Chapter 10 The Connection

22.7K 879 98
                                    

"Nothing compares to the feeling when you hear the one you love saying she loves you back." (dj)


Celine POV


Paglabas ko ng kuwarto ng aking ama, pagkatapos ko siyang maihatid dun dahil pansin kong masama talaga ang kanyang pakiramdam, ay pinuntahan ko na si Taz sa labas ng gate. Naabutan kong kausap siya ni yaya Ising.

Malayo pa lang ako dinig ko na ang tawa ni yaya Ising. Kunot noong lumapit ako sa kanila.

"Ikaw talagang bata ka, maloko ka din!" Nakatawang sabi ni yaya.

"Ano hong meron?" Tanong ko ng makalapit na ako.

"Hay naku, Celine. Itong kaibigan mo, ang galing magpatawa!" Halos maluha na si yaya sa kakatawa.

Napangiti naman ako at tumingin kay Taz na nakangiti din. "Ganun ho ba?"

"Oo." Tugon ni yaya. "Napaka-pilya!"

"Ay si yaya o, hindi naman masyado." Depensa ni Taz na halata naman ang kapilyahan sa mga mata niya.

"Hindi ko alam kung paano kayo naging magkaibigan nitong si Celine." Nakangiting iiling iling na sabi ni yaya. "Imposible namang magmamadre ka din."

"Po?" Klaro ni Taz. "Sino ho ang magmamadre?"

"Si Celine." Tugon ni yaya.

Halata yung pagkagulat sa mukha ni Taz at agad na nagbaling sa akin ng tingin. Yung ngiti niya kanina unti-unting nawala. Kita ko yung pagkalito sa mga mata niya. Nagtama ang mga mata namin at parang may sekretong komunikasyon ang mga yun.

"Uwi na ba kayo?" Basag ni yaya sa katahimikan.

Nagbawi ako ng tingin at nagbaling kay yaya. "Opo yaya. Pakitawagan na lang po ako kung may problema. Nasa kuwarto na ho si daddy at nagpapahinga."

Nagpaalam na kami kay yaya at tinahak na namin ang daan pauwi. Wala namang imik si Taz simula ng malaman niyang magmamadre ako. Halata ko din na mabagal lang siya ngayon magpatakbo na para bang wala sa daan ang konsentrasyon niya.

Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko kailangan kong magpaliwanag sa kanya. Na hindi pa naman final yung desisyon kong magmadre dahil sa hinihiling na pabor ng aking ama.

Pero para naman akong napipi ng mga oras na yun ng katahimikan niya. Nakahawak nga lang ako sa beywang niya pero di na katulad kanina na nakahilig pa yung pisngi ko sa likod niya.

Wala ding imik na inihinto niya yung motor niya sa harap ng bahay. Gabi na nung makarating kami dun. Tinulungan niya akong makababa ng motor.

"S-salamat." Sabi ko sa kanya ng ibinigay ko na sa kanya yung helmet, at nanatili siyang nakaupo lang dun sa motor.

Wala pa ring imik na kinuha niya yun at inilagay sa may manibela. Ang lungkot nung katahimikang namayani sa pagitan namin.

"P-pasok na ako." Nanatili lang nakababa ang tingin niya di ko tuloy makita yung mga mata niya. "I-ingat ka sa pag-uwi." Medyo pumiyok pa yung boses ko sa huling sinabi.

Naghintay ako saglit kung may sasabihin siya pero wala, di pa rin siya kumikibo. Kaya nagpasya na akong tumalikod at mabagal na naglakad patungo sa may pintuan.

"Celine." Tawag niya sa akin ng nasa may harap na ako ng pintuan namin at pipihitin ko na lang sana yung doorknob.

Nilingon ko siya at laking gulat ko ng hinapit niya ako sa beywang at mariing hinalikan sa labi. Nasa pagitan namin yung mga kamay ko habang yakap yakap niya ako ng mahigpit na pati hangin yata di makakadaan.

Montalban Cousins: New Generation Series - TaylorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon