Chapter 15

611 10 0
                                    

Paula's POV

Nagbubuhos na ako para magbanlaw, With matching kanta kanta pa ako habang naliligo. Masaya ako ngyon kasi sabi sakin ni Drake pupunta daw kami ngyon sa Korea. Gustong gusto ko talaga pumunta dun saka gusto ko makita yung school ng Shinhwa High Mangarap na lang ako maging si Jandi.

At kung ikaw ay nakatawa ako pa ba ay nakikita~

nalilimutan ko ang itsura ko kapag kausap na ikaw.~

"Mahal ko bilisan mo naman jan." Nagmamadali na si Drake kanina pa dahil may dadaanan pa daw kami bago umalis. Ewan ko ba dun surprise daw di pwedeng malaman. Natural surprise nga antanga mo talaga Paula.

"Ayan na sandali lang pag ako nadulas ah!" Hindi ko na tinuloy ang pagkanta at diretcho na kong nagbanlaw nagbalumbon ako ng towel sa ulo at tinakpan ko ng towel ang katawan ko. Baka makita ng chinito kong asawa ang sexy body ko chos!

Paglabas ko ng CR patakbo akong pumasok sa kwarto montik pa kong makita ni Drake paglingon nya. Nahihiya ako mabilis akong nagbihis hindi na ko nagmake-up makati sa mukha di ako sanay saka maganda na ko di ko na kailangan yun. Echos ulit last na to.

Pag labas ko ng kwarto pinasadahan ako ng tingin ni Drake napalunok naman ako sa ginawa nya, Lumapit sya sakin at isiniksik ang ulo nya sa leeg ko. Ang hilig nyang gawin yun tapos dadampian nya ng halik yung leeg ko nakakakilabot kaya yung ginagawa nya gumuguhit sa pagkatao ko yung ginagawa nya buti na lang hindi ako pawisin kundi amoy suka na yung leeg ko inaamoy pa nya.

Nagpaalam na kami ni Drake kay Mama at Papa. Si Mama naman kung makaiyak akala mo hindi na ako babalik sabagay nasanay syang lagi kaming nagkikita ngayon lang kami magkakalayo na as in malayo talaga. Si Papa naman no expression parang maiiyak na sa pagngawa ni Mama pero pigil sya isa lang ang sagot nya samin. "Magingat kayo alagaan mo ang baby namin." Tumango lang si Drake. Papalabas na kami ng bahay ng humabol ng yakap si Mama mukhang ganito rin ang eksena pag kinasal na kami ni Drake.

"Ma.. Papa Ok lang ba talaga sa inyo na umalis ako?" Tumango sila pero umiiyak pa rin si Mama siniko ni Papa si Mama na nagpupunas ng luha. Sinundan nila ako ng tingin hanggang makaalis ang sinasakyan ko.

"Love na love ka ng mga magulang mo nuh?" Tumingin ako kay Drake. Nakangiti sya habang nasa labas ang tingin.

"Hindi lang sila sanay na aalis ako at pupunta sa napakalayo sa tabi nila." Ngumiti lang ako at inihilig ko ang ulo ko sa balikat nya. Naamoy ko nanaman ang amoy nyang nakakaadik. Amoy na kahit kailan ayokong mawala sa tabi ko amoy na kinaadikan ko araw araw. Suminghot pa ko para maamoy pa ulit yun, Gumalaw si Drake may dinukot sya sa bag nya. Inisprayan nya ng pabango yung damit nya. Inamoy ko sya lalo. Tinapat naman nya sa bibig nya.

"Dito kaya?" Natawa ako, Nanghihingi sya ng kiss sakin hihi Kiniss ko sya sa lips. Hinawakan naman nya yung batok ko para mas tagalan pa yung paghalik nya sakin. Nakita kong napapikit sya sa ginagawa nya kaya naman pumikit na rin ako.

"Mahal ko anung ginagawa mo?" Hala sh*t imagination pala yun!! Urg nakakahiya. Nagtakip ako ng mukha saka ako tumingin sa bintana sa side ko.

"Kung gusto mo naman ako halikan ok lang sakin." Alam ko nakangisi nanaman sya napaka ano talaga nito ni Drake nahihiya na nga ako eh kasi nahuli nya akong nakanguso..

"Pasaway ka tumahimik ka na nga lang." Nagsusungit ako kasi nahihiya talaga ako namumula na ata mukha ko kasi mainit yung pisngi ko. Bigla na lang akong hinalikan ni Drake pero smack lang iyon tapos ngumisi.

"Wag ka na mahiya magiging asawa na nga kita eh, Pwede mo ko halik halikan payag ako basta payag ka din." Kumindat pa sya. Humimpil na yung sasakyan sa isang restaurant. Mukhang elegante ang kainan na yun nahihiya tuloy ako, Sugapa pa naman ako kumain JOKE tamang kain lang.

Bad boy meets bad girl (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon