CHAPTER 7

20.2K 670 19
                                        

Mahigit isang oras na akong late sa itinakdang oras ng aking kasal.

How i wish na sana hindi na nakapaghintay sa akin ang groom ko.

Pag-apak ko pa sa pinto ng simbahan ay narinig ko na ang pagbubulongan ng mga tao.

Magsisimula na sana akong humakbang papasok ng lumapit sa akin ang wedding coordinator.

"Maam...wala pa po ang groom."

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis. Mas nauna pa ako sa kanya.

"So ano aalis na ba ako, Hindi na tuloy ang kasal.?" Tanong ko sa coordinator, Hindi ko napigilan ang pagsilay ng sarkastikong ngiti sa labi ko.

"Maam nasa meeting pa daw po sya, nasa sayo daw po kung maghihintay kayo. Naghihintay lang daw po sa labas ng simbahan ang mga pulis at abogado nya.".

Gusto kong mamura, kung wala lang siguro ako sa simbahan baka pati ang weeding coordinator ay sinigawan at pinagmumura ko na.

Lumapit sa akin si mommy at pilit akong pinapahinahon samantalang si daddy ay nakaupo lang sa upuang nasa pinaka sulok. Bakas ang lungkot sa kanyang mukha o baka imahinasyon ko lamang iyon. Hindi ba dapat masaya sya kasi ito naman ang gusto nya at ginagawa ko ito para sa kanya.

Mahigit isang oras na akong naghihintay pero wala pa rin si Dale, sobrang pagkainis na ang nararamdaman ko. Pero yung mga tao sa simbahan parang wala lang sa kanila ang paghihintay, sa halip nga na mabawasan ang mga bisita ay lalo pa itong nararagdagan, at bawat dumarating na bisita ay masiyang sinasalubong ng mama at papa ni Dale oh di naman kaya nina Mommy at Daddy, may sinasabi sila sa mga ito na dahilan para ngumiti ang mga ito. Pero ako hindi ko magawang ngumiti kahit pakitang tao lang.

Makalipas ang halos dalawang oras na paghihintay sa loob ng bridal car, sa wakas ay may humintong Puting Lamborgini sa tapat ng simbahan. At mula roon ay lumabas ang isang lalaking nagsusuot pa lang ng kanyang amerikana.

Ang aking Groom.

Tumingin sya sa gawi ng sinasakyan ko habang inaayos ang kanyang neck tie.

Biglang Bumilis ang tibok ng puso ko.

At para syang isang ramp model na naglakad palapit sa akin.

Hindi tented ang salamin ng bridal car kaya alam kong kitang kita nya ako.

Ng makalapit sya ay kinatok nya ang bintana ng aasakyan.

Padabog ko iyong binuksan. Marahas akong bumababa hindi ko alintana kung nakasuot man ako ng milyon ang halagang weding gown. 

"Ang kapal ng mukha mo para paghintayin ako ng halos dalawang oras." Galit na sabi ko sa kanya.

Hindi sya kumibo nakatingin lang sya sa akin, na para bang naaaliw pa sya sa hitsura ko.

Sasampalin ko sana sya pero mabilis na nahuli ng kanyang kaliwang kamay ang kamay ko at bigla nyang ipinulipot ang kanang braso nya sa beywang ko.

Unti unting lumapit ang mukha nya sa mukha ko. Lalong bumilis ang tibok ng dibdib ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makuha ko kung ano ang kanyang gagawin.

Agad kong inilagay ang isang kamay ko sa dibdib nya para itulak sya pero di ko na yun nagawa dahil naangkin na nya ang labi ko.

Naginit ng husto ang mukha ko ng maramdaman ko ang paggalaw ng kanyang napakalambot na labi sa labi ko. Sinubukan kong muli na itulak sya pero lalo nya lamang hinigpitan ang pagkakayakap nya sa akin.

Ng magsimulang gumalaw ang labi nya ay may pamilyar na sensasyong bumalot sa buong pagkatao ko. Naalala ko ang unang lalaking nagparamdam sa akin niyon. Ang lalaking unang pinagbigyan ko ng sarili ko.

Dahan dahan kong ipinikit ang mga mata ko pilit kong inalala ang mukha ng lalaking iyon, madilim ng gabing iyon kaya hindi ko maisalarawan ang mukha nya. Ng ilang sandali na akong nakapikit ay untiunting nagkaroon ng mukha ang lalaki sa isip ko.

Mukha ng isang Dale Miller ang nakita ko sa balintataw ko.

Nilamun na ng tuluyan ng kakaibang sensasyon ang buong sistema ko pati katinuan ko.

Namalayan ko na lang nakapulopot na ang mga braso ko sa batok nya at tinutugunan ang mga halik nya.

Naputol lang ang paghahalikan namin ng may magpalakpakan mula sa kung saan.

Pagdilat ko ay ang mukha ni Dale na nakangiti ang nakita ko.

Hinawakan nya ako sa mukha at pinunasan nya ng kanyang hinlalaki ang gilid ng labi ko.

"Sorry muntik ko ng maubos ang lipstick mo... But don't worry you are more beautiful without it." Bulong nya sa akin.

Napakalamig ng boses nya na halos magpanginig sa buong katawan ko.

"Ahemm..."

Isang pagtikhim ang umagaw sa atensiyon namin. Ang weding coordinator.

"Ahmm sir magsisimula na po tayo, mauna na po kayo sa loob."

Nginitian ito ni Dale.

"Okey." Sabi nya.

Unti unti nyang inalis ang pagkakayakap sa beywang ko.

Ewan ko pero nakaramdam ako ng takot ng humakbang sya palayo sa akin.

"D...dale..." Mahinang tawag ko sa pangalan nya.

Agad syang lumingon.

"Yes... Kristine." May kakaibang emosyon din akong nahimigan sa boses nya.

"Y... youre tie..." Ewan ko ba kung bakit yun ang nasabi ko.

Ngumiti sya. Halos malaglag ang puso ko dahil dun.

Muli syang humakbang pabalik sa akin.

"Fix it for me please."

At tumayo sya sa harap ko.

Nanginginig ang mga kamay ko ng hawakan ko ang necktie nya. Ang lapit lapit nya sa akin. Halos tumatama ang mabango nyang hininga sa aking mukha.

Sa awa ng Diyos ay nagawa ko namang maayos ang Tie nya kahit pa nanginginig ang mga kamay ko.

Ng aalisin ko na ang kamay ko sa pagkakahawak sa tie nya ay hinawakan nya iyon.

"Miss Cortez." Tawag nya sa coordinator.

"Sir."

"I don't wanna do the traditional weding march."

"What do you mean sir."

"Ako mismo ang magdadala ng bride ko sa harap ng altar."

"But sir."

"Do as i say. And please tell the priest na bilisan nya lang ang seremonya may importanting meeting pa akong kailangang puntahan."

SUMMER AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon