Tumango lang ako at ibinalik ko na ang buong atensiyon ko sa ipod nya.
Ang daming katanungan sa isip ko na gusto kong itanong sa kanya, bakit ipinost nya sa Fb nya ang larawan ng kasal namin, at hindi lang yun may post din sya na ipinapakita nya kung gaano sya ka excited sa nalalapit naming kasal.
At ng araw ng engagement party may ipinost syang larawan namin yung larawan na nasa itaas kami ng entablado mahigpit syang nakahawak sa beywang ko at pareho kaming nakangiti sa mga bisita.
Ang caption.
Presenting: The most beautiful woman in the universe for me, my lovely Finacee Ayesha Kristine Gomez.
Naka tag din yun sa mga mahahalagang tao sa kanya his family and friend at gayun din sa Miller International FB account.
Habang pinapakialaman ko ang Fb nya ay hindi matapos tapos ang mabilis na tibok ng dibdib ko.
Napakaraming notification sa wall nya, ganun din ang messenger nya puno ng unread messages, at marami pang dumarating.Out of curiosity binuksan ko yung messenger nya.
At halos magsalubong ang mga kilay ko ng makita ko na karamihan sa mga messages nya ay galling sa mga babae.
At ito ang ilan mga message nila.
<Hi Dale... Miss you babes. Kaylan ba tayo magkikita uli.?>
<Hi Dale... kahit may asawa ka na willing akong maging kabit mo. Just give me a call.>
<Dale love... miss na miss na kita... nasaan ka pwede ba kitang puntahan.?"
<Dale... I love you so much>
<Dale... kapag naghiwalay na kayo ng asawa mo nandito lang ako, I'm morethan willing to
warm your bed.>
Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa ulo.
"Ang dami mong message sa messenger mo." Pilit ko pinakakalma ang boses ko.
Bigla syang nagangat ng ulo. Yung mukha nya biglang tinakasan ng kulay.
"H...hayaan mo na yan... wag...mo na lang buksan at basahin." Nuutal ba sya.?
"Sorry I already did."
"Oh..shit!."
Then biglang lumipad ang ipod nya papunta sa kanya, Mabuti na lang nakailag sya.
Sapol ang kawawang dingding wasak ang iPod.
Mukhang alam nya na ang susunod na mangyayari, kaya nakailag uli sya ng sunod na lumipad ang vase na nasa center table, basag ang vase na mukhang mamahalin pa naman.
Hindi ko na nagawang pigilan ang galit ko kahit pa wala ako sa rason at wala akong karapatan.
But I'm his wife for crying out loud, at alam yun ng buong mundo pati na rin ng mga malalanding babae sa nagpapadala ng mga messages sa kanya.
"Calm down Honey... kung anoman ang nabasa mo, wala akong kinalaman dun okey."
"So ibig sabihin kahit hindi mo pa nababasa yung mga messages alam mo na kung ano ang laman nun. Kasi laging may nagmemessages sayo ng ganun. "Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko.
"Yes...i mean, hindi ko naman sila pinapansin." Mukhang natataranta na si Dale.
I can't believe the high and mighty Dakle Miller natataranta.
Guilty kasi.
And so what.? Ano bang karapatan kong magalit, magasawa nga kami pero hello... arrange marriage lang naman kami.
Para akong tanga na pinagsasabihan ang sarili. Pumikit ako ng mariin at pilit na pinakalma ang emosyon ko.
Nagulat ako dahil pagdilat ko nasa harap ko na si Dale at puno ng pagaalala ang mukha nya.
"Kristine honey.... Wag ka ng magalit please... sorry... "
Sya pa talaga ang nagsorry sa kabaliwan ko.
"I block mo lahat ng nagmemesage sayong babae."
Kahit ako ay nagulat ng lumabas yun sa bibig ko.
Pero sya ngumiti na tila ba nabunotan sya ng tinik sa dibdib.
"As you wish sweetheart sa harap mo mismo gagawin ko yun... kung gusto mo ikaw na ang gumawa."
"Bakit ako... account mo yun."
Tinalikuran ko na sya pakiramdam ko kasi para ng kamatis sa sobrang pamumula ang mukha ko dahil sa mga pinagsasabi ko.
Hinawakan nya ako sa braso dahilan para mapatigil ako sa paghakbang.
"Saan ka papunta.?"
"Sa cabin natin matutulog."
"Mamaya na sabay na tayo, samahan mo muna ako dito." Para syang batang naglalambing.
At kinikilig naman ako. Parang tanga lang.
"Inaantok ako gusto kong matulog ngayon na."
Ngumiti na naman sya ng akahulugan.
"Sorry, kasalanan ko kasi pinuyat kita kagabi."
Naginit na naman ang mukha ko, wala na bang katapusan to.
"Ihahatid na kita."
"wag na." Putol ko sa sinasabi nya. "Kaya kong magisa, tapusin mo na yang trabaho mo."
"Sigurado ka.?"
"Mr. Miller, hindi n ako bata okey, at hindi ako mawawala kahit gaano pa kalaki tong ship mo."
Tinaasan ko sya ng kilay.
"Okey... bahala ka... tatapusin ko lang to tapos susunod na ako sayo."
Nagkibit balikat ako at iniwan sya.
Pagdating ko sa cabin namin ay para akong tanga na sinabunotan ang sarili kong buhok.
Ano bang nangyayari sa akin.? Why am I acting like a nagger wife?
Oo asawa ko pero pareho naming hindi gusto yun. Arrnge marriage nga kami di ba.
Oo napagkasunduan namin na susubukan naming I work out ang relasyon namin, na gagampanan namin namin ang obligasyon namin sa isat isa bilang magasawa, pero hindi naman siguro kasama roon yung pakikialaman namin, ang pribadong buhay ng isat isa, I mean ako lang pala, kasi ako lang naman ang nakikialam sa buhay nya. Pero hinahayaan nya naman akong pakialaman sya.
At ano ang ibig sabihin ng mga post nya sa fb.
At ano ang ibig sabihin na darlyn ng <keep on loving her no matter what>. At yung reply nya na
<You know I will no matter what>.
Ako ba talaga ang pinaguusapan nila.?
Pakiramdam ko nahihilo ako dahil sa dami ng mga gumugulo sa isip ko, parang gustong bumaligtad ng sikmura ko. Naduduwal ako na nahihilo na hindi ko maintindihan.
At gusto kong kumain ng manibalang na apple mango.
Hala ang weird ah.
BINABASA MO ANG
SUMMER AFFAIR
RomantikSi Ayedha Kristine isang dalaga na itinakdang ipakasal ng kanyang mga magulang sa lalaking hindi nya kilala, tulad ng karamihang napasok sa ganiyong sitwasyon, nagrebelde sya ibinagay nya ang kanyang sarili sa lalaking hindi nya kilala, para isakatu...
