"Baby ko gising na po."- Ansarap naman magising ng ganito kung etong lalaking to makakagisnan mo. Anlambing lambing nya.
"Ang aga mo naman gumising, Tulog pa si Lucky oh."- Niyakap nya ko tapos hinalikan sa leeg. Immune na ko sa kanya lagi nyang trip leeg ko eh.
"Magluluto tayo oh, Mahal na mahal kita baby ko."- Ay sus naglambing nanaman si daddy ko. Sana lagi kaming ganto masaya kasi akong kasama sya.
"Tayo na po."- Paano ako makakatayo kung yapos yapos nya ako? Hmm?
"Ok baby dahan dahan."- Haha ano ako buntis? Talaga to si Drake masyadong maalaga.. Nakasanayan ko na ganyan na nya ako alagaan kahit pa noon na nagkakilala kami ganyan na yan.
"Ano lulutuin?"- Nakita ko may tasty sa ibabaw itlog at gatas. Bread toast?
"Kakain tayo ng marami ok?"- Yumakap nanaman sya, Love na love nya akong yakapin.
Drake mahal na mahal kita, Kahit anong mangyari di ako bibitaw. Dahil mahal mo din ako. Masaya ako na dumating sya sa buhay ko. Di ako nagsisisi kasi napakabait at maalaga sya. Oo minsan nagkakasakitan kami sa salita pero parang away bata lang naman.
Insert song here:
Walang iba - Ezra band
Sa tingin pa lang nyang nakakatunaw na feeling mo ikaw na pinakamaganda sa mundo, Yung alagaan ka nya ng akala mo porcelana ka na di pwedeng mabasag. Madalas man kami di magkasundo kasi tampuhin ako. Sya lang gusto ko makapiling sa buong buhay ko. Sya na gusto ko makasama.
"Tulala ka nanaman sakin."- Loko to tusukin ba naman ng daliri nya yung ilong ko. Anung magagawa ko e ang cute nya sa paningin ko..
Drake kung alam mo lang gaano mo binago buhay ko. Kahit lagi nya kong napapaiyak madalas sa bandang huli ngiting tagumpay pa rin naman ako.
"Ang cute mo kasi."- Ngumiti pa sya ulit. Oh! Ehm Ghee Drake! Gusto mo ba ko mamatay ngayon? Ang cute kasi mg ngiti nya eh, Nagkakaroon sya ng hiwa sa magkabilang pisngi tapos ang cute ng mata ang kapal mg pilik mata.
"Elibs ka lang sa pilik mata ko kasi makapal at mahaba."- Ay ang yabang naman.
---
"Pack your things baby, Were leaving na babalik na tayo sa Philippines."- Hindi gaanong kalungkot si Lucky, Ako nalungkot kasi mamimiss ko yung climate dito malamig.
"Ok mommy."- Kinuha nya yung maleta nya at nagstart maglagay ng damit.
Lagi na lang ba kaming magtatalo ni Drake? Ayoko na kasi makipagaway kasi masakit sa dibdib.
"Baby ko.."- Ayoko muna pansinin, Mageempake na muna ako. Lagi na lang kaming nagaaway sa simpleng bagay. Pero kahit ganon mahal ko pa rin sya pero syempre may mga oras na nasasaktan na talaga ako.
"Baby ko ayaw mo ko pansinin?"- Yumakap sya, Pero bakit di nawawala pagkainis ko? Nasanay na ba ako? Siguro nga dapat masanay na ko asawa ko sya eh.
"Drake mamaya na ok?"- Nagipod na lang muna ako, Ayoko muna magisip lagi na lang kasi kami nagtatalo, Dati ok lang kasi di ko naman sya asawa, Iba na ngayon.
Nakatingin lang sya sakin, Hindi ko alam kung mahal nya ba talaga ako dahil kahit simpleng bagay pinagtatalunan namin.
Oo, Minsan nakakasawa na kaya di ko nlng pinapansin at iniintindi lahat.
--
Sa eroplano..
Naramdaman kong hinawakan nya kamay ko, Pero wala akong reaksyon ewan ko ba lumala na ata ako. Naimmune na lang ako mas ok na to kaysa umiiyak ako di ba? Mahal ko si Drake kaya lang kasi kahit sa simpleng bagay nagiging malaki.
Tinanggal nya yung earplug. "Baby ko iloveyou love na love ka ni Daddy."- Ayoko umiyak, Sawa na ko umiyak. Di ko na mabilang ilang beses na ko umiiyak. Kasi lahit isama pa yung daliri ko sa paa kulang pa hihiram pa ko ng daliri sa iba.
"Iloveyoutoo."- Binalik ko yung earplug pero tinanggal nya ulit.
"Di ako sanay na ganyan ka."- Yumakap sya ulit pero wala pa din. Anyare sayo Paula?
"Ano nanaman bang nagawa ko?"- Di ko na lang sya sinagot, Ayoko makipagaway. Ayoko lumaki pa ang lahat mas mabuting tumahimik na lang ako.
"Sabihin mo sakin para maipaliwanag ko."- Nakayakap pa rin sya sakin, Nagbabadya na yung luha ko konti na lang tutulo na. Ayoko na umiyak..
"Drake pabayaan mo muna kasi ako eh."- Binalik ko yung earplug.
---
Bahay...
Drake's POV
"Aalis muna ako."- Nagpaalam sakin si Paula na aalis muna, Ngayon ko lang sya nakitang ganyan.
"Saan ka pupunta?"- Walang emosyon mga mata nya.
"Kahit saan basta malayo sa lahat."- Humabol si Lucky sa kanya para humalik.
"Lucky I'll be back ok? -----"- Binulungan nya si Lucky tapos tumingin sakin. Ano nanaman ba nagawa ko?
---
#AyshaBBMBG

BINABASA MO ANG
Bad boy meets bad girl (On hold)
RomansaInspired from Metor garden , Boys over Flower :) Filipino style F4 abangan ang mga pangyayari. Babala: Hindi po ako araw araw magupdate that's because hinahantay ko si idea na magpop out para makaisip ng kilig factor I can't copy all the ideas from...