/AN/@AnotherRomantic @piastrorose @rpangilinan19 ... sobrang masayang masaya po ako kasi nakikita ko na naman mga name nyo sa notif ko. At sa lahat ng sumusuporta sa akin. Thank you so much.///
" Ganun lang ba ang tingin mo sa akin. Isang challenge na kailangan mong malagpasan at ano ang mapapala mo kapag nagawa mo yun. Masaya ka na ba ngayon.... Masaya ka na ba.?"
Hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Ang galit ko.
" I'm sorry..."
Mapait akong tumawa.
" Bakit ko pa ba tinatanong kung masaya ka syempre hindi pa kasi hindi mo pa naman talaga nakukuha ang gusto mo."
Inubos ko ang laman ng basong hawak ko at pabagsak kong inilapag iyon sa mesa at tumayo ako sa harap nya.
" Ayesha."
" Kapag ba ibinigay ko sayo ang gusto mo, kapag nakuha mo na ako magiging masaya ka na pakakawalan mo na ako.?"
Hindi sya nagsalita nakatingin lang sya sa akin.
" Sabihin mo lang Dale para ngayon pa lang ibigay ko na ang gusto mo."
Umiling sya.
" Ayesha Kristine kapag ibinigay mo ang gusto ko hinding hindi na kita pakakawalan, akin ka na
habang buhay." Puno ng emosyong sabi nya na dahilan para magtayuan ang mga balahibo ko." Youre insane." Buong diin na sabi ko at tinalikuran ko sya. Iniwan ko sya sa sanctuary nya.
Mabilis ang mga hakbang na tinungo ko ang silid namin, pagtapat ko sa pinto at binuksan ko iyon pero naka lock, nakalimutan ko na may passcode nga pala ang silid namin at si Dale lang
ang nakakapagbukas niyon gamit lamang ang fingerprint nya.Naikuyom ko ang aking kamao. Gusto kong pagsusuntokin ang pinto at doon ibuhos ang lahat ng sama ng loob ko.
Ilang minuto na akong nakatayo sa tapat ng pinto ng silid namin pero hindi pa rin sumusunod sa akin si Dale para buksan ang pinto. Lalo lamang naragdagan ang inis ko sa kanya.Ilang sandali pa ang lumipas ng bumukas ang pinto sa katabi naming silid at lumabas si Matthew.
" Oh Yesha.. anong ginagawa mo dyan."
Nakakahiya man ay sinabi ko na ang totoo." Hinihintay ko si Dale, hindi ko kasi mabuksan ang pinto ng silid namin."
Rumehistro ang pagtataka sa mukha nya." Bakit nagpalit na ba ng Passcode si Dale, hindi na ba gumana ang fingerprint mo.?"
" Anong ibig mong sabihin.?" Nagugulohang tanong ko sa kanya.
" Sinubukan mo na bang buksan ang punto gamit ang ginger print mo.?"
Umiling ako.
" Si Dale lang naman ang nakakapagbukas nyan."
" Itry mo nga ang thumb print mo."
Alanganing idinikit ko ang right thumb ko sa sensor, nagclick ang lock ng pinto, ibig sabihin bumukas iyon.
" See... finger print nyo ni Dale ang master key sa lahat pinto sa ship na to, kahit siid namin kaya nyong buksan in just one touch."
Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya, pero mukhang nagsasabi sya ng totoo.
Finger print ni Dale automatic yun kasi sya ang may ari ng ship pero bakit pati ako at kaylan nya naman nakuha ang finger print ko.Habang nakahiga sa kama ay muling bumalik sa alaala ko ang mga araw na magkasama kami ni Dale, kung papano untiunting nahulog ang loob ko sa kanya dahil sa mga simpling bagay na ginagawa nya para sa akin.
Naalala ko ang nangyari kaninang umaga lang, ang unang araw na gumising ako na katabi ko sya, ang mga halik na pinagsalohan namin at ang mga pinagusapan namin ang akala ko yun na ang simula para maayos namin ang hindi namin pagkakaunawaan, umasa ako na mapaguusapan namin ang lahat at maitatama ang pagsasama namin na buong akala ko ay nagsimula sa isang pagkakamali pero hindi pala dahil sa simula pa lang ay naka plano na ang lahat.
Plinano ni Dale.
Baka nga pati ang pagkalugi ng kompanya namin ay kagagawan din nya planado nya para lang makuha nya ang gusto nya.
Namalayan ko na lang may mga luha ng naglalandas sa gilid ng mata ko papunta sa tainga ko dahil nakahiga ako.
Patuloy sa pag agos ang mga luha ko na hinayaan ko na pumatak sa unan ko.
Nagising ako kinabukasan na wala na si Dale o kung doon nga ba talaga sya natulog hindi ko alam.
Tulad ng mga nagdaang umaga may bulaklak uli na nakapatong sa mesa katabi ng pagkain. Subalit ng araw na yun ay may kasamang card ang bulaklak.
< I have an early meeting.
See you later. Usap Tayo.
DDM>Tama sya kailangan nga naming magusap. Ibibigay ko ang gusto nya pero sisiguradohin kong makukuha ko rin ang gusto ko.
Kasama naming nag lunch ang mga kaibigan nya, matapos kumain ay nauna kaming umalis dinala nya akong muli sa kanyang private sanctuary.
Umupo ako sa sofa bed pero sya nanatiling nakatayo habang nakatingin sa malawak na karagatan. Kahit nakatalikod sya sa akin at kahit galit ako sa kanya ay hindi ko pa rin maiwasang humanga sa tindig at tikas nya, with the olen sea inftont if him para syang isa sa anak ni posaedon.
A greek god na naka white longsleve na nakatupi hanggang ibaba ng siko at naka khaki pants.
" Tell me what you want Ayesha." Panimula nya.
Ngumiti ako ng mapakla.
" Bakit ako ang tinatanong mo. Di ba dapat ikaw ang nagsasabi kung ano ang dapat kong gawin hawak mo ako sa leeg dahil sa pagkakautang sayo ng Daddy ko. Kaya ikaw ang magsabi kung ano ang dapat kong gawin at gagawin ko kahit labag sa kalooban ko."
Humarap sya sa akin. Nakasuot sa bulsa ng kanyang pantalon ang dalawa nyang kamay.
" We will give it a try... for a year kapag hindi talaga nag work ang marrage natin sa loob ng isang taon ibibigay ko ang gusto mo. Maghihiwalay tayo at ibabalik ko ang kompanya nyo sa daddy mo plus youre fair share sa conjugal property natin as husband and wife."
" I don't want anything from you kalayaan ko at ng daddy ko lang ang gusto ko."
" Ako nagsimula nito ayon sa kagustohan ko kaya tatapusin natin to ng naayon pa rin sa kung ano ang gusto ko. "
Tumayo ako at hinarap sya.
" Okey fine... pero wag mong asahan na makikipagtulungan ako sa gusto. "
Humakbang sya palapit sa akin.
Kumabog na naman ang dibdib ko.
" Hindi mo yata narinig ang sinabi ko..." Inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko.
" We will give it a try... we... ikaw at ako... ibig sabihin gagawin ko ang tungkulin ko bilang asawa mo at gagawin mo rin ang tungkulin mo bilang asawa ko sa loob ng isang taon."
Iniipit nya sa likod ng aking tainga ang ilang hibla ng buhok na naligaw sa mukha ko Nanginig ang kalamnan ko ng dumampi ang mga daliri nya sa mukha ko.
Inilgay nya ang kamay nya sa batok ko.
" The one year starts now."

BINABASA MO ANG
SUMMER AFFAIR
RomanceSi Ayedha Kristine isang dalaga na itinakdang ipakasal ng kanyang mga magulang sa lalaking hindi nya kilala, tulad ng karamihang napasok sa ganiyong sitwasyon, nagrebelde sya ibinagay nya ang kanyang sarili sa lalaking hindi nya kilala, para isakatu...