Chapter 16

599 10 0
                                    

kahit giniginaw ako binigay ko pa rin kay Paula yung kumot, Ok lng sakin na ginawin ako kaysa ginawin sya. Ganito pala sa Korea napakalamig kahit na magsusummer na. Gabing gabi na isa lang ang comforter si Paula na lang pinahiga ko. Mamaya na lang ako tatabi pag tulog na sya para walang palag.

Hindi na sya masyadong magalaw tulog na siguro to. Maya maya tumabi na ko para makatulog na din nakaharap ako sa kanya sya kasi sa ding ding lang ang harap nya, Tinitigan ko syang maigi. Gumaganda sya lalo kapag tumatagal.

Humarap sya sakin kaya nagkatapat kami, Tinawid ko ang distansya na natira kaya nagkalapat na ang mga labi namin. Ganun pala sya matulog napakalalim hindi manlang sya nagigising sa ginagawa ko.

"Drake..." Nagsasalita rin sya pagtulog kaya alam mo kung anong nasa panaginip nya. "Labas.." Hanggang doon ba naman pinagsusungitan nya ako.

"Pau kahit na masungit ka para sakin mabait na mabait ka pa rin." Masaya kong hinawakan ang kilay nya na maganda kahit hindi na patungan ng make-up makapal na talaga at nakaayos, Nagtataka ako bakit kailangan nya pang takpan yon ng buhok nya? Mata nyang singkit nakakaakit tignan ilong nya na matangos at bibig nya yung pisngi nya na kapag ngumingiti may dimples. Simply irresistable.

"Mahal na mahal kita Paula kahit pa na ayaw mo sakin pipilitin kong mahalin mo ko unti unti sisikapin kong magustuhan mo ako." Kinuha ko yung cellphone ko sa bag at binuksan ko iyon in-open ko yung gallery at tinignan ko yung stolen shot ko sa kanya. Tuwang tuwa syang nakahaway sa pink na bulaklak habang nakatingin sakin akala siguro nya nagseselfie lang ako.

Ginawa kong wallpaper yun, Napakagandang anghel ng mapapangasawa ko.

Anghel sa lupa, Mananatili ka!~

Nagising na lang ako na nakaupo si Paula sa may pintuan. Nakita kong may nakahanda sa mesa mainit pa yung kape dahil umuusok pa.

"Sinong may sabing tumabi ka sakin?" Hindi sya lumilingon sakin habang nagsusungit sya.

"Mahal ko naman alam mo namang anlamig lamig. Achooo!" Sinipon na ko kagabi kasi nanginginig na ko tapos nagpapawis na yung talampakan ko sa sobrang lamig.

"May binili akong gamot jan." Nakita kong katabi ng kape yung paperbag may laman ngang gamot, Teka panu sya bumili hindi naman sya marunong mag-hangul? At nagabala pa talaga sya na bilhan ako ng gamot?

"Mahal naman wala naman akong ginawa sayo kagabi." Lumapit ako sa likuran nya at niyakap sya ng mahigpit. Nararamdaman ko ang pagpintig ng puso nya napakabilis.

"Wala daw.." Tinanggal nya yung pagkakayakap ko at humarap sakin. "Eh anu to pinicturan mo ako habang natutulog! Bwisit ka talaga!" Namumula yung mukha nya sa nakita nya kanina pa siguro nya yun nakita. Ntatawa ako.

"Baby ako lang naman makakakita nyan eh." Pilit nyang kinakalikot yung cellphobe ko baka sakaling may picture pa doon. Nakita na siguro nya yung wallpaper ko.

"Isa lang gusto ko sa lahat ng kuha mo." Naka-pout na sabi nya sakin. Tapos tumayo na dumiretcho na sa hapag. "Kain na."

"Pakiss muna." Nginisian ko sya alam ko naman na pagngumingisi ako namumula sya at ang cute cute nya mamula.

"Hay naku naglambing ka nanaman." Nilapitan ko sya para halikan pumikit pa nga ako para damang dama kaya lang bigla nya akong sinubuan ng bread stick.

"Ahaha akala mo ha! Nakakainis ka na nga kanina dahil pinicturan mo ko eh!" Eh kasi naman po ang cute cute nya kaya naman pinicturan ko nakapamaluktot sya kaninang madaling araw ako naman nasa sahig na natutulog pasaway lang di ba?

"Kumain na tayo ng makapunta pa tayu sa Jeju Island." Nagliwanag ang aura nya kaya alam ko na naeexcite nanaman sya nagmamadali syang kumain at nagbihis. Sabi ko sa kanya sa hotspring na lang kami maliligo. Para makita ko ang sexy body ng fiancé ko haha.

Bad boy meets bad girl (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon