CHAPTER37

23.6K 661 21
                                        

Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya, bago ko pa sya makilala ay pinakikialaman nya na ang
buhay ko.

"Kung alam mo ang tungkol sa plano ko, ibig sabihin Sinadya mo na ikaw ang lalaking makuha ko ng gabing iyun." It's more of a statement than a question.

"Yes... Sinadya ko yun, mula ng malaman ko ang tungkol sa plano mo ay binantayan na kita personaly, nakasunod ako sa bawat kilos mo, at ng gabing pumasok ka sa bar na yun, ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para hindi mo maisakatuparan ang binabalak mo, hinarang ko lahat ng lalaking gustong lumapit sayo, binayaran ko ang mga tao lalo na ang mga kalalakihan sa bar na yuhn para lumipat sa ibang bar, I planned to isolate the place before you knew it, pero masyado kang persistent, kulang na lang iannounce mo gamit ang megaphone na kailangang mo ng lalaki ng gabing yun. At hindi ko kaya na panoorin ka na ginagawa mo yun,
napakahalaga mo sa akin, para hayaan lang kitang mapunta sa iba, for two years I keeping my eye on you from apart kaya hindi ako makapapayag na sisisrain mo lang ang buhay mo, lalo pat alam ko na ako ang isa sa mga dahilan, me and my selfish way to have you all for myself."

So yun pala ang dahilan kung bakit walang lumalapit sa aking lalaki at kung bakit pakunti ng pakunti ang tao sa loob ng bar ng gabing yun.

Naalala ko ang sinabi nya ng gabing iyun.

"Let me be the one."

He even tells me his name.

"Daryl....Daryl.... that's my name sweety..." Naalala ko pang sabi nya.

Ang tanga ko. Bakit ba hindi ko naisip yun, Daryl Dale ang totoo nyang pangalan. Ang mga halik at ang paraan kung papano nya ako inangkin ay walang pagkakaiba sa paraan kung papano ako inangkin ng lalaking hindi ko nakilala kaya pala noong mga unang pagkakataon na hinahalikan nya ako ay naalala ko ang lalaki na una kong pinagbigyan ng sarili ko, yun pala
dahil sa sya rin ang lalaking yun. May namuong luha sa mga mata ko.

"Bakit?" Ayan na naman ang tanong na yun.

"Bakit mo nagawa sa akin to?" Tuluyan ng kumawala ang luhang pilit kong pinipigilan.

Tiningnan nya ako ng deretso sa aking mata.

"Kasi mahal kita, una pa lang kitang nakita sa shop ni Darlene, minahal na kita, matagal bago ko yun naamin sa sarili ko, akala ko hindi totoo ang pagmamahal, pero ng makita kita nabago ang paniniwala ko.... Pero dahil nga sa gago ako, natakot akong aminin sayo ang totoo kaya sinabi kong pinakasalan kita para sa ego ko "

Puno ng emosyon ang kanyang mga mata, emosyon na pilit nyang pinipigilan.

"I love you so much Kristine, to the extent na kaya kong gumawa ng katangahan at kagagohan para lang mapasa akin ka. I'm a posissive ashole when it comes to you, aminado ako doon... but God knows hindi ko ginusto to. Ni hindi ko plinano."

Gusto kong magalit sa kanya, gusto ko syang pagsalitaan ng masasakit, pero hindi ko kaya, minahal ko na sya, at hindi ko yun pweding itangi, pero hindi ko pa sya kayang patawarin, intentionally or not he betrayed me, for almost nine months na nagsama kami, napakaraming pagkakataong na pwede nyang sabihin sa akin ang totoo disin sana nabawasan ang bigat na
dinadala ng konsensiya ko sa loob ng siyam na buwan sa pagaakalang ipinakargo ko sa kanya ang responsibelidad sa anak ko na hindi naman dapat sa kanya, yun pala he has all the right to be responsible with me and my son who is hes sons also.

Sa isang linggong pananatili ko sa hospital ay hindi ko sya kinakausap at pinapansin.

Subalit hindi man lang sya nagsawang pagsilbihan ako, hindi sya pumapasok sa opisina para lang bantayan ako at ang anak namin, kapag may mga importante syang papeles na
kailangang pirmahan ay ipinadadala nya na lamang sas mga kaibigan nya sa hospital para doon nya ireview at pirmahan.

Sa tuwing umiiyak si Kristian ay nauuna agad syang lumalapit dito para tingnan ito kung kailangang ng palitan ng diaper o kailangang padidihin, at kapag kailangang itong isayaw at ipaghili sya ang lagging gumagawa noon, ni hindi nya ako hinayaang mapagod sa pagaalaga sa anak namin kasi personal nya yung ginagawa kahit pa may kinuha syang personal nurse/yaya
para sa anak namin.

Ng makalabas na kami ng hospital ay hindi ako tumango ng sa bahay namin nya kami iuwi, ayaw ko naman kasing umuwi sa bahay namin kasi baka makahalata ang parents ko na may
problema kami ni Dale, ang alam kasi nila ay maayos na ang relasyon namin.
Kung gaano ako ka cold sa kanya sa hospital ay ganun pa rin ako pagdating sa bahay, pero aaminin ko miss na miss ko na sya, yung mga yakap at halik nya.

Sa gabi ay sa nursery room ng anak namin ako natutulog, itinatabi ko sa pagtulog ang anak ko.

Yung kanyang dalawang yaya ay sa sariling kwarto nila natutulog at kagustohan ko yun, hands on mom ako sa anak ko lalo na sa gabi.

Si Dale magisang natutulog sa kwarto namin, ako pumapasok lang ako dun para maligo at magbihis.

Halos isang buwan ng ganun ang set up namin ni Dale, lalabas ako ng nursery kapag sigurado akong wala na sya tapos sa gabi naman bago pa sya dumating ay nagkukunwari na akong
natutulog, pagkarating nya dederetso sya sa nursery, lalaruin sandali ang anak namin kung gising ito, kung hindi naman ay hahalikan lang ito sa noo bago lalapit sa akin at ako naman ang
hahalikan sa noo, tapos lalabas na sya at papasok sa masters bedroom, kung minsan nagigising ako sa kalagitnaan ng gabi na nakikita ko syang nakaupo sa gilid ng kama namin ni baby Kristian at pinapanood kami habang natutulog, bakas ang lungkot  at paghihirap ng
kanyang kalooban sa kanyang mukha, at hindi ko maiwasang makaramdam ng awa sa kanya.

Subalit nasasaktan pa rin kasi ako dahil sa ginawa nya.

First month birthday ni Baby Kristian, nag handa ako ng kunting salo-salo, tinawagan ko ang parents nya, sina mommy at daddy, si Darlene at mga kaibigan nya.

Magiisang lingo na syang wala kasi nagka problema ang MIEC pinigilan ko ang sarili ko na tawagan sya kahit gustong gusto kong pauwiin sya para icelebrate ang espesyal na araw na
yun na kasama sya.

Buong magdamag kong pinagisipan kong tatawagan ko ba sya o hindi, sa huli nanaig pa rin ang pride ko. Ngunit pagkagising ko sa umaga ay agad akong nag post sa facebook ng larawan ni baby Kristian na may caption na.< Happy birthday Baby KRISTIAN DARYL wish youre dad was her to celebrate with me this special day. I love you Baby > Tinitigan ko muna ng matagal ang itinype kong caption, I have something in mind na gusto kong idagdag, kaya lang wala akong
lakas ng loob na itype yun.

Pumikit ako ng mariin, pinakinggan ko ang tibok ng puso ko.

Kusang gumalaw ang mga daliri ko sa keyboard ng laptop, writing the words < MISS YOU DADDY > then itinag ko ang post ko kay Dale pag ka pindot na pagkapindot ko sa post botton ay isinara ko na ang laptop ko, ayaw ko ng alamain kung ano ang magiging reaction ni Dale sa post ko.

SUMMER AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon