CHAPTER 6

21.2K 619 6
                                    

Halos mabingi ako sa sinabi nya. Nanginig ang aking buong katawan kasabay ng paginit ng mukha ko.

Hindi ako makapaniwala this Greek god beside me is my fiance.

Yes. Kahit hindi ko pa sya nakikita ng lubusan i can already tell that he is such agood looking man.

Ang bilis ng kabog ng dibdib ko lalo na ng kabigin nya ako palapit sa kanya dahilan para magkadikit ang mga katawan namin.

"I would like to thank you all for being with us to celebrate our engagement, and witnessed the merger of the two companies the Miller and the Gomez."

"Tonight, the two companies will become one and will be known as MILLER INTERNATIONAL ELECTRONICS COMPANY.  I being the President CEO of Miller will take over thr MIEC and Miss Gomez here will be My Vp and My Assistant who will help me in every posible way she can."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sinabi nya, ako si Ayesha Gomez ang CEO ng Gomez Electronics ay baba sa aking posisyon at magiging Assistant na lamang ng lalaking ito.

NO WAY.!! kahit nagmula pa sya sa Olympus.

" what happen dad.?" Pinilit kong magpakahinahon kahit pa nagpupuyos ang damdamin ko.

Nasa isang silid kami sa hotel na pinsgdaraosan ng party. Dito ako dinala ng mga magulang ko ng bulongan ko sila na gusto ko silang makausap matapos ang nakakagulat at nakakagalit na rebelasyon ng isang Dale Miller tungkol sa engagement namin, at sa magiging posisyon ko sa mismong pagaari naming kompanya.

"Anak yun ang mas makakabuti para sayo at para sa kompanya."

"Bullshit!" For the first time, ay nagmura ako sa harap ng mga magulang ko. I always had been a good daughter to them but not this time.

" Buong buhay ko ay inilaan ko sa kompanyang ito, hindi ako makapapayag na mawala ito sa akin ng ganunganun na lang."

May pumatak na butil ng luha mula sa mga mata ko. Hindi ko na napigilan ang emosyon ko.

"Hindi naman mawawala sayo ang kompanya, actually mas lalaki pa nga ito kasi nakipagisa na tayo sa Miller alam mo naman siguro kung gaano kalaking kompanya ang Miller." Mahinahon ngunit may diing paliwanag ni dad.

"The hell i care. dad pumayag ako sa gusto mo na makasal ako sa lalaking ni hindi ko kilala kahit wala kayong ibinibigay sa aking dahilan maliban sa para yun sa ikabubuti ko at sa kompanya, tapos ganito pala ang mangyayari, sa papanong paraan ba ito makakabuti sa kompanya at lalo na sa akin.?" Patuloy sa pagpatak ang mga luha ko, si Mommy nakikisama rin sa pagluha ko sa isang sulok.

"Ikaw pa rin naman ang magpapatakbo sa Gomez."

"Under the supervision of some idiotic moron whom i don't even know." Putol ko sa sinasabi ni dad.

"Watch your language Ayesha hes going to be youre husband."

"No... i will not marry him... he can have the company for all i care, pagkatapos ng ginawa nyo sa akin. Wala na akong pakialam. Alisan mo ako ng mana, itakwil nyo ako, kamuhian nyo ako bahaLa kayo. Pero hinding hindi ako magpapakasal sa lalaking yun.!"

"Hindi mo pweding gawin yan Ayesha... magpapaksal ka sa kanya sa ayaw at sa gusto mo."

"Kayo ang magpakasal sa kanya kung gusto mo, pero ako mamatay muna ako bago ko sundin ang gusto nyo."

Marahas kong tinalikuran ang mga magulang ko, pero ganun na lang ang gulat ko ng makita ko ang lalaking pinaguusapan naman na nasa may pinto at mukhang kanina pa sya roon.

"Not so Fast Sweet heart."

Halos magtayuan ang balahibo ko sa itinawag nya sa akin.

"Iwan nyo kami, ako ng bahalang makipagusap sa kanya." Pautos na sabi nya sa mga magulang ko.

"Dale aayosin ko ito... Magpapakasal sya sayo, bigyan mo lang ako ng panahong makausap sya ng masinsinan please." Tila nakikiusap na sabi ni Dad.

Napakunot ang noo ko, kaylan pa natutung makiusap ang Daddy ko.

"Dale please be gentle on her."

"Shes mine Mr. Gomez, so i can do whatever i want with her. Leave us alone." Ma awtoridad na sabi nya.

Parang mga batang sumunod ang mga magulang ko sa lalaking tinawag nilang Dale.

Susunod sana ako sa kanila pero bigla ako nitong sinaklit sa braso.

"Saan ka pupunta? Narinig mo naman siguro ang sinabi ko. Maguusap tayo."

" Wala tayong dapat pagusapan. Bitiwan mo ako."

Pilit kong inaalis ang pagkakahawak nya sa akin.

" Maguusap tayo o parepareho kayong pupulutin sa lansangan ng mga magulang mo."

Tiningnan ko sya ng masama.

"Hindi ako nagbibiro Miss Gomez. You have nothing ikaw at ang pamilya mo.... Ang kompanyang ipinagmamalaki mo ay pagaari ko, ang bahay na tinitirhan nyo ay akin ang lahat ng ari arian nyo ay akin. lahat ng meron kayo ay akin at kahit ikaw ay pagaari ko, ang idiotic moron na sinasabi mo."

"What... Youre insane."

"I'm not."

May tinawagan sya sa celphone nya.

"Bring him in." Sabi nya sa kausap at agad ding ibinababa ang phone.

Bumukas ang pinto at pumasok doon si Attorney Madrigal ang Company at family lawyer namin.

"Attorney."

" Magandang gabi sayo Miss Gomez Mr. Miller."

"Show her the documents attorney. and explain it to her."

Prenting naupo sa pangisahan sofa si Mr. Miller habang naupo naman sa mahabang sofa si attorney, binuksan nito ang kanyang atache case at may iniabot ito sa aking dokumento.

Paulit ulit kong binasa ang dokumento subalit wakang pagbabago sa laman niyon.

Billion ang kagkakautang namin kay Dale Miller take note kay Dale mismo at hindi sa kompanya nya.

Gaano kalaki.?

Kahit pagsama samahin pa ang share namin sa kompanya at mga asset namin pati mga saving namin sa bangko at mga real properties ng buong pamilya namin ay hindi kakasya iyon para pambayad sa pagkakautang namin.

"Attorney papano nangyari to.?" Nagugulohang tanong ko.

" Bago pa man ibigay sayo ng daddy mo ang pamamahala ng Gomez ay matagal ng palubog ito., Napakahalaga para sa Daddy mo ang kompanya kaya ginawa nya ang lahat para lang maiahon ito. At si Dale ang naglabas ng pera para maisalba ang kompanya, kapalit ng kasunduang kapag hindi nakabayad sa takdang panahon ang daddy mo ay kukunin nya ang kompamya at lahat ng ariarian nyo at ipapakasal ka sa kanya."

Hinarap ko ang lalaki na naka dikuatro at nakatingin sa akin.

"Bakit pati ako kasali sa lintik na kasunduang yan... Mr. Miller wala akong kaalam alam ng ginawa nyo ni Daddy ang kasunduang yan kaya hindi ko obligasyong tuparin ang kung anomang napagkasunduan nyo na may kinalaman sa akin."

Kulang na lang ay ihampas ko sa mukha nya ang mga papel na hawak ko.

"Pwede mo rin namang hindi tuparin ang kasunduang yan, pero sisiguradohin kong mawawala sa inyo ang lahat at makukulong ang daddy mo."

SUMMER AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon