Paula's POV
Ilang araw na ba akong delay? Pagkakaalam ko dapat nung nakaraang linggo pa ko nagkaroon. Bibili ako ng PT mamaya, Ayoko pa sana magdalang tao dahil di pa ko ready. Masyado pang maaga para magbuntis ako.
"Drake samahan mo ko bumili ng PT mamaya sa pharmacy."- Nasa sala si Drake nanunuod habang kumakain ng popcorn. Tumingin sya saakin at ngumiti.
"Buntis ka?"- Takang tanong nya pero mukhang masaya sya na magdadalang tao ako.
"Baka lang."- Hindi ako sigurado kasi irregular naman kasi period ko, Pero nagmadaling tumayo si Drake at itinayo ako sa upuan hawak ang tiyan ko.
"Baby wag ka muna lalabas ha di pa ready si mommy, Aantayin ka lang ni Daddy ha."- Hinihimas himas nya yun habang pinapaupo ako sa tabi nya.
"Drake hindi pa ko sure kaya nga tayo bibili ng PT di ba?"- Ngumiti lang sya. Tapos niyakap ako ng mahigpit, Inlove na inlove na talaga ako sa kanya kakaiba sya sa lahat iba yung yakap nya natutuwa ako kasi ramdam ko na mahal nya rin ako.
"Bakit baby naman kita ah?"- Hinalikan nya ako sa pisngi.
"Daddy talaga eh."- Nangiti nanaman sya at hinawakan ang tyan ko hinimas himas. Maghapon kaming ganon lang kahit sa pagluluto talagang nakayakap pa rin sya sa likod ko. Tapos pag naghuhugas ako hinahalik halikan nya ako sa tenga.
Habang nasa kwarto kami, Nakahiga na sya ako may pinapahid pa sa mukha. Sabi nya higa na daw ako doon pero sabi ko mamaya na pagkatapos ko magpahid sa mukha. Nakatulog na ata sya.
Tapos na ko maglagay ng kolorete na eklavu sa mukha kaya tumabi na ko sa kanya at humiga, Bigla nya akong niyakap.
"Baby? Pwede ba tayung mag alam mu na."- Hinampas ko sya sa braso na ikinatawa naman nya.
"Hay naku daddy pasaway ka ha!"- Hinawakan kiya ako sa ulo at hinagod, Inilipat nya sa kabila yung mga buhok ko at hinalik halikan ako sa leeg.
"Sige na baby?"- Pagpupumilit ng isang to hay naku anu pa nga ba magagawa ko edi go nlng tutal naman magasawa na kami wala namang mali sa ginagawa namin.
Pinaubaya ko na sa kana ang lahat, Hinayaan kong angkinin nya ako ng marahan at buong puso. Sa ganitong pagkakataon naiisip ko na makabuo ng pamilyang masaya mas masaya pa sa pamilya ko.
Pagkatapos namin gawin 'yun' nakatulog na kami. Mahimbing ang pagtulog nya kaya naman ako nanatili lang tulala sa kisame iniisip ko kanina yung ginawa namin. Panu kung buntis nga ako?
Kinaumagahan maaga akong nagising mahimbing pa rin ang pagkakatulog nya. Minabuti kong magluto na ng almusal para manaya paggising nya. May mga katulong naman pero gusto kong lutuan ang asawa ko.
Naglabas ako ng ilang butil ng bawang at bacon kasama ang butter, Pinainit ko ang kawali at hinayaang matunaw ang butter. Sinunod ko ang bawang hanggang sa magbrown tapos yung bacon hinayaan ko muna hanggang sa maluto dinurog ko ang kanin at binudburan ng asin. Biglang may yumakap sa likod ko at hinalikan ako sa pisngi.
"Anong niluluto ng baby ko?"- Hinihimas nanaman nya yung tyan ko, Tapos sumisinghot sya para maamoy yung niluluto ko.
"Ang bango naman ng niluluto ng baby ko kasing bango mo."- Nakangisi sya sakin. Alam ko sa kahit na anong paraan binibigay nya ang pagmamahal nya sakin.
"Sus inechos mo pa ko."- Hinahalo ko na yung kanin sa niluluto ko. Lalong kumalam ang sikmura ko.
Hinain ko na sa mesa ang fried rice. At ang kape may itlog na maalat din. Masarap kasabay ang taong mahal mo. Kaya naman feeling heaven ako.
"Wag kna sumama sa kaklase mo ha. Magambag ka na lang sila na pabilhin mo."- Tumingin ako sa kanya. Tapos nakaramdam ako ng inis hindi na kasi ako baby para naman may mangyayari sakin ako nga inutusan.
'Ako pinabibili nila."- Sumubo ako ng kanin at hinaluan ng itlog na maalat.
"Baby baka kasi mapahamak ka pa."- Sumubo na rin sya, Bakit ganun sya lagi nya ko.kinokontrol.
"Ok." Nabwisit agad ako pero desisyon ko talaga yun sinabi nya wag na sumama kasi ayoko magalit sya ok na kasi kami sa lahat.
Bihis na ko para sa pagpasok sa school si Drake na lang ang hindi mamaya pa kasi pasok nya.
"Baby ingat ka ha."- Hinalikan nya ako at nasuklay na ako, Paalis na ako ng humabol sya.
"Ihatid na kaya kita?"- Nagaalala siguro sya para sakin.
"Wag na daddy. Gawin no na lang yang thesis nyo."- tinetext ako ng classmates ko. Ako daw ang nakatoka para sa pagbili ng bulaklak dahil hindi ako nagambag.
Hindi kk na alam gagawin ko kaya naman pumunta na lang ako ng kabayanan para bumili non. Pero dumaan muna ako ng school. Bumili ako ng bulaklak sa gilid ng simbahan. Andami kong dala. Mabigat. Nakita ko yung isa sa mga kagrupo ko kaya sabi ko punta na kaming school sandali lang akong namili wala pang 10 mins nabili ko na yung bulaklak.
"Paula asawa mo."- Nakita kong dinuro nya ako. Galit syang naglakad ng mabilis. Pagdating sa tapat ng simbahan nagsign of the cross sya hindi sya lumingon sakin. alam ko galit sya sa mga oras na yun.
Pauwi na ko pero wala pa syang tx sakin, Nagalit nga ang asawa ko. Kasalanan ko lahat to.
Bago ako umuwi bumili ako ng isang PT. Saka ako umuwi, Pagkauwing pagkauwi ko nagtest na agad ako. Dalawang lines ang lumabas nilapag ko iyon sa center table ng sala tinitigan ko lang iyon. Masaya ako pero parang di pa ko ready sa lahat maggagabi na pero wala pa rin syang tx sakin. Kinakabahan na ko.
Bumukas ang pintuan sa harap. Agad kong kinuha ang PT. Tinago ko sa likod ko. Hinarap ko sya.
"Daddy.."- Blangko lang sya nakatingin sya sakin para bang may hinihintay syang gawin ko. Pero nakita nyang may tinatago ako sa likod kaya nangunot ang noo nya.
"Anong tinatago mo jan?"- Hinablot nya ang kamay ko at tinignan ang resulta.
"Buntis ka?"- Biglang naglaho ang kanina lang pagaaway namin madramang away namin. Dahil umiyak ako sa maraming tao di ko nakita mga nadadaanan ko na nakatingin pala sakin. Yaan nyo na yun at least ok na kami.
Nagtatalon sya at hinalikan ako. Hindi pa ko sure sa resulta nyan wala pa namang 1 month eh. Pwede namang ulitin eh.
ABANGAN na lang.
-[maraming nangyari sa araw ko nakalipas wala akong oras magsulat. Sorry for late updates.]
--Aysha
![](https://img.wattpad.com/cover/11492781-288-k466336.jpg)
BINABASA MO ANG
Bad boy meets bad girl (On hold)
RomansaInspired from Metor garden , Boys over Flower :) Filipino style F4 abangan ang mga pangyayari. Babala: Hindi po ako araw araw magupdate that's because hinahantay ko si idea na magpop out para makaisip ng kilig factor I can't copy all the ideas from...