CHAPTER 10

21.1K 679 6
                                        

/AN/ Sobrang happy po ako na mainit pa rin ang pagtanggap nyo sa story ko. Sa mga followers ko na hindi ako iniiwan alam nyo na kung sino kayo. Salamat ng maraming marami./

Naalala ko ang lalaking nakaniig ko ng isang gabi. Sino kaya sya. Hindi ko man lang sya nakilala o kahit nakita ano kaya hitsura ng mukha nya.

Hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing nakikita ko si Dale ay naalala ko sya.

Naalala ko kung mga ginawa nya sa akin at sa buong katawan ko. Kung papano nya ginising ang kamalayan ko sa usaping sexual.

Naginit ang mukha ko sa mga imaheng tumatakbo sa isip ko, lalo na at si Dale ang mukha ng lalaki sa isip ko.

Pagtingin ko sa lalaking nasa isip ko. Nakatingin din sya sa akin at mukhang may naglalaro rin sa isipan nya dahil bahagyang nakaangat ang sulok ng kanyang labi kaya nagmumukha syang nakangiti.

Mabilis akong nagiwas ng tingin. Iniangat ko ang magazing hawak ko para ipantakip sa mukha ko dahil alam kong namumula iyon.

Muling pumasok ang FA. may dala itong isang baso ng gatas at inilagay iyun sa harap ko.

Nagpatingin ako sa FA.

" Ayaw nyo daw po kasi ng Decaf kaya pinapalitan ni sir ng gatas." Pilit na ngumiti ang FA kahit halatang nenenerbiyos pa rin sya.

" Thank you." at pilit ko din syang nginitian.

Pagkalabas ng FA ay ibinaba ko ang magazine na hawak ko at tiningnan si Dale na nakatotok na naman sa laptop nya.

" Gatas talaga... anong tingin mo sa akin bata.?"

Iniangat nya ang tingin nya.

" Drink it thats better than coffee, makakatulong rin yan para makatulog ka sa buong byahe natin para wag kang maboring. Pero mukhang hindi ka naman naboboring kasi ginawa mong libangan ang pagtingin sa mukha ko dyan sa magazine na hawak mo." 

Naginit ang mukha ko sa sinabi nya.

Tinaasan ko sya ng kilay at pabagsak kong ibinaba ang magazine sa center table.

The whole duration of the flight ay pinilit kong matulog lang para hindi ako madistract sa presensiya ng isang Dale Miller.

Paglapag namin ng paliparan ay may nakaabang na sa aming mga tauhan nya na may dalang damit ko, kaya nakapagbihis ako ng maayos bago bumababa ng eroplano kung papano nya ginawa yun ay hindi ko na itinanong.

Pagkababa sa eroplano ay lumipat kami sa isang helekopter na syang naghatid sa amin sa toktok ng isang napakalaking building na hindi ko alam kung saan basta nasa gitna sya ng Paris.

Pagkababa namin sa helekopter ay pumasok kami sa isang elevator na puro salamin ang dingding, namangha ako sa ganda ng tanawin mula sa loob ng elevator kitang kita mo ang kabuoan ng Paris.

Bumukas ang elevator sa 24th floor. Isang opisina ang nasabing floor. May reception are at waiting lounge.

"Good morning Mr. Miller sir, Mrs. Miller maam, welcome to Miller international." Magakapanabay na bati sa amin ng dalawang babaing receptionist.

Nginitian ko ang mga ito, pero si Dale wala lang, nilagpasan lang ang mga ito.

Patungo sya sa pinto na may nakasulat na Dale Miller-President/CEO.

Alam kong opisina nya yun kaya hindi na ako sumunod.

Naglakad ako papunta sa waiting area kung saan may dalawang mahahabang sofa at apat na isahan, pinili ko ang pang isahang sofa na nakaharap sa mismong pinto ng opisina ni Dale, para agad ko syang makita kapag papalabas na sya.

Ang sabi nya may importanting meeting lang syang kailangang daluhan yun ang paalam nya sa mga bisita namin, kaya hindi na kami sumama sa reception at mula sa simbahan ay dumiretso na kami dito.

Wala pang dalawang minuto akong nakakaupo ng muling bumukas ang pinto ng opisina nya at lumabas doon ang nakakunot noong CEO.

"What are you doing.?" Tanong niya sa akin.

"Nakaupo.... Dito na lang kita hihintayin hanggang matapos ang meeting mo."

"No... youre coming with me... get inside... "Pautos na sabi nya.

Tumaas ang kilay ko.

"Meeting mo yan, ano namang gagawin ko dyan... makakaistorbo lang ako sa inyo, kaya dito na lang ako."

"Mrs. Miller meeting natin to, baka nakakalimutan mo na ikaw ang assistant ko, kaya dapat lagi kang nasa tabi ko."

Iba ang naging dating sa akin ng salitang assistant nya kaya Naginit ang tainga ko.

"Bakit ngayon mo lang sinabi na ngayon na pala ang effectivity ng demotion ko, sana nasabihan mo ako ng maaga para naman nakapag handa ako." Marahas akong tumayo.

"ano bang kailangang kong gawin.? Kailangang ko bang magsulat ng minutes' o magtimpla ng kape.?" Sarcastic na sabi ko, habang naglalakad palapit sa pinto kung saan sya nakatayo.

"Don't be sarcastic Ayesha, youre the vice president and assistant CEO of this company, alam kong alam mo kung ano ang trabaho mo."

"Pardon me... but I used to work in my own company, sa kompanya ko ako ang boss, ako ang nagsasabi kung ano ang dapat gawin at ako ang nasusunod, unlike here na ikaw ang boss at tauhan mo lang ako na taga sunod sa lahat ng gusto mo at ipaguutos mo."

Tumayo ako ng tuwid sa harap nya at inayos ko ang damit ko, itinali ko rin ang nakalugay kong buhok mismo sa harap nya.

"So, boss... ano bang dapat kong gawin?" at taas noo akong humarap sa kanya.

Bigla nyang ipinulopot sa beywang ko ang isa nyang braso at ang isang kamay nya ay hinawakan ako sa batok at sa isang iglap ay naglapat ang mga labi namin para sa isang mainit na halik, muli nyang kinabig ang beywang ko kaya naglapat ang mga katawan namin, dahilan para mapasinghap ako, sinamantala nya ang pagkakataong iyun para tuluyang maangkin ang mga labi ko.

Naginit ang aking mukha ng maramdaman ko ang pagalaw ng labi nya, his lips feel and taste familiar o baka imagination ko lang yun dahil sa sya ang laging naiisip ko sa tuwing naalala ko ang lalaking nagparanas sa akin ng tunay na halik.

Inilapat ko ang aking dalawang kamay sa tapat ng dibdib nya para sana itulak sya pero hindi ko na nagawa dahil tuluyan na akong napasa ilalim sa kapangyarihang ng kanyang halik at sa kakaibang sensasyong dulot niyon sa aking buong pagkatao.

He claims my lips as if he owns it.

At tila may sariling buhay ang mga labi ko at alam nya kung sino ang nagmamayari sa kanya, unti unti kong Tinugunan ang halik, kasabay ng pagpikit ng aking mga mata.

SUMMER AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon