Isang masigabong palakpakan ang pumailanlang na syang pumutol sa mainit na halik na pinagsasalohan namin.
Pagdilat ko ay napadaku ang mata ko sa loob ng opisina nya kung saan naroroon ang isang grupo ng kalalakihan na halos mga kasing edaran lamang ni Dale, maliban sa dalawang lalaki na medyo may katandaan na.
Naginit ang mukha ko, kaya alam ko na namumula ako ng husto.
Kinabig Ni Dale ang ulo ko at idinikit ang mukha ko sa malapad nyang dibdib.
Hindi nya inalis ang mahigpit na pagkakayakap sa akin.
"Yan yung hinihintay ko kanina sa simbahan, kaya naman pala walang You may Kiss the bride doon, kasi gusto nyo dito sa Paris Gawin."
Hindi ko Tiningnan kung sino ang nagsasalita, nahihiya kasi talaga ako.
"Syempre naman para mas romantic. Di ba tol.?' Sabi naman ng isa pa.
"Shut the fuck up...ang iingay nyo, magsilabas nga muna kayo, may meeting pa kami." Saway sa kanila ni Dale na nakayakap pa rin sa akin.
"Not so fast Bro...ipakilala mo muna kasi sa Mrs, Daryl Dale Miller." Ibang boses naman ang nagsalita.
"Mamaya na. lumabas na muna kayo, saglit lang tong meeting na to."
"Promise yan ha, wag mo syang itatakbo sa amin."
"OO na labas na." Iritabling sabi nya sa mga kausap.
Naramdaman kong nagsipagkilosan ang mga tao sa loob kasunod ang mga yabag palabas ng pinto.
Ng maramdaman kong wala na kaming kasama sa loob ay saka lang ako nagangat ng mukha.
Sisitahin ko sana sya sa ginawa nyang paghalik sa akin ng mapansin kong naiwan ang dalawang lalaking may edad na.
Lalayo sana ako sa knaya, pero hinigpitan nya ang hawak sa beywang ko at iginiya ako papunta sa swivel chair nya at doon ako pinaupo.
"Gentlemen, this is my wife, Ayesha Kristine Gomez-Miller, Kristine this is attorney Lopez our company lawyer and this is Mr. Clarkson, the vice president of Miller International,
Nakipagkamay sa akin ang dalawang lalaki.
Wala ng anomang seremonyas pa ay sinimulan na ni Dale ang meeting, tungkol iyon sa paglipat sa akin ng posisyon ni Mr. Clarkson as VP, ipinaliwanag nya na kaya ginawang madalian ang transition ay sa kadahilanang, hiniling ni Mr. Clarkson na aprobahan na ni Dale ang kanyang Retirement dahil sa kailangang nya ng maoperahan sa puso sa lalong madaling panahon.
Pagkalabas na pagkalabas ng dalawang matandang ka meeting namin ay agad na nagsipasokan ang mga kaibigan ni Dale, nagtatawanan ang mga ito.
"So pano yan tol ipakilala mo na kami sa kanya." Nakangiting sabi ng medyo tsinitong lalaki na umupo sa visitors chair na nasa harap ng mesa ni Dale, habang si Dale naman ay nakaupo sa gilid ng kanyang mesa paharap sa akin. Itinagilid nya ang kanyang katawan para tingnan ang mga kaibigan nya.
" Ang kukulit nyo. " Reklamo nito.
" Alam nyo guys dapat siguro hayaan na muna natin sila kasi First night nila ngayon. In other words, honeymoon, Kailangan na nilang pumunta sa cruise ship kung saan nila gagawin ang kanilang pulot gata." Seryoso ngunit nakangiting sabi naman ng may pagka mistizong kaibigan niya.
Sinang-ayunan ng lahat ang sinabi nito.
Naginit ang mukha ko dahil sa pinauusapan nila.
"Mga gago akala nyo naman hindi kayo kasama."
"Eh talaga namang kasama kami kasi magtatrabaho kami para mas lumaki ang kita ng negosyo natin eh ikaw ibang trabaho ang gagawin mo dun magtatrabaho ka para mag karoon ng taga pagmana ang MIEC."
Kulang na lang ay isubsub ko ang mukha ko sa mesa para itago ang pamumula niyon. Ang akward kasi talaga ng pinaguusapan nila.
" Shut up.!" Mariing sabi ni Dale. Kinabig nya ang upuan ko papunta sa gilid nya.
Iniangat nya ang mukha ko at hinalikan ako sa noo.
Sabay bulong...
" Don't mind those idiotic morons."
Muntik na akong maubo dahil sa sinabi nya. Ngumiti sya at hinawakan ang kamay ko at tumayo sya sa tabi ko paharap sa mga kaibigan nya.
Ayan naman ang eratikong pagkabog ng dibdib ko.
" Wife they are my friends, Si Matthew, Reymark, lemuel, Bernanrd, JR, and Renmer.... Guyz this is my wife Ayesha Kristine Miller. Wag nyo syang kakantihin kung ayaw nyong humiwalay ang kaluluwa nyo sa katawan nyo."
" Whoaa... possisive jerk." Sabi ni Matthew.
Isa isang nakipag kamay sa akin ang mga kaibigan nya pero si Renmer lumapit sa akin para yumakap at humalik sa pisngi ko.
Bigla syang binatokan ni Dale.
" Kasasabi ko lang."
" Sobra ka winiwelcome lang naman namin sya sa grupo." Relamo nito.
" Palusot mo."
Nagkatawanan ang grupo.
Napangiti na rin ako kasi nakakatuwa naman talaga sila.
Pito silang magkakaibigan kasama na si Dale. Lucky seven yun daw sila. And they have one thing in common. Mga gwapo sila.... no... sobrang gagwapo nila. At mukhang mga matatalino rin.
Tumunog ang intercom sa ibabaw ng mesa ni Dale.
Pinindot nya iyon.
" Yes.?"
" Sir Nakahanda na po ang chooper na maghahatid sa inyo sa DM Cruise."
Sabi ng isang babae.
" were ready to go."
Inalakayan nya akong makatayo. Hindi nya na binitiwan ang kamay ko kahit anong hila ko dito.
Nauna ng lumabas ang mga kaibigan nya at sumunod kami.
Bahagya kong hinila ang kamay nyang nakahawak sa akin para tawagin ang atensiyon nya.
" Dale..."
" Yes.?" At nilingon nya ako.
" Saan tayo pupunta.?"
" Sa cruise ship na pagaari natin at maglalayag tayo for a month."
" What...? Wala ako dalang damit." Tumigil ako sa paglalakad kaya tumigil din sya.
" Don't worry naipaghanda na kita ng buong wardrobe mo sa ship... and its all brand new may nakakabit pang itikita baka kasi sabihin mo na naman sa mga babae ko."
Hindi ko alam kung imagination ko lang ba yun pero nakita kong may sumilay na ngiti mula sa kanyang labi, bago kami nagpatuloy sa paglalakad papunta sa elevator.
Nauna na sa loob ang mga kaibigan ni Dale inihold lang nila iyon para sa amin.
Papasok na sana kami ng may babaing nagmamadaling lumapit sa kanya.
"Dale i miss you."
Bigla nyang niyakap si Dale at hahalikan nya sana ito pero naiiwas niya ang kanyang mukha.
" Romelyn... anong ginawa mo dito.?
" Gusto ko lang malaman kung totoo ba yung nasa balita... na ikinasal ka na raw... hindi naman totoo yun di ba.?" Parang batang sabi niyo na nakayakap pa rin kay Dale. At itong si Dale naman ay hindi man lang sinaway ang babae at ang ikinaiinis ko ayaw nyang bitiwan ang kamay ko habang nakikipaglandian sya sa ibang babae.
Bigla kong pinisil ng malakas ang kamay nya dahilan para mapalingon sya sa akin at bigla nyang itinulak ang babae.
" Totoo yun Ikinasal na ako." Sabi nya sa babae.
" Meet my wife." At itinuro nya ako gamit ang ulo.
" Excuse us." At tinalikuran na namin ito nag ganun ganun na lang.
BINABASA MO ANG
SUMMER AFFAIR
RomanceSi Ayedha Kristine isang dalaga na itinakdang ipakasal ng kanyang mga magulang sa lalaking hindi nya kilala, tulad ng karamihang napasok sa ganiyong sitwasyon, nagrebelde sya ibinagay nya ang kanyang sarili sa lalaking hindi nya kilala, para isakatu...