"She didn't need to be saved. She needed to be found and appreciated, for exactly who she was."
Celine POV
Dalawang araw na ang nakakalipas simula nung mangyare yung insidente sa bahay ng aking ama. Dalawang araw na din na di nagpaparamdam si Taz.
Dinibdib ba talaga niya yung pag-aaway namin bago niya ako inihatid pauwi?
Haist... napabuntong hininga na lang ako na nagbalik tanaw sa pag-aaway namin.
Inihinto niya yung sasakyan niya sa may di kalayuan sa bahay ng aking ama.
"Why did you deny me in front of your father?" Pormal ang mukhang tanong niya sa akin.
Di agad ako nakasagot. "Alam mong hindi pa ako handa. Naguguluhan ako sa mga nangyayare. Ang bilis bilis parang pakiramdam ko di ako makahabol." Paliwanag ko.
"Tell me, Celine." Hinarap niya ako. "Pinagsisisihan mo ba yung nangyare sa atin?"
"Taz..." She asked me a question that it's too dangerous to answer. "Please naman sana maintindihan mo ako."
"At sana din naman Celine wag kang manhid!" She outbursts. "Wag mo naman iparamdam sa akin na wala kang pakialam sa nararamdaman ko." Mahina ngunit nandun pa din yung diin na dagdag niya.
Nakita ko yung hinanakit sa mga mata niya. Parang gusto ko siyang yakapin ng mga oras na yun.
"H-hindi naman sa ganun..." I really don't know what to say.
"Just answer the goddamn question." She said in between gritted teeth.
"T-taz, I... c-can't do this." Napailing iling na sambit ko. Naguguluhan talaga ako. Para akong nakasakay sa roller coaster at wala akong maintindihan sa mga nangyayare. "Please... just..." I took a deep breath. "Just give me more time."
Pinakatitigan niya ako ng mabuti. "I will rephrase my question which I know it will be easier for you to answer." Napakaseryoso ng mukha niya. "Gusto mo pa rin bang mag-madre?"
Gusto ko pa rin nga ba?
Malamlam ang mga matang tumitig din ako sa kanya. "Yes..." Sagot ko.
Hindi siya nakakibo. Nakatitig lang siya sa mukha ko habang mabilis na tumataas baba yung dibdib niya sa paghinga.
She sarcastically smiled at me. "That says it all."
Yun lang at pinaandar na niya yung sasakyan niya paalis. Hanggang sa nakarating kami sa pwesto, di pa din siya nagsasalita. Ayoko ng pagiging tahimik niya, parang mas masakit yun kaysa sa mga salita na maaari sana niyang sabihin sa akin. Ni hindi nga rin niya ako pinagbuksan ng pintuan ng sasakyan. Labag man sa kalooban kong bumaba ng kotse niya ng di kami nakakapag-usap ng maayos, wala na kong nagawa kundi bumaba.
Kasabay ng pagsibad ng sasakyan niya ay ang paglayo sa akin ng kalooban niya.
At hanggang ngayon nga ay di na siya nagparamdam sa akin. Kahit simpleng hi or hello na text message man lang pero wala. Nakakapanibago. Parang sanay na akong nangungulit sa akin si Taylor.
Nasa pagmumuni-muni ako sa gilid ng kalsada ng may humintong puting sasakyan sa harapan ko. Nagtatakang napaatras ako ng konti dahil masyado itong malapit sa kinatatayuan ko.
"Hi, Celine." Nakangiting bati sa akin ni Kimberly na nakadungaw sa binuksan na bintana ng backseat at naka-school uniform.
Nagtataka man, ay mas pinili ko na lang siyang batiin. "H-ello, Kim."
BINABASA MO ANG
Montalban Cousins: New Generation Series - Taylor
RomanceSi Taylor Zandra Mendez Montalban o mas kilala sa tawag na "Taz" ang 'pinaka' na yata sa 'pinaka' sa lahat ng Montalban. Pinaka-brat, pinaka-playgirl, pinaka-pilya at pinaka pa sa pinaka. Sakit sa ulo most of the time nila Alexandra at Arabella. But...