dahang bumalik sa upuan nya, pero ang mata nya nakatingin pa rin sa akin.
Pinindot nya ang button na nasa ibabaw ng mesa nya.
Bumukas ang pinto at pumasok ang FA na may dalang dalawang tasa ng kape.
" Sir...Maam heres your coffee."
" Put down my coffee then yung sa kanya, palitan mo ng gatas, ayaw nya daw kasi ng Decaf."
Hindi pa rin ako makakilos dahil sa nangyari kaya hindi ako nakapag react sa sinabi nya sa FA. Namalayan ko na lang kaming dalawa na naman lang ang naiwan sa loob ng silid.
Ng mahimasmasan ako ay bumalik ako sa pagkakaupo sa sofa.
May nakita akong magazine sa ibabaw ng center table. Kinuha ko iyon at binuklat pilit kong inaalis sa isip ko ang katatapos lang na pangyayari kung saan hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka get over.
Dahil sa wala naman talaga sa Magazine ang konsentrasyon ko ay sunod sunod ang ginawa kong pagbuklat ng mga pahina niyon, hanggang sa makarating ako sa center fold at tumambad sa akin ang mga larawan namin ni Dale. Kuha iyon ng engagement party, Thats the first time na nagkita kami at kanina nga ang pangalawa ang mismong araw ng kasal na.
Pinakatitigan ko ang mga larawan ni Dale Mula sa magazine na hawak ko.
Napakaganda nyang lalaki Greek God incarnate yun ang unang tingin ko sa kanya. Daig nya pa ang mga modelo kung hitsura at katawan lang naman ang paguusapan.
" Officially " Yun ang tittle ng page tungkol sa engagement namin.
Ipinakita rin sa larawan ang singsing na suot ko.
Ang caption " The Ring."
Tiningnan ko ang daliri ko kung saan naroroon ang singsing.
Its a white gold ring na napapalamutian ng isang Saphire stone sa gitna at napapaligiran ng mga maliliit na diamond. Its a beautiful one and one of the most expensive sabi sa article.
Ang alam ko si mommy ang nagbigay sa akin ng singsing na yun. Regalo daw sa akin. Nawala na sa isip ko kung kanino galing dahil gulong gulo pa ang isip ko ng mga panahong iyon dahil sa nangyari sa akin.
Muli kong tiningnan ang larawan namin ni Dale kuha yun habang nagsasalita sya at nakatayo ako sa tabi nya at nakahawak sya sa beywang ko. Hindi ko alam kung papanong nakangiti ako sa larawang yun ang alam ko sa buong duration ng event ay nakasimangot ako.
Baka edited pero perfect ang mukha ko sa larawan natural na natural.
BINABASA MO ANG
SUMMER AFFAIR
RomanceSi Ayedha Kristine isang dalaga na itinakdang ipakasal ng kanyang mga magulang sa lalaking hindi nya kilala, tulad ng karamihang napasok sa ganiyong sitwasyon, nagrebelde sya ibinagay nya ang kanyang sarili sa lalaking hindi nya kilala, para isakatu...