CHAPTER 12

20.2K 583 5
                                        

" Ang hard mo bro." kantiyaw ni Matt.

" Sino ba kasing nagsabi sa kanya na nandito ako." Galit na sabi nito sa mga kaibigan.

" Kahit walang magsabi sa amin malalaman at malalaman nya rin kung dumating ka na ba o hindi, alam mo naman yung babaing yun daig pa imigration officer." Si Renmark.

" Tama si Renmer. Patay na patay kaya sayo ang babaing yun, di ba ilang beses na syang lumuhod sa harap mo."

Sabay sabay na nagtawanan ang magkakaibigan. Ako naman tumaas ang kilay, at nainis sa kanila.

" At natutuwa pa kayo na may babaing lumuluhod sa harap nyo nagmamakaaawa at patay na patay sa inyo." hindi ko na napigilan ang bibig ko dahil sa sobrang inis.

Natahimik ang magkakaibigan pero makalipas ang ilang saglit ay kumawala sa loob ng elevator ang mas malakas na tawanan.

" Shit! tol saan bang kumbento lumaki yang asawa mo.?" Si lemuel na hawak pa ang tiyan habang tumatawa.

Tiningnan ko si Dale.

Namumula ng bahagya ang mukha nya.

" Shut up all of you kung ayaw nyong pagpapatayin ko kayo. wag nyong ipollute ang utak nya."

" Wow... Virgin bride." Si Matthew.

Ako naman ang naginit ang mukha. Hindi dahil sa ainabi nya kundi dahil sa katotohanang ako lang ang nakakaalam na i'm not a virgin anymore.

" Oh my, masakit sa puson yan tol kasi kailangan mo ng ibayong pagpipigil dyan para hindi sya masaktan." Si Renmer.

Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Dale na nakahawak pa rin sa kamay ko. At kulang na lang ay isubsub ko ang mukha ko sa sahig o kaya hilingin na kainin na lang ako ng lupa.

Mabuti na lang nasa unahan nila kami sa loob ng elevator kaya hindi nila kita ang mala kamatis kong mukha.

Narinig kong napadaing sa sakit ang ilan sa mga kaibigan nya pero hindi ko nakita kung ano ang ginawa ni Dale sa kanila.

Nakarating, nakasakay at nakababa uli kami sa chopper ng hindi ako tumitingin kay Dale o kahit sa mga kaibigan nya, pakiramdan ko binubulabog ako ng konsensya parang gusto kong itama ang iniisip nila na virgin bride ako.

Sa pinaka malaki, pinakamaganda at pinaka makabagong cruise ship sa

Sa isang cabin na parang presidential suite sa isang 5star hotel ako dinala ni Dale katabi naming silid ang mga kaibigan nya.

" Take a rest may meeting lang ako with the the staff and crew nitong cruiseship. I'll make it quick para makabalik ako agad." Sabi ni Dale habang isinusoot ang coat nya na hinubad nya kanina sa loob ng helecopter.

" Don't mind me, take youre time."

" Pasensya ka na, this is suppose to be our honeymoon pero kailangan kong magtrabaho, nagkaproblema kasi.'

Medyo naantig naman ako sa sinabi nya, pero mas kinabahan ako doon sa salitang honeymoon. 

Talaga bang kailangan naming maging ganap na mag asawa, kailangan ba talaga naming magsama sa iisang silid at iisang kama at gawin ang ginagawa ng mag asawa.

Alam ko sa sarili ko ang mga kasagutan sa mga tanong na yun.

Ano pang silbi ng pagpilit nya sa akin sa kasalang iyon kung wala naman syang mapapakinabang.

Base on my research palugi na ang kompanya namin kung hindi sya naglagak ng napakalaking halaga dito na halos katumbas na ng kabuoang halaga ng kompanya mismo. Kaya literally ang kompanyang ibinigay sa akin ni Dad ay hindi naman talaga akin kundi sa lalaking asawa ko na ngayon.

Kung ang kompanya lang naman, wala na akong pakialam kung makuha nya man ito, kaya kung magsimulang muli. Pero hindi ko kakayaning makulong ang daddy ko.

Kahit naman naging masyadong napakahigpit sa akin ng daddy ko ay naging mabuting ama pa rin ito sa akin at gagawin ko ang lahat para dito.

Kaya kung anoman ang gustong gawin sa akin ni Dale ay tatangapin ko.

Subalit natatakot ako sa maaring maging reaksiyon nito oras na malaman nito na hindi sya ang nakauna sa akin.

But I am already 26 years old ano pa bang inaasahan nya, katorse anyos nga ngayon ay hindi na virgin ako pa kaya. Minsan nga ikinakahiya ko noon ang pagiging virgin kasi pakiramdam ko ay pagtatawanan ako ng mga taong makakaalan niyon, pagnagkataon.

Pilit kong pinanatag ang sarili ko tungkol sa usaping virginity mukha namang hindi ganun ka konserbatibo si Dale mukha nga itong babaero at manloloko ng mga babae, sa gwapo ba naman nito.

The first few days na magkasama kami ni Dale ay hindi naging madali, galit ako sa kanya, hindi ko pa rin kasi maubos maisip kong bakit nya nagawa sa akin yun. Kung bakit nya ako pinilit na makasal sa kanya sa kabila ng pagtutol ko. Pakiramdan ko ay ninakawan nila ako ng isang bagay na napakahalaga sa akin, ang magdesisyon para sa sarili ko.

Pero pinilit kong pakisamahan sya inisip ko na lang na para sa magulang ko lalo na sa daddy ko lahat gagawin ko.

Magkasama kami sa iisang silid, pero sa sofa sya natutulog at ako sa kama.

Ang unang mga araw ay naging abala sya sa kung anomang problema na inaayos nya madalas syang wala at madalas ay naiiwan ako kasama ang isa o dalawa sa mga kaibigan nito na syang naging mga tour guide ko sa ship.

Sa tuwing umaga pagising ko ay madalas wala na si Dale pero may nakahanda ng almusal para sa akin at boquet of flowers na hindi ko alam kung kanino galing, inisip ko na lang na complementary gift iyon sa lahat ng babaing guest ng ship at kasama ako dun. Pagkatapos kong kumain ay may kakatok ng kaibigan niyo na syang naka schedule na makasama ko buong maghapon.

Halos naikot ko na ang buong ship maliban sa mga private na lugar doon.

Naging ka close ko na rin ang mga kaibigan nya dahil ito ang madalas kong mga kasama.

Tuwing lunch ay magkakasama kaming kakain pero pagkatapos kumain balik na naman sya sa opisina nya magkikita lang uli kami pag dinner tapos balik uli sya sa trabaho nya madalas nakakatulog na ako hindi pa rin ito pumapasok sa silid namin.

Pang isang linggo na namin sa ship kaya naging paulit ulit na lang ang routine ng buhay ko kaya napagpasiyahan kong wag na munang lumabas ng silid ng araw na yun. Ibinuhos ko na lang ang aking oras sa pagbabasa ng romance novel.

SUMMER AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon