"If I could give you one thing in life, I would give you the ability to see yourself through my eyes, only then would you realize how special you are to me."
Celine POV
One year later...
"Kinakabahan ako."
Kinakabahan ngang hayag sa amin ni Grace ng nasa kuwarto kami. Dati apat kami dito, pero di nakayanan ni Maribel yung buhay dito sa kumbento kaya nagpasya siyang sumuko na lang at bumalik sa dati niyang buhay sa labas.
Naiwan kaming tatlo nina Grace at Mariana, wala na din namang nadagdag dito sa kuwarto namin.
"Ako din." Saad naman ni Mariana habang kumakain kami ng cup noodles dito sa loob ng kuwarto namin.
Tinitipid kasi kami sa pagkain dito. Kaya minsan kapag nagugutom kami nagpapabili kami kay Aling Marisa ng cup noodles kapag nag go-grocery at itinatago namin dito sa kuwarto namin.
"Wag kayong mag-alala, makakapasa kayo sa postulancy test." Nakangiting sabi ko sa kanila. Nakaupo silang dalawa sa ibabang bahagi ng double deck paharap sa akin na nakaupo dito sa kabila.
Isang taon na din ang nakakalipas simula ng pumasok ako dito at mag-undergo ng postulancy period. At sa makalawa na nga sasabihin kong nakapasa kami sa pagsubok o hindi. Mahirap oo, pero sa awa ng Diyos nakayanan ko naman. Pero wala yatang araw na di sumaglit sa isip ko si Taylor.
Nagkatinginan silang dalawa bago nakangiwing tumingin ng sabay sa akin.
"Yun nga ang ikinakabahala namin nitong si Mariana." Tugon ni Grace.
Muntik na akong masamid sa hinihigop kong sabaw. Nagkandaubo pa ako. Mabilis naman akong inabutan ni Mariana ng tubig.
"You mean, kinakabahan kayo na baka makapasa kayo sa test na ito?" Namilog yung mga mata ko sa kanilang dalawa. "Akala ko ba gusto niyong mag-madre?"
"Eh..." Napakamot sa batok na alanganing sambit ni Mariana. "Sa totoo lang may ano ako... uhm... b-boyfriend."
"Ano?!" Nagulat na bulalas ko. "Isang taon na tayong magkakasama dito ngayon mo lang 'to ipinagtapat sa amin ni Grace?"
Pero mukha namang di nagulat si Grace sa sinabi ni Mariana. Naguguluhang nagpalipat lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa.
"Don't tell me you knew all along about this, Grace?" May pagdududang tanong ko.
Nakayukong tumango siya. "At tsaka ako din... I think di na ako karapat-dapat na maging madre." Pagtatapat niya.
"Bakit naman?" Kunot noong tanong ko.
"H-hindi na kasi ako... uhm, v-virgin." Pag-amin niya.
Nanlaki yung mata namin sa kanya ni Mariana.
"Ikaw din?" Medyo malakas ang boses na sabi ni Mariana.
"Don't tell me, ikaw din?" Ganti naman ni Grace sa kaibigan namin.
Guilty na tumango si Mariana sa kanya. Napasapo ako sa noo ko at napailing iling.
"Ikaw lang ang karapat dapat sa ating tatlo na mag-madre Celine." Saad ni Mariana. "Parents ko lang naman talaga ang may gustong mag-madre ako dahil pari ang kuya ko."
"Ako naman akala ko ito ang gusto ko. Pero ng makilala ko si Jayson..." Malungkot na sabi ni Grace. "Nagbago ang lahat. Nagmahal ako."
"Ba't di na lang kayo nag-quit at kinailangan niyo pang ipaabot sa ganito?" Takang tanong ko.
BINABASA MO ANG
Montalban Cousins: New Generation Series - Taylor
RomanceSi Taylor Zandra Mendez Montalban o mas kilala sa tawag na "Taz" ang 'pinaka' na yata sa 'pinaka' sa lahat ng Montalban. Pinaka-brat, pinaka-playgirl, pinaka-pilya at pinaka pa sa pinaka. Sakit sa ulo most of the time nila Alexandra at Arabella. But...