CHAPTER 15

19.8K 625 4
                                        

Hindi kami sa cabin namin tumuloy pagkalabas ng bar kundi sa isang part ng ship na may salaming dingding at kita mo ang karagatan at mga bituin para iyong isang restricted area na si Dale lang ang pweding pumasok kasi walang ibang tao doon maliban sa amin.

May isang mahabang sofa bed na nakaharap sa karagatan at kapag tumingala ka ay kita mo ang kalangitan na nalalatagan ng milyon-milyong mga bituin na nagkikislapan.

May bote ng alak at dalawang wine glass na nakahanda sa maliit na mesa na nasa tabi ng sofa.

Pinaupo nya ako sa sofa at nagsalin sya ng alak sa dalawang baso at iniabot sa akin ang isa.

Umupo sya sa tabi ko may nakapagitan sa aming espasyo na tama lang para hindi magdikit ang mga katawan namin.

" Ang ganda dito." Nakangiting sabi ko habang nakatingin sa malawak na karagatan.

" Dito ako pumupunta sa tuwing gusto kong mapagisa at magisip." Uminom sya ng konting alak mula sa baso nya.

" Exclusive ba ang lugar na to.?"

" This my sanctuary kahit mga kaibigan ko hindi ko pinapapasok dito. Ikaw pa lang ang dinadala ko rito."

Kumabog ang dibdib ko.

" Why..? I mean bakit mo ako dinala dito.?" Nagsisimula na akong kabahan na hindi ko mawari.

" Gusto kong ipakilala ng husto sayo kung sino ba ako, Kung sino ba ang lalaking pinakasalan mo."

Namayani ang katahimikan. Tanging ang malakas na pagtibok lamang ng puso ko ang naririnig ko.

" Alam ko na hanggang ngayon ay galit ka pa rin dahil sa mga nangyari. Kristine sa lugar na to ay pwede mong itanong sa akin ang kahit ano na gusto mong malaman at sasagutin kita sa abot ng makakaya ko."

Kristine... sya lang ang tumawag sa akin ng kristine everyone calls me ayesha, yesha, aye, or anything but not ktistine, yun ay dahil sa ayaw ko na may tumatawag sa akin sa aking second name dahil sa hindi ko gusto ang tunog ng kristine. Pero kapag si Dale ang tumatawag sa akin niyon ang sarap sa pakiramdam tila tumatalon ang puso ko.

" Ask away Kristine."

Ang totoo ang dami kong tanong sa kanya. Ang dami kong gustong malaman pero sa ngayon isa lang ang gusto kong magkaroon ng kasagutan.

" Why me.?"

Uminom ako ng alak mula sa baso ko.

" Bakit ako ang napili mo... kahit hindi kita kilala alam ko na mayaman ka ang magmayari ng isa sa pinakamalaking cruise ship sa Asia ay hindi bastang kayamanan ang kailangan yet you own
it, pamilya mo rin ang may ari ng isa pinakamalaking electronics company sa mundo, at kung sa hitsura naman siguradong sigurado ako na hindi mo kailangan magsalita para makuha ang
babaing gusto mo... mga babaing ni wala ako sa kalingkingan kung ganda at yaman din lang ang paguusapan... So, Dale Bakit ako.?"

Inisang lagukan nya ang laman ng baso nya at muli nya iyong sinalinan.

Sumandal sya sa sandalan ng sofa habang ginagalaw ang laman ng baso nya.

Para bang nagiisip muna sya ng mabuti.

" Dahil ikaw lang babaing hindi man lang ako tinapunan kahit isang sulyap habang rumarampa ako sa harap mo na tanging underwear lang ang suot."

Halos maibuga ko ang iniinom kong alak dahil sa sinabi nya.

Pangalawang beses na yung nangyari sa araw na ito. Lagi na lang kasi akong nagugulat sa mga sinasabi nya.

" Seriously.?"

Ngumiti sya ng makahulugan bago muling uminom ng alak mula sa baso nya.

" It was two years ago, october 27. Kinulit ako ng kinulit ng kapatid ko dahil nagkasakit daw ang isa sa mga male model nya para sa international fashion show compitition na sinalihin nya, a
few days bago ang show ay kinukulit nya na ako pero hindi nya ako napapayag, never ko pang
naimagine sa buong buhay ko ang rumampa sa harap ng napakaraming tao na tanging boxers brief lang ang suot. Magkamatayan na pero hindi ko gagawin yun. Yun ang sabi ko sa kanya."

Sinulyapan nya muna ako bago sya muling nagsalita.

" A day before the show pumunta ako sa shop nya para bumili ng underwear ako kasi mismo ang bumibili ng mga personal kong gamit. Then i saw this woman inside her office This woman
caught my attention on a first glance, kaya sabi ko ipakilaka nya ako sa babae but my sister being the clever one, nakita nya siguro na interesado ako sa nasabing babae kaya ginamit nya
yun para mapasunod ako sa gusto nya."

Umunom uli sya nago nagpatuloy.

" Ang sabi nya ipapakilala nya daw ako sa babaing yun kung makukuha ko ang attention nito kapag rumampa ako sa entablado sa harap nito mismo na underwear lang ang suot."

Ngumiti uli sya pero sa baso nya sya nakatingin.

" sisiw... yun ang inisip ko. Wala pang babae ang hindi ko nakuha ang atention kahit fully clothe pa ako at sa crowded place pa ako naglalakad, yun pa kayang naka under wear lang... in short pumayag ako sa gusto nya." Tumingin sya sa akin ng medyo nakangiti bago sya nagpatuloy sa pagsasalita.

"But to my surprise kahit nagpabalikbalik pa ako sa harap ng babae na kulang na lang ay magsayaw ako sa harap nya... wala... she never spares a glance on me."

Muli syang uminom ng alak.

" And that woman is no other than Ayesha Kristine Gomez.... "

Sumikdo ng malakas ang dibdib ko pagkarinig ko sa pangalan ko.

" Yes... ikaw yun... thats the first time na nakaramdam ako ng rejection, at masyadong nasaktan ang ego ko dahil dun kaya ipinangako ko sa sarili ko na kahit anong mangyari at sa kahit anong paraan ay magiging akin ka Kristine."

Sakit... Yun ang naramdaman ko matapos ikwento ni Dale ang dahilan kung bakit ako ang napili
nya na pakasalan ng sapilitan.

Pero bakit ba ako nasasaktan.? May inaasahan ba akong ibang dahil kung bakit nya ako pinilit mapakasal sa kanya.?

Isa lang akong challenge para sa kanya, na kailangan nyang makuha para ma boast ang ego nya.

" I'm sorry kung masyadong makasarili ang dahilan ko. I'm sorry kung kinaladkad kita sa buhay na hindi mo gusto para lang mapagbigyan ang ego ko."

Puno ng sensiridad na sabi nya.
Pero hindi ko maramdaman yun dahil sa sakit na nararamdaman ko sa aking puso.

SUMMER AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon