Wala pang dalawang minuto ay kumatok na si Dale sa nakasarang pinto ng banyo. Kinabahan ako, baka pinaalis nya agads kung sino man ang nangistorbo sa amin para nga matapos namin yung sinimulan namin.
"Sweetheart lumabas ka na dyan, nandito si Mom."
Ano daw.?
"What.?" Tanong ko mula sa likod ng nakasarang pinto.
"Ang mommy ko nandito gusto kang Makita.
Muntik na akong mapasigaw ng WHAT?? Dahil sa sinabi nya, Mabuti na lang natakpan ko ang bibig ko.
Panic attact. Inhale...Exhale....Inhale...Exhale....Kaya ko to..Mommy nya lang yan...MOMMY!!! nya lang!!!!.
"Hon...okey ka lang,?"
Isa pa tong tinamaan ng magaling na Dale na to, Kanina Sweet Kristine, tapos Sweetheart, ngayon naman Hon....Hindi nya ba alam na lalo lamang akong nenerbiyos sa mga pinagsasabi nya.
Tiningnan kong muli ang sarili ko sa salamin bago ko dahandahgang binuksan ang pinto. Suot ko pa rin ang bathrobe ni Dale na pinasuot nya sa akin kanina.
"Hello there Ayesha Darling." Masigla bati sa akin ni Mrs. Miller at agad akong sinalubong ng yakap at beso.
"Hello po." Nahihiyang bati ko rin sa kanya.
"Wow you look good...May apo na ba ako.?"
Muntik na akong mapa ubo sa tanong nyang yun.
"Malapit na sana mom kung hindi mo kami inistorbo."
Ayon naubo na ako ng tuluyan sa isinagot ni Dale kasabay ng paginit na naman ng mukha ko.
"Oh sorry about that, masyado kasi akong na excite na Makita kayo...pasensya na, mamaya nyo na lang ituloy pagkatapos ng meeting." At nginitian ako ng napatamis ni Mrs. Miller.
Gusto ko ng kainin ng lupa ng mga sandaling iyon.
"Hon, kaya mo bang magbihis ng mabilisan, naghihintay na raw kasi sa conference room ang mga member ng board."Sabi ni Dale habang nagsusuot ng pantalon, nakatalikod lang sya sa mommy nya pero nakaharap sa akin, at parang wala lang yun sa kanya samantalang ako hindi ko malaman kung saan ibabaling ang aking paningin.
Tumango lang ako, hindi ko na kasi nagawang makapagsalita, papano ba naman hinubad nya na yung bathrobe nya kaya wala na syang damit pangitaas at naghuhumiyaw ang abs nya. At hindi pa nakasara ang pantalon nya. At may something sa loob niyon na gustong kumawala.
Para ng sinisilaban ang mukha ko kaya, tumalikod ako sa para kumuha ng damit sa closet.
"Kung bakit naman kasi kailangan pang isama si Yesha sa meeting na yan, pwede naming kayo na lang para naman makapag bonding kami."
"Mom... kailangan sya sa meeting na yun, kaya nga dito ko pinatawag ang mga member ng board para ipakilala ko sa kanila ang asawa ko. If not bakit pa ako magpapatawag ng meeting, kaya kong patakbuhin ang kompanya ng wala sila."
Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi nyang iyun. Ganun ba ako kahalaga talagang yung mga member pa ng board ang pinapunta nya sa ship para lang ipakilala ako.
Dala ang damit ko ay pumasok ako sa banyo para doon magbihis, at ginawa ko iyon sa pinakamabilis na oras na kaya ko, pati pag lagay ng make-up at pagayos sa buhok ko ay minadali ko rin. Nakakahiya namang paghintayin ang mga pinaka importanting tao sa kompanya ni Dale.
Dala ang damit ko ay pumasok ako sa banyo para doon magbihis, at ginawa ko iyon sa pinakamabilis na oras na kaya ko, pati pag lagay ng make-up at pagayos sa buhok ko ay minadali ko rin. Nakakahiya namang paghintayin ang mga pinaka importanting tao sa kompanya ni Dale.
Pagpasok namin sa conference room ay nagulat ako dahil nandun din ang daddy ni Dale at ang Daddy ko.
Niyakap ako ng mahigpit ni dad.
"Dad...I miss you...si Mommy.?"
"Hindi sumama, alam mo naman yun takot sumakay ng chooper."
Ngumiti ako, naalala ko ayaw na ayaw nga pala talaga ni mom sumakay ng helekopter, pakiramdam nya raw kasi lagi yung babagsak.
"Miss ko na si Mommy."
"Miss ka na rin nun."
Niyakap din ako ng daddy ni Dale.
"kumusta anak.?"
"Okey lang po sir."
"Call me dad."
Inakbayan ako ni Dale at iniharap sa mga taong naka upo sa mahabang mesa."
"Good Morning ladies and gentlemen, bago tayo magsimula, gusto ko munang ipakilala sa inyo ang isa pang babae sa buhay ko."
Isa pang babae, ibig sabihin marami kami.
"Maliban kay mommy at sa kapatid ko na si Darlene." Pahabol nya.
Tumingin sya sa akin at ngumiti na tila ba nahuhulaan nya ang iniisip ko.
"Meet Ayesha Kristine Gomez Miller, My wife."
Bakit ba ang sarap pakingan kapag sinasabi nya yung salitang my wife kasunod ng pangalan ko.
Nagpalakpakan ang mahigit sa sampu kataong naroroon halos lahat ay may mga edad ng mga babae at lalaki. Naroon din ang mga kaibigan ni Dale.
Ipinakilala nya sa akin ang lahat ng naroroon na hindi ko kilala, pero wala akong natandaan kahit isang pangalan sa kanila.
Matapos ang pakilalanan ay naupo na ang lahat pati ang mga kaibigan ni Dale na may mga matataas na posisyon pala sa kompanya.
Katabi ko sa kabisera si Dale na dapat sana ay sa kanang side nya ako mauupo katabi ng mommy nya, pero hindi sya pumayag, ipinalipat nya ang upuan ko sa katabi nya, at dahil sa hindi naman kalakihan ang mesa kaya halos magkadikit na ang mga binti namin,
Nagsimula na ang meeting, doon ko nalaman kung gaano kalaking kompanya ang Miller international industries. Supplier sila ng ibatibang electronics at electrical supplies sa buong mundo, sila rin ang developer ng ilan sa mga electronic gadgets ng mga kilalang brand sa mundo.
Kung totoosin wala pa sa isang porsyento ang Gomez sa networth ng Miller. Kaya bakit nila pinagaksayahan ng panahon ang kompanya namin.
"Mr.President sir, Kaylan mo ba balak iabolish ang Gomez.?" Natahimik ang lahat sa tanong na yun ng isa sa mga member ng board,
Tiningnan ni Dale ng masama ang may edad ng lalaki.
"Baka gusto mong ikaw ang una kong iabolish." Galit na sabi nito.
"Itinatanong ko lang naman, kasi masyadong napakaliit ng Gomez, wala naman itong maitutulong sa atin."
May punto naman ang lalaki, pero hindi naman yata tamang hamakin nila ang kompanya namin, mismo sa harapan namin ni dad.
"Ikaw ang walang naitutulong sa kompanya ko. Kaya ikaw ang hindi ko kailangan,"
Napigil ko ang aking paghinga dahil sa tono at klase ng pananalita na ginamit nya sa matanda, kahit papano ay matanda pa rin iyon at kailangang igalang.
"Umalis ka sa harapan ko bago kita itapon sa dagat at ipakain sa mga pating." Galit na galit na sabi nya.
BIgla kong hinawakan ang kamay nya na nasa ibabaw ng mesa ng akmang tatayo sya at susugurin ang lalaki.
Naikuyom nya ang kanyang kamao tanda ng labis na pangigil.
"Calm down Daryl Dale." Mariin ngunit pabulong na sabi ng mommy nya.
Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng kanyang mukha.
Inalis ko ang kamay ko sa ibabaw ng kamay nya at inilipat ko yon sa hita nya na nakadikit sa hita kosa ilalim ng mesa. Hinaplos haplos ko yon, ewan ko pero yun ang naisip ko para papagpahinahunin sya, para kasing gusto nya ng patayin si Mr. Altamirano.
BINABASA MO ANG
SUMMER AFFAIR
RomantikSi Ayedha Kristine isang dalaga na itinakdang ipakasal ng kanyang mga magulang sa lalaking hindi nya kilala, tulad ng karamihang napasok sa ganiyong sitwasyon, nagrebelde sya ibinagay nya ang kanyang sarili sa lalaking hindi nya kilala, para isakatu...
