"Dahil kapag alam mong siya ang tamang taong minahal mo, hindi ka matatakot sumubok muli. Hindi ka matatakot magmahal at hindi ka matatakot masaktan. Dahil sa totoo lang, hindi naman masakit magmahal. Ang mga pagsubok na susubok sa pagmamahalan ninyong dalawa ang masakit. Pero hindi yung love mismo." --- Chyler
Taz POV
Pagdating ko sa bahay ng hapong iyon galing sa eskwelahan, di ko inaasahang madadatnan ko dun sina mama't mommy Ara kasama sina ate at si Chyler, na nakaupo sa sofa.
"Family reunion?" Biro ko at lumapit kina mama para humalik sa pisngi nila ni mommy. Nagbaling ako ng tingin kina Remooji at Chyler. "O ba't ganyan mga itsura niyo? Matagal pa naman ang Semana Santa ha?" Natatawang saad ko at naupo sa pang-isahang upuan, pero walang sumakay o natawa man lang sa biro ko.
Seryoso lahat ng mga mukha nilang nakatingin sa akin. Napakunot noo ako at nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang apat.
"Something's wrong?" I asked. "May problema ba?"
Napailing iling si Chyler habang nag-aalala naman yung mukha ni ate na hinawakan siya sa kamay.
"What's this?" Si mama Alex ang bumasag sa katahimikan at iniangat ang isang baril. Nakaupo siya sa tapat kong pang isahang upuan din.
Shit! Paano niya nakita yun?
"A gun?" Painosenteng sagot ko.
Naningkit yung mga mata ni mama sa akin. Mabilis niyang ikinasa yung baril at pinaputukan niya yung flower vase na nasa bandang kaliwa ko lang.
Napatili sina mommy Ara at ate habang kami naman ni Chyler ay gulat na gulat na napatingin sa kanya.
"Alex!" Saway sa kanya ni mommy.
"I'm gonna ask you again, Taylor Zandra." Oh this is bad. She called me on my full name. "What's this?"
"Ma..." Di ko alam kung paano ko ito lulusutan. "It's... uhm, it's for my protection? Yes, it is for my protection." Dahilan ko. "For self defense... just in case you know..."
Ibinaba ni mama yung baril sa center table. "Do you even know how to use it?" Pormal ang mukha na tanong niya.
"Yeah." Mabilis na sagot ko. "Chyler taught me." Saka nagbaling ng tingin kay Chyler na napailing ulit saka napayuko.
"This isn't a toy, Taylor!" Galit na talaga si mama sa akin. "Grow up, young lady! You're not a kid anymore so stop playing games! Be mature enough!"
"Alex..." Mahinang singit ni Chyler. "It's my fault."
"Yes and no!" Sagot ni mama na nagbaling kay Chyler. "Mas matanda ka sa kanya kaya dapat nag-isip ka at hindi mo siya binigyan ng baril!"
"Ma ---" Magsasalita na sana si Remooji.
"Wag kang sumali dito Jazmine, kung ayaw mong pati ikaw parusahan ko din!" Putol sa kanya ni mama.
Mabilis namang nagbaba ng tingin si ate at di na muling kumibo pa.
"Ma, I think I'm mature enough to own a gun." Mahinang sabi ko.
"For what?!" Napatayo pa siya sa kinauupuan. "Ha, Taylor? Saan mo gagamitin yan?"
"Look, the other night. May nailigtas akong babae dahil diyan sa baril na yan." Nakayukong sabi ko at nakatingin sa sahig. "If you don't believe me, we can go to that girl's house and ask her personally."
"Still, it doesn't give me enough reason why you need to have this thing." Kontrolado na ulit ang tono ni mama ng muling magsalita.
Hindi na lang ako kumibo para di na madagdagan pa yung galit ni mama Alex. Ilang sandali ding namayani ang katahimikan sa pagitan namin.
BINABASA MO ANG
Montalban Cousins: New Generation Series - Taylor
RomanceSi Taylor Zandra Mendez Montalban o mas kilala sa tawag na "Taz" ang 'pinaka' na yata sa 'pinaka' sa lahat ng Montalban. Pinaka-brat, pinaka-playgirl, pinaka-pilya at pinaka pa sa pinaka. Sakit sa ulo most of the time nila Alexandra at Arabella. But...