CHAPTER 14

19.8K 612 4
                                        

Para akong nahipoitismo ng kulay asul ntang mga mata. Yes he own a pair of blue eyes namana nya sa daddy nya na isang amerikano.

Naghinang ang aming mga mata, unti unting lumalapit sa mukha ko ang mukha nya. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Awtomatikong naoatingin ako sa maououla nyang mga labi at hindi ko napigilang kagatin ang aking ibabang labi dahil sa labis na kaba.

" Let me do that."

Then he claim my lips for a pasionate kiss.

Wala akong nagawa kundi ang mapapikit na lamang dahil sa kakaibang pakiramdam na dulot ng kanyang halik.

Marahan nyang kinagat ang aking ibabang labi, dahilan para kusang bumukas ang aking bibig at tuluyan nyang maangkin ang buong labi ko.

Namalaya  ko na lang na tinutugunan ko na ang kanyang halik.

Kinabig nya ako palapit sa kanya at mas lalong pinalalim ang halik.

tila may mga paruparung nabuhay sa aking tiyan.

"Hey get a room. Hindi porket honeymooners kayo pwede nyong gawin yan kahit saan." Ang tinig ni Renmer ang pumutol sa mainit na palitan namin ng halik ni Dale.

Noon ko lang naalala na nasa loob nga pala kami ng restaurant at hindi lang kami ang naroroon.

Naginit ang mukha ko. Kinabig ako ni Dale at isiniksik sa dibdib nya.

" Ang gugulo nyo, ano bang ginagawa nyo rito ?" Galit na sita nito sa mga kaibigan.

" Kakain malamang, restaurant kaya to at hindi loob ng cabin nyo." Si Matthew.

Dahandahan akong lumayo kay Dale, umayos ako ng upo. Nakahawak pa rin sya sa beywang ko.

Inutusan nila ang mga waiter na pagdugtongin ang mga mesa para magkasya sila.

" At dito pa talaga sa table namin. Ang dami kayang bakanting mesa."

" Eh sa dito namin gustong maupo. " Sabi naman ni Renmark.

" Mga gago. Bahala nga kayo sa buhay nyo... Mauna na kami sa inyo." Inalis ni Dale ang pagkakahawak sa beywang ko at ang kamay ko naman ang kinuha nya, sabay hila sa akin ng marahan.

" At saan na kayo pupunta.?" Tanong ni JR.

" Itinatanong pa ba yan, di sa kwarto nila para tapusin ang nasimulan." Sabi ni Matthew sabay give me five kay Renmark.

Babatokan sana ni Dale si Matthew pero hinila ko na ito.

" Una na kami." Paalam ko sa kanila na sinabayan ko ng ngiti.

Kahit naman magugulo ang mga kaibigan ni Dale magaan ang loob ko sa kanila mukha naman kasi silang mababait at mabubuting tao.

" Pasensya ka na sa mga kaibigan ko. Kung hindi ko lang talaga sila kailangan para ayusin ang problema dito hindi ko talaga sila isasama."

Naglibot libot kami ni Dale sa ship ng magkahawak kamay at ipinapakilala nya ako sa bawat makasalubong naming staff at crew na bumabati sa amin.

" Wala yun actually gusto ko silang kaibigan kasi mukhang mababait sila kahit magugulo, medyo hindi pa lang ako sanay na may mga kaibigan na katulad nila.."

Nasa top deck kami ngayon, kung saan naroroon ang pool area, may mga naliligo sa pool pero mas marami ang katulad namin nakatanaw lang sa malawak na karagatan, pinapanood ang mga naglalakihang isda na naglalaro sa ilalim ng tubig, kitangkita mo sila dahil sa malinaw na tubig at mafanda ang sikat ng araw.

" Masanay ka na sa kanila kasi lagi silang nakabuntot sa akin. ewan ko ba sa mga yan kung nasaan ako gusto naandun din sila."

Unti unti ay naging magaan ang loob ko kay Dale.

Maraming bagay kaming napagusapan lahat safe topic. Nothing personal. Tila ba pareho naming iniiwasan ang usaping yun, pero alam ko kailangan namin yung pagusapan the sooner the better.

Kasama naming nag dinner ang mga kaibigan ni Dale pagkatapos kumain ay nagkayayaan silang pumunta sa bar na nasa isang bahagi ng ship.

Maraming tao na roon pagdating namin agad na umorder ng maiinon ang mga ito. Mga hard drinks ang inorder nila samantalang kay Dale ay light lang at sa akin ladies drink of course.

Nakakatuwa ang mga kaibigan ni Dale at naging mas madali kaysa sa inaasahan ang pagiging palagay ng loob ko sa kanila.

Nakikisaki na rin ako sa nga biruan nila paminsanminsan.

Ng padami na ng padami ang tao sa bar ay nagpaalam na si Dale sa mga kaibigan.

" Una na kami sa inyo, alam ko naman na may mga plano pa kayong mambabae kaya wala pa kayong balak umalis dito."

" Alam na alam mo tol ah." si Renmer.

" Gawain kasi." Si JR.

Mambabatok na naman sya kaya hinila ko na sya palayo.

" That was cool... may tagaawat na sa pananakit sa atin ni Dale." Natatawang sabi ni Matthew.

" Ayesha youre an angel. Alam mo bang ang gaan ng kamay nyang asawa mo sa amin ang hilig nyan manakit."

" Next time patulan nyo para hindi umabuso." Nakangiting sabi ko sa kanila.

Nagtawanan ang mga ito.

" Kung kaya nyo." Mayabang na sabi ni Dale na naglatahimik sa lahat.

May something talaga sa kanya na hindi ko makuha kung ano he posses a powerful aura na hindi ko alam kung saan nagmumula.

SUMMER AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon