/AN/ Hello po. Gusto ko lang malaman kung nababasa nyo po ba ang chapter 6&7 hindi ko kasi makita ang # of reads & votes sa two previous chapter. please let me know nag wowory kasi ako na baka hindi nyo naman nakikita titigil na muna ako sa pag update at baka nahihirapan na sa akin si Mr. watty./
Sino ba talaga sya.? Bakit kaya nyang pasunurin lahat ng tao sa kagustohan nya.
Yun ang tanong na naglalaro sa isip ko habang pinagmamasdan sya mula sa kinauupuan ko sa isang bahagi ng private jet na maghahatid sa amin sa France kung saan naghihintay daw ang ka meeting nya.
I can't belive it.
Mula sa simbahan ay nagmamadali nya akong kinaladkad pasakay sa bridal car na syang naghatid sa amin sa airport. Ayaw ko sanang sumama pero tulad ng sinabi ko kaya nyang pasunurin sa kagustohan nya ang lahat ng tao. Pati ako.
Nakasuot pa ako ng wedding gown samantalang sya ay tinangal lang ang coat nya at nagsimula na syang magtrabaho sa harap ng kanyang laptop.
Nakapwesto sya sa isang office table na nasa isang sulok ng silid na kinaroroonan namin sa loob ng eroplanong pagaari nya.
Nakaharap sya sa akin pero parang hindi nya ako nakikita kasi nakatutok nga sya sa kung anomang ginagawa nya sa laptop nya.
Hindi ko na napigilang haplosin ang binti ko na nangangati na talaga dahil sa gown na suot ko. Hindi naman ako makapag bihis kasi wala akong dalang gamit maliban sa isang maliit na traveling bag na puro hygiene product at undies ko ang laman. Na alam kong ang mommy ko ang naghanda kasi sya lang naman ang may acces sa mga personal kong gamit sa loob ng silid ko, kung pwede ko nga lang syang sitahin kung bakit yun lang ang ipinadala nya sa akin ay ginawa ko na kaso kahit cellphone ay wala ako...
Tumayo si Dale mula sa pagkakaupo binuksan nya ang isang kabinet na nasa side ng kama may kinuha syang bestida doon at iniabot iyon sa akin.
"Magbihis ka... gamitin mo muna yan pagdating na lang ng France tayo mamimili ng damit mo."
Tiningnan ko ang damit, kakasya yun sa akin alam ko.
"Kanino yan.?" Tanong ko sa kanya na hindi kinukuha ang damit.
"Ewan ko. Marahil sa isa sa mga girlfriend ng mga kaibigan ko na nanghihiram nitong plane naiwan dito."
Bigla akong nakaramdam ng inis sa sa sinabi nya.
"Ayaw ko nyan, malay ko ba kung sa babae mo yan na isinakay mo dito at naiwan yan matapos mong hubarin sa kanya." Naginit ang mukha ko ng marealize ko kung ano yung lumabas sa bibig ko.
"Of course, not... wala akong dinadalang babae dito sa silid na to. Ikaw pa lang."
Lalong naginit ang mukha ko sa sinabi nya.
"Bahala ka nga sa buhay mo magtiis kang mangati dyan sa suot mo." At tinalikuran nya na ako at bumalik syang muli sa mesa nya. Yung damit basta nya na lang itinapon sa kama.
Tumayo ako at kumapit sa kabinet kung saan nya kinuha ang damit, ako na mismo ang naghanap ng damit na isusuot ko.
May mga longsleeve doon na na naka hanger. Kumuha ako ng isa.
"Kanino to.?" Tanong ko sa kanya.
Tiningnan nya ang hawak ko.
"Sa akin."
"Pahiram."
At pumasok na ako sa banyo na nasa loob din ng silid.
Kompleto sa gamit ang loob ng banyo, may shower, jacuzi at bathtub pa ito.
Parang gusto ko sanang magbabad sa bathtub pero naisip ko baka pasukin nya ako sa loob kapag nagtagal ako, kaya mabilis na lang akong nagshower at nagbihis.
Nakaramdam ako ng pagkailang ng makita ko ang suot ko, umabot lang kasi sa gitna ng hita ko ang longsleeve ni Dale at wala akong suot na shorts, pero wala akong magagawa kaysa naman buong byahe akong mangati dahil sa gown.
Paglabas ko sa banyo ay may lalaking Flight Atendant na nagseserve ng pagkain sa mini dining table habang si Dale ay nakatotok pa rin sa laptop nya.
Nakita kong napatingin sa akin ang FA, lalo akong nakaramdam ng pagkailang.
"Stop staring at my wife or I"ll gonna kick youre ass out of this plane."
Kahit ako ay nagulat sa malakas na boses ni Dale na umalingawngaw sa buong silid.
Biglang namutla ang FA at yumuko ito sa galit na galit na asawa ko.
Yes, asawa ko na sya, yun ang masaklap na katotohanan.
"I'm s... Sorry sir." nanginginig na sabi nito.
"Get out... and i don't wanna see youre face in any of my plane."
Mabilis na tumalima ang FA. Nakaramdam ako ng awa sa kanya.
"Bakit mo naman ginawa yun.?" Sita ko kay Dale.
"He's eye raping you."
Naginit ang mukha ko sa sinabi nya.
"what? ang OA mo naman Eye Raping agad di ba pweding napatingin lang.?"
Tumayo sya at naglakad palapit sa akin.
Ayan na naman ang malakas na kabog ng dibdib ko.
"Napatingin lang Sa katawan mo lalo na sa mga hita mo..." Pinasadahan nya ako ng kakaibang tingin mula ulo hanggang paa.
"Kristine lalaki rin ako, alam ko yung pagkakaiba ng simpleng tingin at yung tinging may pagnanasa." Inilapit nya ng husto sa may mukha ko ang mukha nya.
"And I'm telljng you ang sinomang lalaking titingin sayo tulad ng klase ng tingin sayo ng FA na yun ay pipilipitin ko ang leeg at dudukutin ko ang mata, dahil ako lang may karapatang tumingin sayo ng ganun. "
Lalong naginit ang mukha ko sa sinabi nya.
"Youre insane."
"No, I'm not. I'm a possisive husband Kristine. Youre mine now and mine alone." Puno ng diing sabi nya, na dahilan para magtayuan ang mga balahibo ko.
"Let's eat... Alam kong nagugutom ka na at nagugutom na rin ako." Sabay layo ng mukha nya sa akin at hakbang palapit sa nakahandang pagkain.
"Hindi ako nagugutom." Pagsisinungaling ko, kahit ang totoo ay kagabi pa akong walang kain and its already 4:00pm."
"Kakain ka at sasabayan mo ako. "Mariing sabi nya. Kapagka ganun ang tono ng pagsasalita nya ay nakakatakot sya. Para kasi sya yung tao na oras na hindi mo sinunod ang gusto nya ay may mangyayaring masama sayo.
Napilitan akong umupo sa upuang hinila nya para sa akin.
Ng makaupo na ako ay umupo naman sya sa upuang kaharap ko.
Kumuha sya ng kanin at ipinaglagay ako sa plato ko.
"Akona." Sabi ko.
Pero parang wala syang narinig. Pagkatapos nya akong lagyan ng kanin ay isinunod nya naman ang beef steak na paborito ko.
"Eat." Sabi nya.
Tahimik kaming kumain na walang palitan ng anomang salita.
![](https://img.wattpad.com/cover/84691004-288-k7835.jpg)
BINABASA MO ANG
SUMMER AFFAIR
RomanceSi Ayedha Kristine isang dalaga na itinakdang ipakasal ng kanyang mga magulang sa lalaking hindi nya kilala, tulad ng karamihang napasok sa ganiyong sitwasyon, nagrebelde sya ibinagay nya ang kanyang sarili sa lalaking hindi nya kilala, para isakatu...