Pagkapasok ko sa silid ko sa bahay namin ay agad kong kinuha ang cellphone sa bag ko may idinial akong numero.
Nagring ito pero hanggang sa natapos ang tawag ay walang sumasagot sa kabilang linya. Inulit ko ang tawag wala pa rin, Inulit kong muli.
"M... maam..." Sa wakas may sumagot din.
"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko.?" Naiinis na sabi ko.
"M... maam.... pasensya na po kayo."
Napansin kong nanginginig ang boses nya.
"Nagawa mo ba ang pinagagawa ko.?"
Matagal na hindi nakasagot ang kausap ko.
"Tinatanong kita nagawa mo ba ang pinagagawa ko sayo." Hindi ko itinago ang iritasyon sa boses ko.
"M...Maam...sorry po... Pero hindi ko nagawa magkaroon kasi ng problema yung mga gamit ko."
"What?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig, nanginig ang buong katawan ko nanghina ang mga tuhod ko.
"Youre kidding, right?" Pilit kong kinalma ang sarili ko. Binibiro nya lang ako.
"I'm sorry...ibabalik ko na lang yung ibinayad mo sa akin.?"
Napahigpit ang hawak ko sa phone. Napasabunot na rin ako sa ssrili kong buhok.
Paulit ulit kong sinasabi na hindi iyun totoo na nagbibiro lang ang binayaran kong tao para kunan ng Video at larawan ang mga pinaggagawa ko kagabi.
"How about the camera that we install inside the hotel room... siguro naman yun ay hindi pumalpak." Nabuhayan ako ng loob ng maalala ang camcorder na isenetup namin sa loob ng silid ng hotel na ginamit ko.
"Maam... natabig nyo po yata yung camera na inilagay natin sa may tokador kaya nahulog ito at nasira."
"Fuck!!..." Hindi ko na napigilang mapamura dahil sa frustration.
"Maam... sorry po..."
"Fuck you!" Sigaw ko sabay bato ng cellphone. Tumama ito sa dingding at nawasak.
Nanghihinang napa upo ako sa sahig.
Hindi ko matangap na nuwi lang sa wala ang lahat ng pinaghirapan ko.
Buhay at dangal ang ipinuhunan ko para lang sa plano kong pagsira sa sarili ko. Pero ano nauwi lang sa wala.
Hindi ko na alam kung ilang oras akong nakasalampak sa sahig at nakatulala sa kawalan. Gusto kong umiyak pero walang luhang lumalabas sa mga mata ko, Gusto kong magwala pero wala akong lakas na kahit ang pagtayo ay hindi ko kaya.
Gusto ko ng mamatay ng mga oras na yun. Pero puno ng takot ang puso ko.
Papano na ako...paulit ulit na tanong ko sa sarili ko.
ENGAGEMENT PARTY
Hindi ko na namalayan kung papano ako nakarating sa hotel kung saan gaganapin ang engagement party namin ng lalaking hindi ko kilala.
Basta ang alam ko lang dumating ang mga magaayos sa akin Two hours bago ang event. At para lang akong robot na sunudsunuran sa lahat ng sabihin nila.
"Ayesha ano bang nangyayari sayo.? Ayosin mo nga ang sarili mo... Party to at hindi lamay... daig mo pa ang namatayan dyan." Sita sa akin ni mommy.
Tama sya namatayan nga ako.
Namatayan ng pagasa at pangarap. Pakiramdam ko ay wala ng silbi ang buhay ko, kaya wala na akong pakialam kung anoman ang mangyari sa akin.
Nagsimula na ang Party.
Ako nakaupo lang sa isang sulok umiinom. Gusto kong magpakalasing gusto kong makalimot.
"You should stop drinking. Ayaw kong magkaroon ng lasengirang asawa." Tumigil sa gitna ang wine glass na hawak ko pagkarinig sa boses ng isang lalaki mula sa likuran ko. Hindi ko naintindihan ang sinabi nya pero Sumikdo ang dibdib ko pagkarinig sa boses nya.
May umagaw sa basong hawak ko. Paglingon ko ay iniinom nya na ang laman nito hangang sa masaid.
Pabagsak nyang inilapag sa mesa ang basong wala ng laman, saka nya hinarap ang waiter na syang nagbibigay ng alak sa akin.
"Give her another glass of wine and i will break your neck." Galit na sabi nya sa waiter na biglang tinakasan ng kulay ang mukha.
Hinawakan ako ng lalaki sa kamay at hinatak papunta sa di ko alam kung saan.
Tila may dumadaloy na kakaibang init sa mga ugat ko na nagmumula sa kamay nya na nakahawak sa akin, nagiba ang ritmo ng paginga ko.
Pilit kong inaalis ang pagkakahawak nya sa kamay ko pero hindi nya iyon pinakakawalan.
"Bitiwan mo ako." Angil ko.
Para syang walang narinig, patuloy lang sya sa paghatak sa akin.
"Ano ba... bitiwan mo sabi ako... sino ka ba.?" Medyo napalakas na ang boses ko at kasabay niyon ay ang masigabong palakpakan kaya mukhang walang nakapansin sa amin.
Biglang tumigil sa Paglalakad ang lalaki dahilan para bumanga ako sa likod nya, at dahil sa napakataas ng takong ng sapatos ko ay na out balance ako. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes ng lalaki at nahapit nya ako sa beywang kaya hindi ako natumba.
Bago pa ako makapag react ay narinig ko na mula sa speaker ang boses ng daddy ko.
"Ladies and gentlemen may i present to you The Preseident CEO of Miller Group of Company Mr. Dale Miller and his Fiancee my Daughter the CEO of Gomez Electronics Ayesha Kristine Gomez."
Bigla akong napaayos ng tayo pagkarinig sa pangalan ko.
Nagpalakpakan ang mga tao at lahat ng mata ay napunta sa akin at sa lalaking nakahawak pa rin sa beywang ko
Lalayo sana ako sa kanya pero hinigpitan nya ang hawmak sa àking beywang at iginiya ako papunta sa entablado kung saan naroroon ang mga magulang ko at ang magasawang Miller. Kilala ko sila dahil sila ang may pinakamalaking share sa kompanya namin.
Pagdating namin sa entablado ay niyakap ako ni mom at dad at ni Mrs Miller at Mr. Miller habang yung lalaki naman ay nakipag man hug kay dad at Mr. Miller at humalik sa pisngi ni mom at yumakap kay Mrs. Miller.
Sino ba sya.? Tanong ko sa isip ko. Pero bago ko pa iyon maisatinig ay muli akong hinawakan sa beywang ng lalaki at naramdaman ko na namang muli ang kuryente na gumapang sa buong katawan ko.
Iginiya nya ako palapit sa podium at para lang akong robot na naging sunod sunuran sa kanya.
Inayos nya ang mike at itinapat iyon sa bibig nya.
"Good evening everyone."
Umalingaw ngaw sa buong hall ang napakalamig nyang tinig.
"I'm Dale Miller and this beautiful lady beside me is Miss Ayesha Kristine Gomez my fiancee."
BINABASA MO ANG
SUMMER AFFAIR
RomanceSi Ayedha Kristine isang dalaga na itinakdang ipakasal ng kanyang mga magulang sa lalaking hindi nya kilala, tulad ng karamihang napasok sa ganiyong sitwasyon, nagrebelde sya ibinagay nya ang kanyang sarili sa lalaking hindi nya kilala, para isakatu...
