"There's you, there's me, and then there's craving in between."
Celine POV
"Ate Celine!" Tawag sa akin ni Boying, isa sa mga bata dito sa Baclaran na nagtitinda ng mga grocery bags sa mga mamimili. Nasa edad nuwebe na siguro siya at ang taba.
"O bakit?" Nagbaling ako ng tingin sa kanya pagkatapos ko masuklian yung isang aleng bumili ng hinog na mangga.
May iniabot siya sa akin na isang box ng chocolate. "Para sayo daw."
Hindi ko yun kinuha mula sa kanya. "Kanino naman galing yan?"
"Di ko po alam ang pangalan eh." Napakamot sa ulong tugon niya. "Basta po maganda mga mata niya at makapal yung kilay."
Maganda ang mga mata? Makapal ang kilay?
Hindi ko alam pero iisang tao lang ang sumagi sa isip ko. Si Taz. Haist bakit ba di ko makalimutan yung mukha niya? Lalo na yung mga mata niyang parang palaging nangungusap.
Diyos ko, patawarin niyo po sana ako kung nagkakasala man po ako sa pagkakaalala sa babaeng yun. Taimtim kong dalangin.
Pero, bakit naman niya ako bibigyan ng tsokolate kung siya man iyon? Naloloka na yata ako.
"Pakisuli na lang sa kanya yan, Boying. Pakisabi di ko matatanggap." Mahinahong saad ko.
"Eh nakaalis na po yung lalake, ate!" Nalukot yung mukha ni Boying.
"L-lalake?" Nautal pa ako.
Oo nga naman kasi, bakit ka bibigyan ni Taz ng tsokolate kung di ka na nun naaalala. Tuya ng isipan ko.
"Opo ate." Tugon ni Boying.
Bakit ba parang nadismaya pa ako ng malamang, lalake pala nagbigay at hindi siya? Mangungumpisal na lang ulit ako mamya.
"S-sayo na yan, Boying." May bahid ng lungkot yung boses ko. Hindi ko maitago.
"Talaga ate?!" Parang biglang nagliwanag yung mukha niya sa narinig.
Tumango ako sabay ngiti ng tipid sa kanya. "Bigyan mo din yung mga kasama mo ha? Wag ka magdadamot, masama yun."
"Opo, opo ate! Promise!" Saka nagtatakbo na palayo papunta sa mga kasamahan niya.
"Miss, magkano dito sa mansanas?"
Narinig kong tanong ng isang boses babae. "Thirty-five po is---" Hindi ko naituloy yung sasabihin ko dahil nakasalubong ko yung kulay berde niyang mga mata. Napatulala pa ako sa magandang mukha niya. Yung medyo makapal din niyang kilay at kulay brown din ang mahaba niyang buhok. Parang kay...
"Miss?" Pukaw niya.
"P-po?" Parang nahimasmasang tugon ko.
No, hindi siya si Taz. Kamukha lang niya pala. Parang mas older version siya kung pagmamasdan.
Napangiti siya sa akin ng tipid ng mapansing parang namamalikmata ako sa kanya. "Magkano dito sa mansanas mo?" Naa-amused na tanong ulit niya.
Ang ganda niya. Parang ngayon ko lang siya nakita dito. "Uhm, thirty-five po pag isa lang pero bigay ko po tatlo isang daan." Tugon ko na medyo nailang. Nakakailang kasi siyang tumitig para niya akong kinikilatis na ewan.
"Eh itong green na mansanas mo?" Tanong niya saka itinuro yung kulay berdeng mansanas.
"Forty pesos po isa niyan." Magalang na tugon ko.
"May nakita ka na ba?" May lumapit sa kanyang isa ding napakagandang babae na kulay dirty blonde and buhok, at kulay asul ang mga mata.
Napapatulala na lang ako sa kanilang dalawa. Ang ganda ganda nila pareho. Para silang mga artista na lumabas dito sa pampublikong lugar.
BINABASA MO ANG
Montalban Cousins: New Generation Series - Taylor
RomanceSi Taylor Zandra Mendez Montalban o mas kilala sa tawag na "Taz" ang 'pinaka' na yata sa 'pinaka' sa lahat ng Montalban. Pinaka-brat, pinaka-playgirl, pinaka-pilya at pinaka pa sa pinaka. Sakit sa ulo most of the time nila Alexandra at Arabella. But...