Lalong naginit ang ulo ko.
" Mga malalanding higad labas.!!!" sigaw ko sa mga babae sa pinaka malakas na boses na kaya ko.
Mabilis namang nagsitalilisan ang mga babae na ang iba ay hindi pa tapos magsuot ng damit.
Isinara ko ang pinto at isa isa kong tiningnan ang mga kaibigan ni Dale. Lahat sila ay bakas sa mukha ang pagtataka at lahat sila ay may hawak na trow pillow o di kaya unan na ipinantatakip sa ibabang bahagi ng katawan nila.
Bago pa ako makapagsalita ay narinig ko na ang pagkatok sa labas ng pinto alam kong si Dale yun.
Lumayo ako sa pinto.
" Wag nyong bubuksan ang pinto." Utos ko sa kanila.
" Ha eh... mabubuksan nya rin yan may acces kayo pareho sa lahat ng pinto rito remember." Si Renmer.
" Eh di harangan nyo... bahala na kayo basta wag nyo syang papasokin.
Nagugulohang nagkatungunan ang nga ito, pero sinunod pa rin nila ang sinabi ko. Ihinarang nila ang mga katawan nila sa pinto para hindi iyon mabuksan ni Dale.
" Open up guyz.. alam kong nasa loob ang asawa ko." Sigaw ni Dale mula sa labas.
" Sorry Boss pero sabi ni kumander wag daw naming bubuksan." Sabi ni Matthew.
" Fuck! sino ba ang susundin nyo sya o ako." Galit na sabi ni Dale.
Tumingin sa akin ang mga ito.
pinanlakihan ko sila ng Mata.
" Subukan nyong buksan yan at gagawin ko rin sa inyo ang ginawa ko sa kanya." Pananakot ko.
" Bakit ano bang ginawa mo sa kanya.?" Si JR.
" Binogbog ko sya gusto nyo rin.?"
Lalo nilang pinagiguhan ang pagharang sa pinto dahil sa sinabi ko.
" Okey fine kung ayaw nyo itong buksan, pero sinasabi ko sa inyo wag na wag nyong titingnan ang asawa ko, dahil dudukutin ko yang mga mata nyo at ipapakain ko sa mga pating." Sigaw ni Dale mula sa labas ng nakasarang pinto ng silid ni Renmer.
Sabay sabay na napatingin sa akin ang limang lalaki na kasama ko sa silid.
At makakasabay din silang biglang tumalikod sa akin.
" Dale tol..wala akong Nakita promise." Tila takot na takot na sabi ni Matthew.
" Lintik kayo..I swear to hell hindi ako nagbibiro, bubulagin ko talaga kayo." Lalong nagging galit ang boses ni Dale.
Nagtaka ako. Ano bang nangyayari.
Napatingin ako sa sarili kong katawan.
Napatili ako sabay hablot sa unan na hawak ni JR at niyakap ko yon para takpan ang aking katawan na kitang kita mula sa napakanipis na damit pantulog na suot ko.
Biglang kumalabog ng malakas ang pinto.
Nabuksan iyon ni Dale dahil nawala doon ang atensiyon ng mga kaibigan nya.
Inilang hakbang nya lang ang pagitan namin. Mabilis nyang hinubad ang suot nyang Bath robe at isinuot iyon sa akin.
" Fuck..Sino sa inyo ang tumingin.?" Baling nya sa mga kaibigan na lahat ay nakatakip ang mga kamay sa mga mata.
Sabay sabay na umiling ang mga ito.
" Yung totoo.!" Sigaw nya uli.
" Wala nga..di ba mga tol...di naman natin Nakita na kulay itim yung underwear ni Ayesha di ba." Sabi ni Renmer.
Sabay sabay naman ngayong nagtanguan ang mga ito.
" Mga gago.!"
Susugurin sana ni Dale ang mga kaibigan pero pinigilan ko ito sa pamamagitan ng pagbato dito ng unan.
Sapol sa ulo ang sira ulo kong asawa.
Pinandilatan ko sya at padabog akong naglakad palabas ng silid ni Renmer.
Narinig ko pa ang tawanan ng mga kaibigan nya at ang malutong nyang pagmumura bago ako pumasok sa silid namin.
Tumuloy ako sa banyo at doon ay pinagnilayan ko ang mga nangyari.
May karapatan ba akong mag react ng ganun.? Tanong ko sa sarili ko.
Natural asawa ako, sino ba namang matinong asawa ang matutuwa kapag nalaman nyang nambabae ang asawa nya syempre wala. Hindi lang naman kasi ang damdamin ang pinaguusapan dito kundi ang sasabihin ng ibang tao. Yun naman ang mahalaga sa mga katulad ni Dale ang magiging tingin sa kanila ng ibang tao. At kahit wala naman akong pakialam doon damay pa rin ako dahil ako ang asawa ano na lang ang sasabihin nila na ang tanga tanga ko pumayag akong gagohin ng asawa ko, isang lingo pa nga lang matapos kaming ikasal.
Pero yun ba talaga ang ipinagpuputok ng butsi ko.?
Gusto kong sabunotan ang sarili ko dahil sa pinaggagawa ko kanina, Kung makapagreact ako akala mo naman may karapatan akong gawin yun.
Hindi naman kami ganap na mag asawa. Hindi pa. Ang sabi nya we will give it try. But how can we do it kung ngayon pa nga lang, day one ay ganito na ang nangyari pano pa kaya sa mga susunod, may patutungohan ba talaga kami.?
Ang daming katanungan na walang tiyak na kasagutan maliban sa ewan...at hindi ko alam.
Isang pagkatok sa pinto ang pumutol sa aking malalim na pagiisip.
" Ayesha lets talk." Mahinahong sabi ni Dale mula sa labas ng pinto ng banyo.
" Go away." Sigaw ko.
Sinabi ko yun dahil sa wala akong mukhang maihaharap sa kanya, nakakahiya ang ginawa ko wala ako sa lugar para magalit sa kung anoman ang ginawa nya.
" Yesha please... let me explain... its not what you think it is."
" No...you don't have to explain...sorry nag over react ako kanina alam kong wala sa lugar ang ginawa ko pasensya ka na."
" You have all the right to get mad...please lumabas ka rito magusap tayo."
Naihilamos ko ang palad ko sa mukha ko.
Hindi ko pa kayang humarap sa kanya.
" Malilligo lang ako."
Binuksan ko ang shower para marinig nya ang lagaslas ng tubig at para hindi nya masabing nagsisinungaling ako.
Inabot ako ng halos isang oras sa loob ng banyo, ng maramdaman ko sa sarili ko na kaya ko na syang harapin ay lumabas na ako.
Naabotan ko syang nakapaligo na rin, mukhag nakigamit sya ng banyo sa silid ng isa sa mga kaibigan nya.
Napansin ko ang namumula nyang pisngi, marahil ay tinamaan ko yun ng paghahampasin ko sya kanina, may Nakita rin akong kalmot sa gilit ng leeg nya.
Naginit ang mukha ko, masyado naman yata akong nagging bayolente kanina.
Nakakahiya talaga.
" Hmm..sorry about that. Gusto mo gamutin ko.?" Nahihiyang turo ko sa sugat nya sa leeg.
" Okey lang ba sayo..? Baka naman sakalin mo ako o kaya gilitan mo ako sa leeg."
Alam kong nagbibiro sya pero naginit pa rin ang mukha ko. Tatalikuran ko na sana sya pero hinawakan nya ako sa kamay.
" May darating mamaya na mga member ng board ng MIC para sa ipinatawag kong meeting kaya mo ba itong gawan ng paraan na medyo hindi mahalata na... alam mo na." Alanganin syang ngumiti.
" Susubukan ko."
Pumasok akong muli sa banyo para kunin ang first aid kit. Pinaupo ko sya sa kama at naglagay ako ng gamot sa bulak.
" Medyo mahapdi ito tiisin mo lang."
" Kayang kaya yan, malayo naman sa bituka." At ngumiti sya.
Parang tumalon ang puso ko ng Makita ko ang ngiti nya totoong totoo iyon walang halong pagkukunwari.

BINABASA MO ANG
SUMMER AFFAIR
RomantizmSi Ayedha Kristine isang dalaga na itinakdang ipakasal ng kanyang mga magulang sa lalaking hindi nya kilala, tulad ng karamihang napasok sa ganiyong sitwasyon, nagrebelde sya ibinagay nya ang kanyang sarili sa lalaking hindi nya kilala, para isakatu...