Chapter 14 How About...?

26K 964 260
                                    

"Mad passionate love should be experienced once in your lifetime."


Celine POV

"D-diyan ako sasakay?" Tanong ko kay Taz ng makababa na ako mula sa bahay nila pagkatapos ko magpalit ng damit. Di ko alam kung saan niya dinala yung pantulog na gamit ko kagabi.

"Bakit? Ayaw mo sumakay sa motor ko?" Tanong niya sa akin. Nakasampa na siya dun.

Napangiwi ako. "P-pwedeng uhm, y-yung kotse mo na lang gamitin natin?"

Napakunot noo siya. "Why?"

"Taz naman, kailangan mo pa bang itanong yan sa akin?" Sagot ko na hindi ko alam kung mahihiya o maiinis sa kanya.

"Then tell me why you don't want to ride my bike." Clueless na saad niya.

Huminga ako ng malalim saka nagbaba ng tingin. "I f-feel s-sore." Mahinang sabi ko.

"Oh." She mumbles.

Saglit na namayani yung katahimikan sa pagitan naming dalawa. Bumaba siya ng motor afterwards at kinuha yung susi nung kotse niya.

"Lika na." Malumanay na sabi niya at ipinagbukas ako ng pinto.

Tahimik lang akong sumunod sa kanya at pumasok sa loob ng sasakyan. Wala kaming imikan habang tinatahak namin ang daan pauwi. Hindi ko alam kung anong naglalaro sa isipan niya ng mga sandaling iyon at nakatutok lang yung mata niya sa kalsada.

Ako naman, di ko alam kung anong madadatnan ko sa bahay. Tiyak na alalang-alala na si mama kapag nalaman niyang wala ako sa kuwarto ko. Hindi ko alam kung anong idadahilan ko, kung paano ako magpapaliwanag sa kanya.

At yung pagma-madre ko... paano na?

Pumikit ako at isinandal ko yung ulo ko sa upuan. Sumasakit yung ulo ko sa kakaisip. Paggising na paggising ko pa lang kanina, dumagsa na yung mga posibleng consequences ng nangyare sa amin ni Taz kagabi. Napamulat ako ng magsalita si Taz.

"Look Celine, I did what I did. At kung kailangang ulitin ko yun para pigilan ka, gagawin ko. Hindi ko yun pagsisisihan." Ngayon ko lang siya nakitang ganito kaseryoso.

Hindi ako sumagot. Parang anytime babagsak yung luha ko. I did what I did too. Hindi ko na yun mababawi pa, hindi ko na yun maibabalik pa. Naging marupok ako sa tukso.

Pagdating namin sa tapat ng bahay, bigla akong kinabahan dahil nakita ko yung kotse ni daddy na naka-park dun.

Tumingin muna sa akin si Taz bago bumaba ng sasakyan at ipinagbukas ako ng pinto. Hinawakan niya yung kamay ko ng mahigpit at nagtama ang mga mata namin. Kinakabahan ako, at alam kong ramdam niya yun.

"I'm here." Sabi niya saka ako hinalikan sa noo.

I took a deep breath bago naglakad papasok sa loob ng bahay.

"Ano ng balita Beatriz? Nasan na daw ba ang kaibigan mo?" Naabutan namin ang nag-aalalang si mama.

Nasa sala silang tatlo, si dad nasa tenga yung cellphone at may tinatawagan. Si Bea nakaupo sa sofa at hawak din ang cellphone na halos madurog na sa bilis niyang mag-type. At si mama naman na halos maiyak na sa sobrang pag-aalala.

"M-ma..." Pumiyok pa yung boses ko ng tawagin ko siya ng nasa pintuan kami ni Taz na magkahawak kamay pa rin.

Sabay sabay silang napalingon sa amin. Bakas sa mga mukha nila ang relief dahil sa wakas nandito na ako sa bahay.

"Celine, anak!" Patakbong lumapit si mama sa akin at sinalubong ko siya ng yakap.

Lumapit din sa amin si dad at si Beatriz. Makahulugan yung tinging ipinukol ni Bea at daddy kay Taylor.

Montalban Cousins: New Generation Series - TaylorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon