Chapter 1 Introducing Celine Maniego

47.2K 1K 121
                                    

"Oh, you little girl, you stole my heart. To make it even, I will steal a kiss from you."

Celine POV

"Celine!"

Napalingon ako kay Bea, short for Beatriz, bata pa lang kami magkakilala at magkaibigan na kami. Para na ngang kapatid ang turing ko sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya ng makalapit siya sa kinaroroonan ko.

"Hindi ka pa ba tapos?" Sabay tingin sa mga paninda namin ni mama na mga prutas. "Gabi na o."

"Malapit na akong matapos." Nakangiting sagot ko sa kanya at ipinagpatuloy na ang pagliligpit ng mga paninda.

Nauna na si mama sa bahay. Medyo di rin kasi maganda yung pakiramdam niya kaya pinauwi ko na siya kaninang tanghali at sinabing ako na lang ang bahala dito sa maliit lang naman na pwesto namin dito sa Baclaran.

"Montalban!" May narinig kaming sigawan dun sa may bandang dulo. "Come back here, you coward!"

"Ano yun?" Nagkandahaba haba na naman ang leeg ni Bea sa kakatingin sa komosyon sa bandang dulo.

Ako naman parang wala lang na ipinagpatuloy ko yung pagliligpit. Di na naman bago yung mga ganyang eksena dito sa Baclaran. Halos araw araw na may nag-aaway, gulo... haist, minsan parang magtataka ka na lang kung bakit walang away o gulo.

"Celine, tabi!"

Sigaw ni Bea ngunit huli na ng mapansin ko ang isang matangkad na babae na naka-sombrero ng puti na babangga sa akin.

"Son of a ---" Sinadya niyang bitinin yung pagmumura niya.

Nabangga siya sa akin ngunit nasalo niya yung ulo ko bago pa man iyon tumama sa semento. Nakapikit ako dahil ang buong akala ko kalas kalas na yung buto ko. Nakadagan siya sa akin at nasa likuran ng ulo ko yung isang kamay niya.

"Celine!" Narinig kong sigaw ni Bea at dun ako napamulat ng mga mata.

Tumambad sa paningin ko ang isang... diyosa? God! Nasa langit na ba ako? Bakit may nakikita akong anghel? Sinusundo niyo na po ba ako, Lord?

"Celine! Diyos ko naman!" Ang naiiyak na boses ng matalik na kaibigan ko ang gumising sa akin.

"Montalban!" Hingal na hingal na boses ng babae ang pumukaw sa atensyon ng magandang nilalang na 'to.

Napatulala pa talaga ako sa mga kulay berde niyang mga mata. Parang nangungusap ang mga iyon. Ito ba yung tinatawag nilang soulful eyes? Ang ganda!

"Gago ka, pinagod mo pa kami!" Sapilitan siyang itinayo nung dalawang kasama nung parang gangster kung umastang babae.

"Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Bea na siyang tumulong sa akin para maitayo ako.

"O-oo okay lang ako." Sabay pampag nung suot kong bestida pero pasulyap sulyap ako dun sa babaeng nakabangga sa akin. Nakatingin din pala siya sa akin. Magkasing tangkad lang pala kami.

"Come on, Stash, wala akong kasalanan dun." Sabi niya sa mukhang gangster na babae. "Yung girlfriend mo ang lumapit sa akin. Hindi ako."

"Shut up!" Sigaw sa kanya nung tinawag niyang Stash. "You're a jerk, Taz! Tama bang halikan mo yung girlfriend ko sa harapan ko mismo?"Galit na sabi pa nito.

So Taz pala ang pangalan nung babaeng bumangga sa akin. At may nabanggit yung Stash na girlfriend. Mga lesbians pala ang mga ito at ang pinag-aawayan ay tungkol sa babae.

Napangisi si Taz. "Ba't di mo na lang tanggapin na mas malakas ang appeal ko sayo?" Pang-aasar pa niya. "And excuse me, yung girlfriend mo ang lumapit sa akin at siya mismo ang humalik not the other way around."

Montalban Cousins: New Generation Series - TaylorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon