Chapter 10

663 8 0
                                    

Tumutunog yung cellphone.

Ringing tone:

I love you mahal na mahal kita ganyan ang pagibig ko.~

Seriously? Boses ba yun ni Drake. Nice! Corny ng song pero naappreciate ko. Teka! I love you? Mahal niya ako?

Hinalungkat ko yung cellphone nalilito pa ko pero ayus lang naman. Anlaki naman kasi ng screen para akong nagcecellphone ng tv. Samsung Note 3

Napunta ako sa gallery may video doon. Binuksan ko at pinlay iyon.

Paula uhmm.. ahh. Ano. kasi hindi ko alam kung anong nararamdaman ko kapag nasa tabi kita. Bumibilis pintig ng puso ko pag andjan ka na. Mahal na pala kita Paula. Mahal na mahal na kita. Oo mabilis kitang minahal kasi iba ka sa lahat.. Ahm. Hindi kita pipiliting mahalin mo din ako. Pero sana matutunan mo ko mahalin give me a chance.. Yun lang.. Iloveyou :* Mwuah mwuah! :* Nakapikit pa ito habang nagkikiss sounds pa sya na

ikinatawa ko.

Hindi ko alam anong mararamdaman ko matapos ko mapagisip isip para saan yung video na yun. Para sakin pala yun nagtatapat sya?

Nagring ulit yung cellphone this time sinagot ko na.

"H-hello." Nagitla ako ng narinig ko boses ni Drake parang may bumara sa esophagus ko. "D-Drake?"

"Bakit ganyan ka?" Tinatanong nya yung pagkautal ko.

Masyado kasi akong kinabahan. "Nevermind.. Nasa labas ako ng pintuan nyo." Nanginig ako.

"Ano kasi Drake.. Ahm wala ako sa bahay ngayon." Nagmamadali kong sabi sa kanya. Kaya lang si bunso binuksan yung pinto kaya tumambad ako sa paningin ni Drake. Hindi pa rin nya binababa yung phone.

"Wala ka pala sa bahay ngayon nasan ka?" Tumatawa sya habang nakatingin sakin ng matiim. Ano ka ba naman bunso palpak ang acting ni ate.

"Nasa sala." Nanghihinang sagot ko. Pumasok sya at tumabi sakin pero di pa rin binababa yung phone tulala lang ako sa kanya.

"Yung sala nyo pala wala sa loob ng bahay." Nakatingin sya sakin saka lang nya unti unting binaba yung phone.

"Napanood mo na siguro." Ngumisi sya. Ano ba Drake nakakabaliw yang maloko mong ngisi stop it.

Tumungo lang ako bilang pagsagot. At nagbawi sya ng tingin at tumayo.

"Ma anong ulam?" Ano? dito sya kakain upakan ko kaya to.

"Bakit ka dito kakain?" Pagsusungit ko sa kanya habang nakatingin sa kanya mula sa kusina. Syempre pakipot factor ako anu ka ba?

"Bakit ayaw mo?" Naka-pout pa yung lips nya. Ang cute.

Gusto ko gusto.. "Ayaw capital A-y-a-w.. Ayaw" Nagcrossarms sya tapos ngumiti.

"Ako gusto ko di ba ma?" Tumango tango naman si mama. Aahy kunwari naaasar ako.

"Ma! Anu ba naman yan paalisin nyo na nga yan." Pag pinaalis nga ni mama si Drake iyak tawa ako. Masarap kaya syang asarin.

"Ano ka ba naman anak napakawalang galang mo naman." Nagpatuloy lang si mama sa pagluluto.

"Panu ba yan?" Nagkibit balikatbpa sya at tumabi saakin. Sinandal nya ulo nya sa balikat ko naamoy ko ang mabangong shampoo nya. Kaya lang..

"Ma oh si Drake!" Nagsumbong ako iba nararamdaman ko ambilis ng tibok ng puso ko. Para akong hihimatayin anytime. -.- OMO!

"Nakikisandal lang andamot mo." Umalis sya sa pagkakasandal sa balikat ko. Gusto ko sana yun kaya lang naiilang ako.

"Hoy babae mamaya magluto ka ng ube halaya ha!" Ube? favorite ko yun masarap yun pag may keso. Tumingin ako kay Drake. Tinignan ko sya ng nangaasar.

Bad boy meets bad girl (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon