Chapter 12

597 8 0
                                    

Drake's POV

Araw araw ko na lang sya iniisip, Lagi ko rin sya tinatawagan. Andami ko ng memories kasama sya never pa kong nakaganito sa iisang babae kadalasan kapag matagal na ko sa relasyon nagsasawa na ko agad. Iba ngayon Ibang iba talaga tama ko sa kanya.

Nagseselos ako pag kinakausap nya si Jerald kita kasi sa mga mata ni Jerald na gusto rin nya si Paula. Si Paula naman patay malisya sa mga nararamdaman nyang pakikitungo ni Jerald.

"Sir dumating na po ang mama nyo." Biglang umusbong ang kaba sa buong katawan ko, Kaba na hindi ko maipaliwanag. Kaba na nagpapanginig sa buong katawan ko. "Naghihintay daw po sya sa living area may paguusapan daw po kayo." Sabi pa ulit ni Manong Geo.

Nanghihina akong tumayo para magbihis sinuot ko ang polo shirt ko at ang khaki kong pants at ang topsider shoes ko. Lumakad na ko papunta sa living area, Di maipinta ang mukha ko pagkakita ko pa lang ng anino ni Mama dati excited ako tuwing uuwi sya. Excited ako na makasama sya iba kasi nararamdaman ko ngayon. Nakaharap na ko kay mama ngyon blangko lang ang itsura nya matiim ang pagkakatitig sakin may namumuong luha mula sa mga mata nya.

"I don't know how to tell you this but.." Humikbi sya at suminga sa piraso ng tissue na hawak nya. "I need you to get engaged this coming year." Nagulat ako natulala. Kanino? Sa isip ko at puso ko iisa lang ang gusto ko pakasalan yun ay walang iba kundi si.. Paula..

"What do you mean by that?" Nagiging sarkastiko na ang pananalita ko kay Mama mali man pero basta na lang lumalabas sa bibig ko ang madidiin na salita. "What if I don't want to?" Tumingin si Mama sa gawi ko,

"This is the only way I know I can take care of you with her hand you are safe, She's kind." Naguguluhana ko kay Mama, Ngyon ko lang kasi syang nakitang umiyak ng ganyan. "I'm sorry Drake." Tumingin ako sa kanila ni Manong Geo. Pareho silang blangko mukhang alam na ni Manong Geo ang sinasabi ni Mama parang mayroon siloang di sinasabi sakin.

"You know.." Pinutol ni Mama ang sasabihin ko ng bigla syang tumayo sa pagkakaupo nya.

"Im tired I want to get rest." Malamig lang nyang sabi sakin. She's holding a folder. X-ray folder? Hindi ko man gusto bumalik ako sa kwarto. Nagriring ang cellphone ko. Hindi ko muna sya pinansin.

Baby calling..

1 Missed call from Baby..

I don't like this feeling. Feeling na sinakluban ako ng langit at lupa. Minsan na lang ako maging masaya ganito pa? What the hell! I hate this! Humiga ako sa kama, Nagring ulit ang cellphone..

Paula's POV

Nagriring lang yung phone nya, Hindi nya sinasagot. Nagaalala na ko.

*Ring..Ringring..*

-[Hello?] Malamig ang pagsagot nya sakin. Nakakapanibago dati pag tumatawag ako tuwang tuwa sya.

"May problema ba tayu?" Tanong ko sakanya. Pero nanatili syang tahimik sa kabilang linya narinig kong nagbuntong hininga sya.

-[Wala baby.. Im just not feeling well.] HUH? May sakit ba sya?

-[Do you want me to go there?] Nagaalala ako sa kanya iba pakikitungo nya sakin. Tatlong araw lang ang nakalipas na di kami nagkikita naging ganun na sya.

-[No baby.. Im fine.] Narinig ko ang pait sa boses nya may problema sya alam ko.

-[Ok then, Siguro kailangan mo lang magpahinga.] Napilitan akong ibaba ang linya.

After 1 week..

*Ding Dong*

Anu ba busy yun tao eh! Naglilinis ako ng kalat na ginawa ko mula sa project ng kapatid ko. Hindi ko pinansin yung nagdodoorbell.

*Ding Dong*

Ba yan! Padabog akong tumayo at binuksan ang pinto. Nagulat ako sa nakita ko,,

"Mrs. Cortez." Nataranta ako pinapasok ko sya at pinaupo sa pinakamaayos naming upuan. "A-ano pong problema?" Tahimik lang muna sya. Nakatitig sya sakin tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Nauuhaw ako iha pwede humingi ng tubig?" Pagkasabi nun agad naman akong tumalima kumuha ako ng malamig na tubig at sinalin iyon sa baso. Kumuha na rin ako ng biscuit na makakain.

"Ma'am ito na po yung tubig." Inabot ko sa kanya ang tubig na malamig. Uminom muna sya bago ulit nagsalita.

"Iha gusto ko makausap ang mama mo," Yun lang at kumilos agad ako para tawagin sila papa sa kabilang bahay kung saan nandoon ang labahan namin.

Nang malaman nila iyon dali dali nilang iniwan ang ginagawa at naghugas ng kamay. Pagpasok sa bahay ay agad namang nakita namn si Mrs. Cortez tulala lang sa kawalan, Pinaalis ako ni Mrs Cortez.

Abangan :)

-[Bitin ba? Medyo parang nakakasabik yung storya pero kailangan ko lagyan ng twist, Ano expect nyo mangyayari anong dahilan ng biglaang pagdedesisyon ni Mrs. Cortez na ipakasal si Drake?]

--Aysha

Bad boy meets bad girl (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon