CHAPTER28

20.3K 588 6
                                        

“Manibalang na apple mango. Kristine sweetheart nasa cruise ship tayo, walang apple mango dito, mango meron, pero puro hinog ang alam kong naka stocks nila.” Nakakunot angnoongsabi nya.

Hindi ko alam kung naiinis ba sya sa akin, kasi inabala ko talaga sya sa trabaho nya para lang sabihing gusto ko ng manibalang na apple mango. At dahil sa wala akong cellphone kaya
kinatok ko ang isa sa mga kaibigan nya para pakisuyuan na tawagan sya at papuntahin sa akin.

“Ah basta gusto ko ng manibalang na apple mango. At gusto ko ngayon na.”

“Pero Kristine Honey imposible yang hinihingi mo, nasa gitna tayo ng Pacific Ocean.”

“Pwes gawin mong possible ang imposible alam ko kayang kaya mong gawin yun, at Daryl Dale Miller sinasabi ko sayo kapag hindi mo ako naikuha ng manibalang na apple mango sa labas ka matutulog.” Pagbabanta ko sa kanya.

“Shit Seryoso ka nga, ngayon mo lang ako tinawag sa buong pangalan ko….”

Binalingan nya ang mga kaibigan nya.

“Kayo narinig nyo naman siguro ang sinabi nya alam nyo ng gagawin nyo.” Sabi nya sa mga ito.

“Bakit kami.?” Magkakasabay na reklamo ng mga ito.

“Gusto nyong tumalon sa dagat ng walang life vest.” Seryosong tanong nya sa mga ito.

“Sabi nga namin maghahanap kami ng manibalang na apple mango.”

After an hour…may nakita akong papalapag na chooper sa helepad ng ship…. yes, ganun lang kadali, nasa harap ko na ang hinihingi kong manga, pero hindi ko naman kinain yun, inamoy amoy ko lang, tapos nakatulog na ako.

Paggising ko kina bukasan, ang sama ng pakiramdam ko.

Babangon sana ako para pumunta sa banyo pero hindi ako makakilos dahil sa bisig na nakapulopot sa akin.

Pilit ko iyong tinatangal pero lalo nya lamang hinigpitan ang pagkakayakap nya sa akin, kaya hinayaan ko na lang muna, humarap ako sa kanya at nagsumiksik ako sa malapad nyang
dibdib inamoy amoy ko pa sya ang bango nya talaga, babalik sana akong muli sa pagtulog kasi inaantok pa naman talaga ako, ng bigla ay parang hinahalukay ang sikmura ko, kaya naitulak ko sya at nagmamadali akong tumakbo sa banyo.

“Hey sweetheart whats wrong.?” Narinig ko pang tanong nya. Hindi ko na sya nasagot kasi nagsimula na akong magsuka sa toilet bowl.

“Kristine sweetheart anong nangyayari sayo.?”

Nagaalalang tanong ni Dale habang hinahagod ang likod ko at hinahawakan ang buhok ko para wag ko iyong masukahan.

Hindi ako makapagsalita kasi ayaw tumigil ang pagsusuka ko, nanghihina na ang mga tuhod ko, masakit na ang lalamunan ko, nagdidilim na rin ang paningin ko at hindi ko na kinaya bumigay na ang kamalayan ko.

Nagising ako sa loob ng silid namin ni Dale, sa kalayuan ay naririnig kong may mga boses na mahinang naguusap.

“Sir… Malaki ho ang posibilidad na buntis sya.”

Narinig kong sabi ng isang boses nahindi ko kilala.

“Shit, Sharpshooter ka tol ang galing mo ah.” Si renmer yun alam ko.

Hindi ko maintindian ang pinaguusapan nila.

“Hintayin lang natin ang resulta ng lab test para makasiguro tayo.” Ang boses uli na hindi ko kilala.

“Kung buntis nga sya daddy ka na tol, instant daddy.” Si Matthew.

“Yes I am… “ Parang hindi makapaniwalang sabi ni Dale.

Wait si Dale Daddy na. No way.

“Ang tanong ngayon, papano mo sasabihin sa asawa mo na buntis sya, siguradong mabibigla sya.”

Kaninong asawa ang buntis.? Ang alam ko si Dale pa lang ang may asawa sa kanilang magkakaibigan.

Biglang nanlamig ang buong katawan ko ng marealize ko kung sino ang pinaguusapan nila.

Pakiramdam ko umiikot ng napakabilis ang paligid ko.

Then I start calculating.

Mahigit isang buwn na ngayon mula ng mangyari ang malakaing pagkakamaling ginawa ko sa
buhay ko, at mula ng araw na yun ay hindi pa dumarating ang buwanang dalaw ko, regular ang menstrual cycle ko kaya alam kong dapat dinatnan na ako last month pero wala pa rin
hanggang ngayon.

Lasing na lasing man ako ng gabing yun, alam kong hindi gumamit ng protection ang lalaking
nakasama ko ng gabing iyun.

Hindi maari…hindi ako pweding mabuntis… hindi pwede…

Anong mukha ang ihaharap ko kay Dale kapag nagkataon, papano ko ipaliliwanag sa kanya na buntis ako at alam naming pareho na hindi sya ang ama dahil isang araw pa lang ang nakakalipas mula ng unang may nangyari sa amin. At isang lingo pa lang ang nakakalipas mula ng ikasal kami.

“Doc. Kung buntis nga ang asawa ko hayaan mong ako ang magsabi sa kanya, at kayo wala kayong sasabihin na kahit ano.”

Alam kong ang mga kaibigan nya ang tinukoy nyang kayo.

May nag buzzer, may tao. Narinig kong may mga yabag na naglakad bago bumukas ang pinto.

“Doc ito na po ang resulta ng test.” Sabi ng isang babae.

“Salamat nurse Cathy.” Alam ko na ngayon na isang doctor ang may ari ng tinig na hindi ko kilala.

“Anong resulta Doc.?” Excited na tanong ni JR.

“Ano doc.?” Halata ang kaba sa boses ni Dale.

“Its Positive MR. Ceo sir… five weeks pregnant ang asawa mo.” Deklara ng doctor.

“Yes..!” Narinig kong impit na sigaw ng mga kaibigan ni Dale bago muling kinain ng kawalan ang kamalayan ko.

Sa ikalawang pagkakataong ay nagising ako na ang mukha ni dale na labis ang pagaalala ang namulatan ko.

Muli akong pumikit, hindi ko kayang tumingin sa mga mata nya.

“Kristin sweetheart thanks God gising ka na, pinagalala mo ako ng husto.”

Niyakap nya ako ng mahigpit at hinalikan ako sa noo ng mariin.

“Kristine open your eyes honey… masama pa ba ang pakiramdam mo may masakit sayo, tatawagin ko uli ang doctor.”

Bakit pakiramdam ko totong totoo ang pagaalala nya sa akin. Di ba dapat galit sya, di ba dapat sinusumbatan nya ako, minumura at pinagsasalitan ng masama kasi nabuntis ako ng ibang
lalaki.

Hindi ako nagsalita, sa halip pumihit ako patalikod sa kanya, hindi ko alam ang sasabihin ko.

Ikinahihiya ko ang sarili ko, isa akong maruming babae at hindi ako karapatdapat kay Dale.

Hindi…

SUMMER AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon