Pinagsalikop nya ang mga daliri namin at mula sa ilalim ng mesa ay iniangat nya ang magkahawak naming mga kamay sa ibabaw. Tumingin sya sa akin bago nya iyon ipinatong sa ibabaw ng mesa ay hinalikan nya muna ang likod ng palad ko, at tsaka nya muling hinarap ng mahinahin ang mga member ng board.
" I have this story to tell." Tiningnan nya isa isa ang mga taong nasa loob ng silid.
" Bago naging Miller international ang kompanyang ito ay isa lamang itong Miller Eloctronic Repairshop na may maliit na pwesto sa gilid ng tindahan ng lola ko. Dahil sa sipag at galing ng daddy ko na isang electronic technician na nagtapos lamang sa TESDA ay nakakuha sya ng pwesto sa isang maliit na mall, hangang sa nagkaroon sya ng mga suki na syang narerekominda sa kanya sa mga opisina at kompanya para maging on call electronic repairman at doon nya nakilala ang mommy ko na syang tumulong sa kanya para makapasok sa mas malaking mundo ng electronics. Nagtrabaho sya sa kompanya nina mommy na pagawaan ng mga electronics toys. Pinagsabay nya ang pagaaral at pagtatrabaho hanggang sa maging ganap syang Electronic engineer, Ng makapagtapos sya ng pagaaral ay muli nyang binuksan ang kanyang electronics repairshop. At kalaunan ay pinasok nya na ang mundo ng electronic gadget development, ipinanganak ang Miller electronics hindi naging madali ang lahat para sa Miller tulad din kung papanong hindi madali para sa Gomez ang manatili sa industriya sa gitna ng mga higanting kompanya na naglalabanlaban ngayon. Subalit sa tulong ng mas malaking kompanya tulad ng kompanya ni mommy ay lumaki ng lumaki ang Miller hanaggang sa naanit nya ang kinalalagyan nito ngayon." Muli nyang tiningnan si Mr.Cervantes, then si dadd at ako.
"At yun ang gagawin ko sa Gomez, gusto ko itong tulungan na lumaki at umangat hanggang sa makaya nyang tumayo sa sariling paa at gumawa ng sariling pangalan na hiwalay sa Miller. At si Ayesha Kristine Gomez Miller ang asawa ko ang hahawak ng Gomez. Kaya walang sinoman sa inyo ang makikialam sa Gomez kung ayaw nyong pakialaman ko ang kapalaran nyo sa kompanya ko." Matapang at may finality na sabi ni Dale.
Matapos mahimas masan ng lahat mula sa galit ni Dale ay nagpatuloy ang meeting. Lahat ay sumasangayon sa Asawa ko, wala ng sinomang naglalakas loob na komontra.
Lumipas ang tatlong oras ay hindi pa rin taposang meeting, nangangalay na ang mga paa ko, kaya pasimple ko iyong iniunat, dahilan para masagi ko ang paa ni Dale. Akala ko wala lang yun sa kanya kasi hindi man lang sya lumingon. Pero pasimpleng bumaba ang isang kamay nya sa ilalim ng mesa at himlnawakan niyon ang hita ko na nasa side nya.
Muntik na akong mapasinghap ng marahang pisilin nya iyon na para bang minamasahe. Naginit ang mukha ko kaya yumuko ako, kunwari ay may sinusulat ako sa note pad na nasa harap ko. Damang dama ko ang init ng palad nya dahil pencil cut mid skirt ang suot kong corporate suite.
Mabuti na lang at may nagrereport sa unahan si Matthew ang kaibigan ni Dale na Head ng program development, may inirereport sya na tungkol sa panibagong apps na idadagdag nila sa ilalabas na bagong smartphone ng Miller.
May Slide show presentation kaya lahat ng tingin ay nasa unahan kaya walang nakakapansin sa ginaawa ni Dale.
May kakaibang kiliti na hatid ang mga palad nya na patuloy na humahaplos at pumipisil sa mga hita ko. May kakaiba sa paraan kung papano nya ginagawa yun. Alam kong hindi simpleng masahe ang ginagawa nya sa akin dahil kahit sya ay napansin kong nagiba ang ritmo ng paghinga.
Sinubukan kong alisin ang pagkakapatong ng hita ko sa kanya pero hinawakan nya ito ng mahigpit, kaya hindi ko iyon nagawa, lalo akong nabalisa ng maramdaman kong pataas na ng pataas ang mga kamay nya at parang alam ko na kung saan iyon papunta, kaya hahawakan ko na sana ang kamay nya para alisin iyon sa hita ko ng may masagi akong isang matigas na bagay sa pagitan ng mga hita nya.
"Fuck!" Pabulong ngunit may kalakasang daing nya. Napatingin sa amin ang mga nasa malapit sa amin nakaupo ang parents nya, si dad at mga kaibigan nya.
Biglang naginit ang mukha ko at pagtingin ko sa kanya ay namumula rin ang mukha nya.
Hinawakan nya ang kamay ko ng mahigpit.
Kulang na lang ay isubsob ko ang mukha ko sa mesa para maitago ang pamumula niyon.
"Ahem...excuse us ladies and gentlemen. Dad ikaw na munang bahala dito. Medyo masama kasi ang pakiramdam ng asawa ko kaya sasamahan ko muna sya sa kwarto namin."
Hala bakit ako.?
Hindi nya na hinintay ang sagot ng daddy nya pinatayo nya na ako at hinila palabas ng conference room.
"Hokage moves bro.!" Narinig ko pang kantiyaw ng mga kaibigan nya bago sumara ang pinto.
Mabilis ang mga hakbang nya patungo sa ibang dereksiyon.
" Dale... saan tayo pupunta hindi dyan ang silid natin."
Sa halip na sagutin ang tanong ko ay hinapit nya ako sa beywang at Mapusok na inangkin ang mga labi ko. At hindi ko na rin napigilan ang sarili ko. Tinapatan ko ng kaparehong intensidad ang ang mga halik nya.
Bumababa ang dalawang kamay nya sa magkabilang hita ko at bigla nya akong binuhat kaya awtomatiking pumulopot ang binti ko sa beywang nya ng hindi naghihiwalay ang mga labi namin.
Narinig kong may bumukas na pinto at sumara. Pagdilat ko nakita kong nasa loob kami ng sanctuary nya. Puro salamin ang dingding ng silid at katirikan ng araw kaya napakaliwanang nito.
Isinandal nya ako sa likod ng pinto at muling inangkin ang mga labi ko.
Dahandahan nya akong ibinaba hanggang sa makaapak ang paa ko sa sahig.
At ng makalaya ang dalawang kamay nya ay ngsimula na itong maglakabay sa katawan ko at kahit nakasuot pa ako ng damit ay damang dama ko ang mainit nyang palad na naglalakbay sa tagiliran ko at sa likod ko.
Sa paraan ng mga halik at ritmo ng paghinga ni Dale alam kong wala ng makakapigil sa kanya na gawin ang dapat matagal na naming ginawa bilang mag asawa at kahit ako sa sarili ko alam kong ipagkakanulo na ako ng sariling katawan ko.
Ngunit bago ang lahat gusto kong maging honest sa kanya.
"D-dale..." Pinigilan ko ang mapaungol ng sapuin ng kanyang mga palad ang aking magkabilang dibdib habang pinapaliguan nya ng halik ang leeg ko.
" Yes my sweet Kristine." Halos pabulong na sabi nya na sinabayan nya ng paghinga.
" D-dale... H-hindi na ako virgin."
![](https://img.wattpad.com/cover/84691004-288-k7835.jpg)
BINABASA MO ANG
SUMMER AFFAIR
RomansaSi Ayedha Kristine isang dalaga na itinakdang ipakasal ng kanyang mga magulang sa lalaking hindi nya kilala, tulad ng karamihang napasok sa ganiyong sitwasyon, nagrebelde sya ibinagay nya ang kanyang sarili sa lalaking hindi nya kilala, para isakatu...