CHAPTER34

20K 634 10
                                        

Pagpasok ko sa opisina nya ay nanoot agad sa ilong ko ang pamilyar na amoy nya, lalo ko tuloy syang na miss.

Agad kong iniopen ang desktop nya at nag online. Itseneck ko kung naka online sya, offline sya kaya naisipan ko na lang na mag fb naisipan ko sanang gumawa ng bagong account kaya lang
tinamad na naman ako, kaya sinubukan ko na lang uling gamitin ang account ni Dale, nagbaka sakali akong baka hindi pa nya pinapalitan ang password nya.

At napangiti ako ng mabuksan ko iyon.

Hindi nya pa rin pinapalitan ang password nya. Ayeshakristine143
Nagpalit sya ng profile pic, larawan namin yun na kuha noong 5 months pa lang ang tiyan ko at hindi pa masyadong kalakihan, nakaupo ako sa upuan sa harap ng tokador nakataas ang damit ko at nakalabas ang may kaumbokan ko ng tiyan, nakaluhod sya sa harap ko habang yakap yakap ako sa beywang at hinahalikan nya ang tiyan ko.

Tanda ko ang larawan na yun si Darlene ang kumuha nun, inutusan sya ni dale, sa baba ng larawan ay may naka sulat na it’s a boy.

Mukhang hindi lang ako ang natuwa sa larawang yun dahil napakaraming like at comments naka tag kasi yun sa parents nya kay Darlene, sa mga kaibigan nya at MIEC fb page.

Marami pa syang mga update at post na tungkol sa pagbubuntis ko, dinaig nya pa ako kung maka gamit ng social media. At masayang masaya ako dahil doon ramdam na ramdam ko kasi
na sya talaga ang ama ng ipinagbubuntis ko at hindi ang kung sinomang lalaki na hindi ko kilala.

Napansin ko rin na wala ng mag nag memessage sa kanyang mga babae, mga kaibigan at kapamilya nya na lang. at halos lahat ay iisa ang sinasabi congratulation sa amin.

Naisipan kong gumawa ng bagong fb account, medyo sinipag kasi ako ng makita ko ang mga post nya, gusto ko ring gauahin sya at gusto ko rin na mag like at mag comment sa mga post
nya.

Madali lang naman sya kaya ilang minute lang ay nakagawa na ako, nagahanap ako sa mga naka save nyang larawan namin sa computer nya, larawan namin na magkasama ang napili kong profile pic, then nag send ako ng friend request sa kanya kay Darlene na agad nitong inaaccept at sa mga kaibigan nya si renmer lang ang naka online, pero maya maya lang
nagsunuran na yung iba.

May mga nagpost na rin sa timeline ko.
Isa na roon si Darlene.

<Welcome to the teke world my friend, akala ko naiwan ka na nga tuluyan sa stone ages.>

Renmer
<Sa wakas lumabas ka rin sa lunga na pinagkulungan sayo ng asawa mo> at itinag nya yun kay Dale. >

Maya Maya pa ay si Dale na ang naka online.

Daryl Dale
<I miss you so sweetheart I love you very much>

Kumabog ng husto ang dibdib ko dahil doon.

Naglike agad ang mga kaibigan ni Dale sa post nya sa timeline ko.

At nag comment,

Renmark
<Sh!t bro, ang baduy mo.>

Matthew
<I-tokhang na yan…. basag na naman si boss.>

Nagcomment na lahat ng kaibigan ni Dale at lahat pangaasar sa kanya.

Nagtype ako ng status update.
In bold letter.

#missing you
I MISS YOU AND I LOVE YOU TOO DARYL DALE MILLER, uwi ka na please. Then heart emoticon.

And I hit the post botton.

Ang bilis ng kabog ng dibdib ko, first time kong magsasabi sa kanya ng I love you too at sa social media pa kung saan pweding makita at mabasa ng libu libong tao.

Ang dami agad naglike at nag comment pero hindi ko iyun pinansin, may hinihintay akong like at comment, ngunit lumipas ang ilang minuto wala hindi man lang nagreact si Dale.

Para akong binagsakan ng langit.
Sinabi ko na lang sa sarili ko na busy na siguro sya.

Ilalog out ko na sana ang account ko ng may lumabas na notification.

Binuksan ko iyun.

Renmer Suarez tag you in a post.
Iniopen ko yung ipinost ni renmer.
Video yun ni Dale sa loob ng opisina, una nakatingin lang sya sa laptop nya na para bang may seryosong tinitingnan ito doon, tapos mabilis syang tumayo mula sa swivel chair nya tumingin sya sa camera na alam kong cellphone ni Renmer.

“Ikaw na munang bahala rito, matthew call the chopper renmark tawagan mo ang mga piloto ko,
tell them lilipad kami pabalik ng Pilipinas ngayon din.” Tila natatarantang utos nya sa mga
kaibigan nya.

Tumakbo na sya palabaas ng opisina nya at doon na natapos ang video.

May caption na nakabit sa video.
<After five hours expect him inside youre room Mrs. Ayesha Kristine Miller>
May narinig akong pagkatok sa pinto.
“Come in” sigaw ko.

Pumasok ang private nurse ko na kinuhana ni dale para magalaga sa akin kapag wala sya.

“Maam tumatawag po si Sir, hindi nyo raw po sinasagot ang phone nyo.”

“Naiwan ko sa taas ang phone ko.”

Iniabot nya sa akin ang phone nya para makausap ko si Dale,

“Hello D-Dale..” nauutal pang sabi ko.

“Hello sweetheart, pauawi na ako, wait for me and don’t you dare take back what you said on that post.” Hinihingal pa sya mukhang kagagaling ntya lang sa pagtakbo.

Naginit ang mukha ko pero hindi maalis ang ngiti sa labi ko.

‘Okey… I’ll wait for you…..I love you.”

“Say that again my sweet Kristine.” Kahit hindi ko sya nakikita alam kong nakangiti sya.

“I love you Daryl Dale Miller.” Nilakasan ko na ang boses ko.

“And I love you more Mrs, Miller.”

At doon na nagsimula ang mas lalong naging maligaya naming pagsasama.
Hinding hindi kami nagsasawa na sabihin at ipadama kung gaano namin kamahal ang isat isa.

SUMMER AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon