Hinintay kong sumbatan ako ni dale gusto ko mauna syang magtanong sa akin, gusto kong sya ang magbukas ng usapan tungkol sa kundisyon ko, hindi ko kasi alam kung saan magsisimula.
" Hon please talk to me. Ano bang nararamdaman mo, gusto mong kumain, tell me kahit anong gusto mong kainin at ipahahanda ko."
Lalo lamang akong sinusundot ng konsensiya ko dahil sa ipinapakita nyang pagaalala sa akin, at wala akong makitang pagkukunwari sa ikinikilos nya. Totoong totoo iyun.
Gusto kong maiyak. Hindi ko kayang lokohin sya. Lalo na ang gamitin.
Inalis ko ang nakapulopot sa aking kumot at Pinilit kong bumangon kahit nanghihina pa ako at umiikot ang paningin ko.
Mabilis nya akong inalalayan.
Hinwakan nya ako sa beywang, gusto kong alisin ang kamay nya na nakahawak sa akin, nandidiri ako sa sarili ko.
"Don't touch me please." Nanghihinang sabi ko sa kanya.
Tumingin sya sa akin alam kong hindi nya naintindihan ang ibig kong sabihin.
"Wag mo akong hawakan, marumi ako, nakakadiri." Garalgal ang tinig na sabi ko. Pero pilit kong pinipigilan ang mga luha na gusting kumawala mula sa mga mata ko.
"Kristine, ano bang pinagsasabi mo.?"
"wag na tayong mag plastikan dito, tell it straight Dale, alam ko kung ano ang iniisip mo sa akin ngayon, masama akong babae, hindi ako karapatdapat sayo, I'm a whore."
"What are you saying Kristine, saan mo ba napulot ang ideyang yan.?" May galit sa tono ng pananalita nya.
"Wag ka ng magkunwari, alam ko na, narinig ko kayo. Buntis ako at alam mo na hindi ikaw ang ama, five weeks, Kaylan lang ba tayo nagkakilala a month ago." May panguuyam na sabi ko, hindi para sa kanya kundi para sa sarili ko.
"Five weeks ago."
"Exactly, a day before our engagement party, may nangyari sa amin ng hindi ko kilalang lalaki at hindi nya ako Pinilit kasi ako ang nangakit sa kanya, ibig sabihin ginusto ko ang nangyari sa
amin, nakipagtalik ako sa lalaking kahit mukha ay hindi ko nakita... and now I'm pregnant with his child. Ganun ako karumi Dale, I don't deserve you."
Lumapit sya sa akin sobrang lapit na halos maamoy ko na ang mabango nyang hininga.
Hinawakan nya ako sa baba at pinatingala ng bahagya para magtama ang mga mata namin.
"Don't ever say those words again, hindi ka masamang babae, hindi ka marumi and above all that youre not a whore, you are my sweet innocent Kristine tandaan mo yan."
Matagal kaming nagtitigan I can see sencerety in his eyes.
"And one more thing ako ang ama ng ipinagbubuntis mo, ako lang walang iba, and the whole world will know about it."
Hinalikan nya ako sa noo, bago sya tumayo ng tuwid.
"Get youself ready, uuwi na tayo. Tatawag lang ako ng chooper na susundo sa atin dito at ipapahanda ko ang eroplanong maghatid sa atin sa Pilipinas."
Lumabas sya ng silid ng hindi man lang lumilingon, ako naiwang nakatulala at hindi maintindihan ang mga nangyayari.
Makalipas ang isang oras ay dumating ang helekopter na maghahatid sa amin sa paliparan kung saan naghihintay ag private plane ni Dale.
Tulad kung papano ako dumating sa cruise ship, umalis ako ng walang bitbit kahit ano.
Hinayaan ko si dale na gawin ang gusto nya. Para akong tuod na sumusunod lang sa lahat ng sinasabi nya.
Most of the flight, ay nakatulala lang ako. Kung hindi nakaupo ay nakahiga sa napakalaking kama sa cabin ni Dale.
Habang sya ay nasa isang sulok kung saan naroroon ang working table nya may ginagawa sya sa laptop nya na hindi ko alam kung ano at wala akong interes na alamin.
Paminsan minsan ay may mga luhang nakakatakas mula sa mga mata ko na agad kong pinupunas bago pa mapansin ni Dale.
Napakabigat ng dibdib ko. Nagtatanong ang isip ko, bakit ba ngayon pa nangyari ito. Kung Kaylan nagsisismula na kami ni Dale. Kung Kaylan nagiging maayos na sana ang pakikitungo namin sa isat isa, kung Kaylan naranasan ko na ang makulong sa mga bisig nya, kung kaylana ipinadama nya na sa akin kung ano ang pakiramdam ng makaisang katawan ang isang Dale Miller.
Ilang oras pa lang na hindi ko nararamdaman ang mga yakap nya, pero pakiramdam ko miss na miss ko na sya, namimiss ko na ang init ng katawan nya.
Niyakap ko ang sarili ko at namaloktot ako sa kama. I wanna feel his embrace, I wanna inhale his scent, I wanna feel the heat of his body.
Ipinikit ko ang aking mga mata at pinaglakbay ko ang diwa sa ko sa panahong nakakulong ako sa bisig nya habang nakadapa ako sa ibabaw nya.
Naramdaman ko ang paggalaw ng kama na kinahihigaan ko, at nanuot sa ilong ko ang amoy nya na gustong gusto ko.
Ilang minute ang lumipas na hindi gumagalaw ang katabi ko sa kama. Oo tumabi sya sa akin sa kama pero nahiga lang sya roon yung yakap nya na hinintay ko ay hindi nangyari. At guisto kong maiyak dahil dun.
Ilang minute pa ang lumipas, hindi pa rin ako makatulog eh kasi naman gusto kong matulog sa dibdib nya.
Sya man ay alam kung hindi rin nakakatulog dahil sa paminsan minsang paghinga nya ng marahas.
"Kristine," narinig kong tawag nya sa pangalan ko sa namamaos na tinig.
Hindi ako kumibo.
"Can I touch you.?" May pagsusumamo sa tinig nya.
Hell yes. Gusto kong isisgaw pero huindi ko ginawa, sa halip tumango lang ako. Nakatalikod ako sa kanya kaya hindi ko nakikita ang mukha nya.
Marahan nya akong kinabig paharap sa kanya. Nagpatianod naman ako sa gusto nya.
Humarap ako sa kanya akala ko yun na yun pero hindi kinabig nya ako papunta sa ibabaw nya hanggang sa nakadapa na ako sa ibabaw nya. Iniyakap nya ang dalawang bisig nya saakin ng mahigpit, para lang akong maliit na manika na napaloob sa matipuno nyang katawan. And suddenly I feel like I'm in heaven.
BINABASA MO ANG
SUMMER AFFAIR
Storie d'amoreSi Ayedha Kristine isang dalaga na itinakdang ipakasal ng kanyang mga magulang sa lalaking hindi nya kilala, tulad ng karamihang napasok sa ganiyong sitwasyon, nagrebelde sya ibinagay nya ang kanyang sarili sa lalaking hindi nya kilala, para isakatu...
